CHAPTER 36

13 1 0
                                    

"ZAHN JACEY CALISTA"

While traveling to Raffy's house where Jae is currently residing, I was just looking in the window and appreciating the places' beauty. That's why, I can't blame Jae why he chose to stay here. It reminds me that there's more I have to discover about myself.


So, habang nasa van ay patuloy pa rin ang landian ng dalawang nasa harap ko. Kulang na lang ay magpalit na sila ng mukha sa mga ginagawa nila. Kulang na lang ay mabali ang ulo nitong si Jae na kung makahilig ng ulo dun sa Kai eh parang gusto na nitong i-glue na lang ang ulo sa balikat ng sinasandalan n'ya. AT PARA BANG WALANG SUMUGOD SA KANILA! #UnbotheredCoupleOfTheYear!.


"Tsk, sa una lang yan!" bulong ko sa sarili ko.


Totoo naman kasi, sa una lang sila ganyan. Sa una lang sweet, sa una lang nanliligaw, pero kapag tumagal na? Nako, makikita mo, halos ikaw na lang ang susuyo. Cold treatment sila, para pag napagod ka at nagsawa ka, ikaw ang susuko. So, pag ikaw ang sumuko, wala silang cargo de consencia, kasi di naman sila ang umayaw, kundi ikaw. Oh di ba? Ganun ang style ng mga lalaking amoy bugok ang betlog.


And, speaking if lalaking amoy bugok ang betlog, gusto kasi ni Jae na sila lang ni Kai doon sa likod ng driver's seat, kaya sa likod nila ako pinaupo. Tapos, etong lalaking katabi ko eh parang hindi mapakali at kanina pa lingon ng lingon sa akin. Ewan ko, si Ranz ba to? I'm not good with names kasi. Nakakailang tong ginagawa n'ya ah?.


Honestly speaking, I'm not comfortable na may makatabing lalaki, EXCEPT kung close friends ko. Simula kasi nung nangyari yun eh, nawalan na ako ng tiwala sa mga tao, lalo na sa mga lalaking yan!.


At kahit gusto kong pilipitin ang ulo nitong katabi ko eh hindi ko ginawa. Kasi nga friends sila ni Jae, and I have to be nice too, kasi di naman ako taga rito.


"Malapit na tayo, Zee!" sabi ni Jae.


"THANK GOD! OH MY GOODNESS!"


Nginitian ko na lang ito ng peke dahil di talaga ako komportable kasi nagkuyakoy naman itong katabi ko. Di ba, sabi kapag ganun, sabi eh natuturn on. Buti na lang talaga at malapit na, kung hindi ay masasapak ko talaga ito.


We arrived at Raffy's house, judging it, yung style n'ya eh parang mga lumang bahay. Which is so soooooo good! Nakakagaan talaga ng pakiramdam kapag nakakakita ng ganito.


"Oh, hijo, ikaw na ba si Zee?" tanong ng isang di katandaang babae.


"Uhm, yes po! Hello po!" magalang kong sagot rito.



"Ako si Tita Rosie, tita ni Raffy! Feel at home ha? Wag kang mahihiya dito. Pero, bakit parang iba yata ang itsura mo dun sa picture na pinakita sa amin ni Jae?" malumanay na sambit nito.


"Nice meeting you po, Tita Rosie! Thank you po for letting me stay and for taking care kay Jae kahit makulit yan! Hahahaha. Naku, yung sa picture po ba? Mahabang kwento po eh."



"Naku, hijo, makulit nga, pero ayos lang naman, nabibigyan ng sigla ang bahay namin. Ako nga pala si Tito Pords, tito ni Raffy" sagot naman ng isang lalaking sumundo sa amin kanina.


"Hahaha, salamat po talaga sa inyo" sagot ko at ginantihan sila ng matamis na ngiti.


"Zee, nasa taas na yung gamit mo, pwede ka na munang magbihis para makakain na tayo pagbaba mo." sambit ni Jae.



"Sige sige, bibihis muna po ako ah? Thank you po ulit." pagpapaalam ko sa dalawang nakakatanda sabay akyat sa kwarto.


Habang naghuhubad ng t-shirt at shorts ay narinig kong bumukas ang pinto.


Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon