CHAPTER 53

7 1 0
                                    

"KAI"

Matapos ang tatlong araw na burol kay Skye ay hinatid na rin namin ito sa sementeryo. Sa bahay na ito minisahan na dinaluhan ng iilan naming malalapit na kamag-anak na naririto. Nasabihan naman ni Gary ang ex niya tungkol sa pagkawala ng kanilang anak pero hindi naman ito nagreply o nakibalita kung kaya mas lalong bumigat ang loob ng pinsan ko.

Sina Jae ay laging pumupunta para makatulong kahit pa sinasabihan kong huwag na dahil nakakaabala kami rito pero ito ang mapilit.

"M-mahal ka ng Daddy anak." napapunas ako ng luha ng marinig iyon kay Gary habang niyayakap si Skye sa huling sandali.

"H-hindi ka na mahihirapan anak, mahal na mahal ka ni Daddy ha." hagulgol nitong sabi at hinigpitan ang pagkakayakap sa anak na wala ng buhay.

"Kamusta mo nalang ako kina Lolo, mag-iingat si Daddy para sayo." huling sambit nito at hinalikan sa noo ang anak.

Isa-isa kaming lumapit para kahit sa huli ay mapagmasdan si Skye, ang aking paboritong inaanak.

"Mahal na mahal ka ni Ninong." pinilit kong ngumiti at nagpunas ng luha bago ito hinalikan sa noo at lumayo na. Si Jae naman ay agad akong sinalubong at saka ako nito niyakap ng mahigpit.

"Kumalma ka lang." bulong nito sa akin habang hinihimas ang aking likod. Di ko na talaga napigilan kung kaya napaiyak na ako sa dibdib nito.

"Skye, love you." rinig kong sabi ni Ranz na pinipigilan ding umiyak. Nang makapagpaalam na lahat ay pinasok na ito sa loob ng nitso at saka tinakpan iyon ng hollowblocks.

Matapos ang lahat ay isa-isang nag-alisan ang mga tao hanggang sa kami nalang ang matira.

"Gary." tawag ng Mama nito rito. "Anak tara na."

Tumalikod na kami at nagsimulang maglakad palabas ng sementeryo para umuwi at magsipagkainan.

"Oh kumain ka ng marami." abot sa akin ni Jae ng isang platong puno ng pagkain.

"Andami naman." halos malunod kong reklamo rito.

"Ilang araw kang di kumakain ng maayos tama lang yan." asik sa akin nito kaya wala akong nagawa kundi tanggapin iyon.

"Ayos lang ba kayo diyan?." tanong sa kanila ni Gary ng dumaan ito sa terrace at binaba ang isang 1.5 na softdrinks sa lamesa.

"Ayos lang kami wag mo kami alalahanin." sagot ni Dewie rito.

"Jaro maraming salamat sa tulong ha." harap nito kay Jaro.

"Wala iyon maliit na bagay." sagot naman nito. "Kumain kana sumabay kana rito para makapagpahinga ka ng ayos."

Nagpaalam muna itong aasikasuhin muna ang iba naming mga kamag-anak at saka babalik nalang kapag kakain na ito.

Hindi na lang din namin pinag-usapan ang tungkol kay Skye dahil paniguradong malungkot nanaman iyon kung kaya pinipilit naming maging masaya ang kwentuhan lalo at nakatabi na namin si Gary.

Pahapon na ng magyaya umuwi sina Jae kung kaya hinatid namin ni Ranz ang mga ito sa kanila. Si Jaro naman ay may dalang sasakyan kung kaya nauna na itong umalis dahil may aasikasuhin pa ito.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon