CHAPTER 18

17 1 0
                                    

"JAE"

"OKAY GUYS! FINAL REHEARSAL MUNA TAYO NG PRODUCTION NUMBER N'YO BAGO KAYO MAG AYOS NG SARILI N'YO!" rinig kong sigaw ni Ma'am Sena, organizer ng pageant.


Kanina pa kami ditong 6 am para sa rehearsal at preparations ng props namin na gagamitin mamaya sa pageant.


11 am na at nagtawag na nga para sa final rehearsal ng production number. Rampa dito, rampa doon. Giling dito, giling doon. Pag uwi ko talaga ng Cavite, mag aapply na lang ako sa Adonis Gay Bar! Kanina pa kasi ako inaasar ni Laira, partner ko.


"Jae! Bigay na bigay ah? Table na kita oh?" ani nito at may pag ngisi pang kasunod.


Bisexual kasi itong si Laira, kung kaya mabilis kaming nagkapalagayan ng loob.


"Sira! Tsaka, kaya mo ba rate ko? Mamahalin 'to!" sabi ko naman dito at nag make face.


"Sige na oh?" sagot nito na may kasamang kagat labi at mabilis na pagtaas baba ng kaniyang mga mata na akala mo ay isang manyak.


"ARAAAAY PUTANGINA MO!" bulalas ko ng lamasin at paluin ni Laira ang pwet ko.


Dahilan na mapatingin lahat sa amin.


"Hoy! Kung maghaharutan lang kayong dalawa eh mag backout na lang kayo! Seryoso kaming lahat dito sa final rehearsal!" pagsaway sa amin ni Ma'am Sena.


Pigil tawa kaming yumuko ni Laira at bumalik sa aming mga pwesto.


Matapos ang rehearsal ay kumain muna kami. Alas 2 na, kasalukuyan nang nagmamakeup ang ibang contestants, habang ako andito at tulala.


Di ko rin napansin na tumutunog pala ang phone ko. Nang mapansin ko ay tinignan ko kung sino ang nagmessage.


"Good luck Jae! ❤️"


Napangiti naman ako sa nabasa ko, lalo na at galing kay Kai yun.


Hindi na ako nagreply dahil wala ako sa mood, dahil kinakabahan na talaga ako ngayon. Baka mamaya di ko matandaan yung steps at yung sa talent ko.


What if madapa ako mamaya?


What if mas maganda ako sa mga babaeng contestants? Edi kawawa naman sila?


"HOY! MAG AYOS KA NA MALAPIT NA MAG 3 PM, 4 PM YUNG GENERAL ASSEMBLY SA MGA CANDIDATES!" sigaw ni Laira sa akin sabay batok.


Wala na akong nagawa kundi mag make up ng sarili. Buti na lang talaga at tinuruan ako noon ni Zee, busy pa kasi yung mga make up artist eh.


Ilang oras pa ay tinawag na kami ni Ma'am Sena.


Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon