"JAE"
Ang bilis dumaan ng Pasko at Bagong taon. At eto panay pa rin ang trabaho ko dahil malapit na akong bumalik ng Muñoz. Buo na talaga ang plano kong mag-aral doon at sa tulong ni Raffy ay makakapamili ako ng Eskwelahan na maaari kong pasukan. Tuwing Day-off ko ay inaasikaso ko rin ang mga kakailanganin ko para di na ako mamroblema na makulangan ng requirements.
"Nay." tawag ko sa lola kong nagkakape sa kusina at lumapit ako rito.
"Oh anong kailangan mo?." tanong nito at ninakawan lang ako ng tingin dahil busy ito maglaro sa tablet.
"Ahh, may balak po kasi ako mag-aral." simula ko at umupo sa harapan nito.
"Mabuti kung ganoon." tango nito at hindi pa rin tumitingin sa akin.
"Pero, hindi dito sa atin. Balak ko kina Raffy." nakangiti kong sagot at agad itong nag-angat ng mukha at kumunot ng noo.
"Sigurado ka? Anong nakain mo?." takang tanong nito sa akin at napayuko ako.
"Gusto ko lang po doon." sagot ko at napabuntung hininga.
"Magpaalam ka sa Mama mo." sabi nito at binalik ang tingin sa tablet. "Sa akin eh walang problema."
Agad akong napayakap rito ng marinig iyon. Napakasupportive talaga ng Lola ko kahit anong mangyari.
"Opo." sagot ko at hinalikan ito sa pisngi bago ako nagpaalam na aakyat na sa aking kwarto para makausap ang aking Ina.
Nang malaman ni Mama na pumayag si Nanay ay wala rin itong nagawa kundi um-oo. Tutal ay ang malaman lang nitong magpapatuloy ako sa pag-aaral ay ayos na dahil matagal na rin nila akong kinukulit na pumasok ulit sa School.
Agad kong tinawagan si Raffy at sinabihan itong pumayag na ang pamilya ko at lalo akong naexcite na bumalik diyan. Habang nag-aayos ng aking lamesa ay napatingin ako sa isang notebook na green. Ito yung binili ko noon pa, matapos akong dalawin ng isang misteryosong panaginip.
Umupo ako at agad na hinawakan iyon. "Wala naman akong ideya kung para saan to, at kung magsusulat man ako, yun ay para kay-." napapalatak ako at saka tumayo.
Agad akong naghanap ng ballpen at nagsimulang magsulat. Mula sa pinakaunang aking natatandaan, hanggang ngayon. Binuhos ko ang lahat doon hanggang sa mapagod.
"Simula ngayon ay magsusulat na ako, para naman hindi naninikip ang dibdib ko sayo." kausap ko ang notebook at binalik iyon sa mesa saka humiga.
February 14
Busy kaming lahat sa trabaho at nakatutok ako sa laptop ng biglang tumunog ang cellphone ko kung kaya agad ko itong tiningnan.
"Happy Valentines Day Jae." bati ni Kai sa akin at bigla akong nakaramdam ng kilig. Maigi naman at hindi na siya galit sa akin.
Buhat kasi nung bumalik ako rito ay di ako kinausap ni Kai. Sabi ni Raffy ay nagtatampo daw ito dahil di ako nagsabing uuwi na pala ako. Ilang beses ko rin namang chinat ito kaso ay seen lang ang ginagawa.
BINABASA MO ANG
Chasing Fantasy
RomanceCredits to rightful owners of the artworks I've used for my book cover. :)