CHAPTER 1

173 3 0
                                    

CASPER JAMES "JAE" ESCULENTE




"Pucha naman" iritable kong bulong habang hinihintay ang aking maleta na lumabas sa eroplanong aking sinakyan, mag aalas dose na at paniguradong naiinip na ang aking kaibigan na sa labas ng Airport na aking binabaan dito sa Syudad ng Buklod. Nang makita ko ang aking maleta kasabay ng mga bagahe ng kapwa ko mga pasahero ay agad ko iyong kinuha at nagmamadaling tinungo ang labasan, gutom na rin ako dahil alas singko palang ng umaga ay umalis na ako ng aming bahay para pumunta ng NAIA.


Paglabas ko ay agad akong luminga sa paligid para hanapin ang kaibigan na nakilala ko sa Facebook. Siya ang umengganyo sa akin na bumisita sa kanilang lugar dahil naghahanap ako ng pwede mapagbakasyunan dahil gusto ko makapag-pahinga. Nag-resign ako sa trabaho dahil sa stress na binibigay ng aking Manager kung kaya naisipan kong patulan ang alok ng aking kaibigan na si Raffy na bumisita sa kanilang lugar, kung sabagay ay nagsasawa na rin naman ako sa Maynila at para maiba naman din sa aking paningin.


"Jae!" napalingon ako ng may marinig na sumigaw sa aking pangalan at napangiti ako ng makita ang aking kaibigan na naglalakad patungo sa aking kinatatayuan.

"Welcome to Buklod!" masaya nitong bati at agad kaming nagkayakapan.


"Maraming salamat." nakangiti kong sagot at tinapik ang balikat nito. Hinila nito ang aking maleta at sinabihang sumunod sa kanya patungo sa sakayan papuntang Syudad ng Buklod. Maraming nakaparke na Van sa tapat ng Airport at matapos makipag-usap ni Raffy sa isang lalake ay sinenyasan ako nitong sumakay na sa loob.


Napabuntung-hininga ako habang nililibot ang mata sa loob ng sasakyan, napatingin din ako sa ibang pasahero na sumasakay sa loob at maya-maya ay pumasok na rin si Raffy at tinabihan ako.


"Kamusta biyahe?" tanong nito sa akin at ngumiti.

"Hindi naman halatang excited ako diba?" natatawa kong sagot at sinabayan ako nito tumawa. "Hindi ako nakatulog mula kagabi sa sobrang excitement." dagdag ko na lalong kinalakas ng tawa nito.


"Naku edi malamang pagod na pagod kana." ani nito pero umiling lang ako. "Saan mo gusto kumain?."


"Kahit saan." sagot ko rito. "Pero Raphael sure kabang ayos lang sa tita mo na magstay ako sa inyo?" tanong ko.


Napakunot naman ito ng noo at lumingon sa akin bago tumango. "Oo, naman! mas excited pa nga sa akin yun eh."

Napahinga ako ng maluwag sa sinabi nito, kasi nkakahiya rin baka nakakabigat ako, pwede naman ako magrenta ng hotel dahil na rin isang linggo lang naman ako magsstay dito. Natahimik kaming dalawa ng magsimulang umandar ang sasakyan at pinilit kong umidlip dahil malayo-layo pa naman daw ang biyahe.


Ginising nalang ako ni Raffy ng nakarating na kami sa isang Mall at bumaba. Pupungas-pungas pa ako at medyo nakakaramdam na rin ako ng hilo dahil sa biyahe at gutom.

"Wait lang Jae." ani sa akin ni Raffy habang nakatayo kami sa entrance ng Mall. Tumango naman ako at naglakad patungo sa isang gilid at nagsindi ng sigarilyo, para naman mawala ang hilo na aking nararamdaman.

"Ano na Raffy!" napaangat ang ulo ko ng marinig ang boses na iyon at nakita ang isang lalake na lumapit rito. Tinuro naman ako ni Raphael at agad silang lumapit sa aking pwesto.

"Napakagwapo naman pala talaga ni Baby Jae." nakangiting bati ng kaibigan ni Raffy na si David at niyakap ako. Ilang beses ko nang nakita ang kaibigan nyang ito kapag nagvivideo-call kami ni Raphael at natatawa ako lagi sa mga sinasabi nito o kapag may naikekwento.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon