Chapter: 57

541 21 0
                                    

Busy kami lahat sa kitchen nang tawagin ako ng isang employee. Ngayon ang schedule ko sa kitchen, wala rin naman akong gagawin sa labas kaya naisipan kong tumulong muna.

Ang daming customer today, kailangan ng tulong ng mga chef sa kitchen na 'to para mabilis lang makapag serve ng pagkain sa customer.

"Chef, kayo ho ba nag luto nung Ohion Shrimp pasta?" Tumingin siya sa order list. "'Yung order po nung table seven?" Dagdag pa niya.

Napatigil ako sa pag ga-gayat ng gulay nang mag tanong ito, bigla ako kinabahan. Baka kasi may mali sa niluto ko.

"May problema ba?" Kunot noo na tanong ko bago mag hugas ng kamay.

"Gusto ka daw po makausap." He said politely.

"Sige. Pakisabi, saglit lang dahil marami pa gagawin sa kitchen." Tipid na ngiti lang ang ibinigay niya pagkatapos ko sabihin 'yon.

Binilisan ko ang aking galaw pero maayos at malinis parin ang pag-gawa ko ng ibang dish. Iniiwasan ko talaga makatanggap ng complain, mahirap na baka makaabot pa kay Kuya Kiel.

Matapos ko mag luto, pumunta ako sa employee's room para makapag palit ng uniform. Tapos na kasi ako sa kitchen kaya sa labas nalang ulit ako para I check ang ibang employee.

Pinuntahan ko ang table na sinasabi ng isang employee ko. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya.

"Good afternoon, Sir. Pinatawag niyo daw ako?" Magalang na bati ko nang makaharap ko siya. "May problema ba sa niluto ko?" Tanong ko pa.

Naalis ang tingin niya sa phone at agad ito ibinaba sa table. Seryoso lang ang mukha niya, siya 'yung tipong isang tanong isang sagot lang.

Naka pang teacher uniform ito at malamig ang tingin na ibinato nito sa akin, parang may kung ano bumagabag sa akin dahil ganito siya makatingin.

Infairness ang pogi nito ah.

"Please, sit down." Aniya. Bigla ako kinilabutan, ang lamig masyado ah.

Dahan-dahan ako umupo sa upuan kung saan katapat ko siya.

"I think you don't know me yet based on the way you look at me now." Pagsisimula niya. Umayos siya ng upo at tinignan ako.

Kahit wala ako sa tabi niya, nalalanghap ko parin ang mamahalin niyang pabango. Napakalinis ng pananamit nito, matangkad, matangos ang ilong at mukhang richkid

"I'm sorry, sir. But I really don't know you." Honest na sagot ko habang nakatitig rin sakaniya.

Napatikhim siya at agad nilahad ang kamay. "Just call me Chavion, I'm Sherelia's fiance." Pakilala niya.

Siya ang fiance ni Sherel?! My ghadd! Sa sobrang pag tatago ni Sherel sa fiance niya ay nandito na ngayon sa harapan ko.

Kaya pala ayaw ni Sherel dito kasi mukhang nakakatakot lapitan, parang masungit kasi, parang kaunting pagkakamali mo ay pwede ka niyang iwan.

"Yeah, she did mention that she has a fiance." Tipid ako ngumiti bago tanggapin ang kamay niya. "I'm Alyssa, friend niya." Pakilala ko rin.

Bahagyan sumilay ang tipid na ngiti sa labi niya. "I thought she avoided mentioning it." Mahinang saad nito pero narinig ko parin.

"Actually, yes." Mabilis na sagot ko.

Bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya. "Anyway. I liked what you did with the pasta, balak sana kita kunin para mag luto nun sa kasal namin." Pag-iibang topic niya.

Napangiwi ako sa sinabi niya, gagawin pa akong taga luto, e' araw 'yon ng kasal ng kaibigan ko dapat relax lang ako. "Sorry, satingin ko, hindi ako pwede. Kasi nandoon ako sa hotel na pag istayan ni Sherel. Baka hindi rin 'yon pumayag."

Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon