Chapter:2

847 34 0
                                    

"Wow, mukhang mabait na estudyante ah!" Bungad ni Kuya Erning nang makasakay ako sa kotse. "Pero demonyita in reality, pfft!" Sinundan niya pa ng nakakainis na tawa.


"Tigilan mo ako, baka i-untog kita sa manibela." Sabay irap ko sa lalaking hindi parin natatanggal ang mapang-asar na ngiti.

Napakamot siya bigla sa ulo. "Ha..ha..ha.. Senyorita ang saya niyo po kasama, try kaya natin 'to ibangga? Tingnan natin kung magkasama parin tayo sa next life." Napaayos ako nang upo, Hindi maiwasan manlamig ang aking kamay. Alam ko naman nagbibiro lang siya pero baka 'yong akala kong biro ay totoo pala.


"Ha! Galing mo naman mag-joke, bigyan kita shampoo." Mas ini-usog ko ang aking sarili sa gilid para makasandal ako sa bintana.

"Madam, wala akong buhok," napahawak siya sa dibdib, mukhang nasaktan sa sinabi ko.


"Suklay nalang." Seryosong saad ko habang inaayos ang shades na suot.


"Senyorita, ginagago mo ba ako?"


Hindi na ako sumagot. Tinutok ko nalang ang atensyon ko sa labas ng bintana habang nag mamaneho si Kuya Erning. Hays, back to school ulit. Akala ko pa naman may bakasyon pa ako ng 2 months. Hindi pa napagbigyan.


"Matanong ko lang" lumingon ito sa akin. "Ano ba pangarap mo?" Biglang tanong niya habang nakatutok sa daan.


Mga ilang segundo ako napa-isip kung ano nga ba ang aking pangarap. Ano nga ba? Trip ko nga lang ang strand na napili ko sa shs.


Kaya Tvl kinuha ko para maging kaklase ang kaaway ko sa dating kong school. Wala lang, sarap niya kasi pag tripan. Mukhang itlog na nabulok ng 30 days.


"Pangarap ko?" Humawak ako sa aking baba sabay inilagay ang isang daliri sa labi. "Hmm...gusto ko maging fairy."


Nagulat ako nang bigla humagalpak nang tawa si Kuya Erning. "Lakas naman ng tinira mo kagabi, Senyorita." Muli ito tumawa. "Adik kaba ha?!"


"Tigilan mo ako, hindi ka funny." Labas sa ilong na sagot ko.


Mabilis naman kami nakarating sa school. Bago ako bumaba binatukan ko muna si Kuya Erning, kaya ayun parang bonak, gustong gusto gumanti. Buti nalang nakababa agad ako bago niya subukan makaganti.


Ginawa kong hairband ang shades na suot ko. Naglakad lang ako na parang super model. Medyo madami nakatingin sa akin pero wala akong pakialam. Taas noo lang ako habang naglalakad.


"Mag si pila na lahat!" Nagulat ako nang may humila sa akin.


"What the! Angas mo ah!" Pag-lingon ko, teacher pala. "A..Angas ng suot mong hikaw, Ma'am. Hehe, saan mo po nabili? Para maiwasan ko." Nakagat ko ang aking labi sa huling sinabi, mabuti nalang pabulong ko sinabi 'yon. Itong bibig ko kasi ayaw manahimik.


"Ano strand mo? Pumunta kana sa ka-section mo." Mabuti talaga hindi pinansin ni Ma'am ang sinabi ko. Buti nalang talaga lumusot.


"Transferee po kasi ako. Hindi ko pa po kilala ang mga kaklase ko."


"Hmm. Ano ba section mo?" Tanong nito.


"12-He2, Ma'am." Sagot ko, sabay ipinakita ang papel.


Tumango agad ito at dinala na ako sa isang pilahan. Mga unfamiliar na estudyante ang nakikita ko. Mukhang mababait naman, Ewan ko lang pag nakausap ko.


"Ayan, pila ka nalang, Nak." Tipid ako ngumiti sa teacher sabay nag pasalamat.


Pumunta ako sa pilahan kung saan itunuro ng teacher. "Excuse. New student here." Mahina ko hinila ang isang babae sa gitna ng pilahan at doon sumingit. "Pwesto ko na 'to." I smirked.


Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon