CHAPTER 16

21 1 0
                                    

"JAE"

Maaga akong gumising dahil First Day of School ngayon. 5:30 palang ng umaga ay nagkakape na ako sa Terrace at nagulat pa si Tita Rosie nang makita akong nakaupo doon.

"Aga mo yata Jae." ani nito ng makalabas ng pintuan.

"First day po tita." sagot ko at bigla nitong naalala ang sinabi ko kagabi na pasukan na namin.

"Oo nga pala." natatawa nitong sabi at saka nagpaalam na lalabas para bumili ng kape.

Alas sais ay naligo na ako para di na kami magkaagawan sa banyo nina Dewie at Izza at saktong kagigising lang ng mga ito ng makita akong nakabihis dala ang aking gamit.

"Oh pasukan niyo na?." tanong ni Dewie habang binubutones ko ang aking uniform.

"Ou aga nga ng call time kasi may program." sagot ko naman at nang maayos na ako ay nagpaalam na ako sa mga ito.

"Nice first day of School ni Jae." sigaw ni Jov ng makita akong lumabas ng looban. "Tara na hatid kita sa Plaza." aya nito at sumakay ako sa pedicab na dala nito.

"Oh." abot ko sa bayad ko pero tinanggihan nito.

"Huwag na, galingan mo lang sa school." ani nito pero pinilit ko pa rin.

"Loko ka ayos lang sige na." sabi ko at wala itong nagawa kundi tanggapin.

"Wala akong panukli." ani nito sa 50pesos na hawak pero umiling lang ako at hinayaan na yung sukli sa kanya.

"Ingat ka." sigaw pa nito at sakto namang isa nalang ang kulang sa jeep kung kaya sumakay na ako at agad iyong umandar.

At dahil di ako umattend sa mga program ng School para sa mga first years ay talagang wala akong kilala sa School, kahit nga section ko ay sa Group page ko nalang nakita st kahit schedule ko ay hindi ko rin alam.

Nagstart ang program ng 7:30 at nakinig lang ako sa isang gilid habang tinitingnan ang mga grupo ng studyante na magkakasama at nakikinig habang nagkekwentuhan.

Ang haba rin ng Program kung saan nagsalita at nagpakilala ang Admin ng School, SSG Officers na students ng Department namin, Program Coordinator at pati ang Club ng Department namin.

Quarter to 11 na ng matapos ang program dahil naghandog pa sila ng games sa mga students pero nasa isang gilid lang ako at nanood. Lumabas ako ng school at nagpunta ng Libera para sa isang quick lunch at bumalik ng alas dose ng tanghali sa School para sa aking 1st subject.

Tumungo pa ako sa Bulletin board para hanapin ang aking schedule at pinicturan iyon. Umakyat ako sa 2nd floor para hanapin ang room ko at nang makita ko ang room 7 ay tiningnan ko kung tama ang Schedule na nandoon.

Napatingin lahat ng mga students ng pumasok ako kung kaya yumuko ako at bumati sa kanila.

"Good noon." mahina kong bati at umupo sa first row dahil bakante iyon. Dumating na rin ang aming Professor sa Stenography at nagpakilala ito.

"Now It's your turn guys." nakangiti nitong sabi sa amin at agad na tumuro sa pwesto ko. "Stand Up please at pumunta ka rito sa gitna."

Nagulantang ako sa sinabi nito at agad na tinuro ang aking sarili. "A-ako Ma'am?."

"Yes." tango nito at dahan-dahan akong tumayo at naglakad sa gitna.

"I'm Casper James Esculente." pakilala ko at bigla akong natigilan ng makarinig ng bulungan.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon