Chapter: 48

517 26 0
                                        

"Oh, sa 'yo nalang." Tumama sa mukha ko ang isang bulaklak na ibinato sa akin ni Kuya Erning. "Makaranas ka manlang mabigyan ng bulaklak sa Valentines. Demonyita ka kasi kaya walang nag bibigay." Halatang labag pa sa loob nung ibinigay sa akin.


Napatingin ako sa bulaklak na binigay niya. Hindi ko alam kung mag papasalamat o mag tatanim ng samang loob kay Kuya Erning. Parang hindi kasi masaya nung binigyan ako nito e.


Ang ganda kasi ng pagkabigay niya, pagsakay ko sa kotse ibinato agad sa mukha ko. Wala manlang ka gentleman sa katawan niya.


Nang maka-upo ako, agad ko ipinaltok sa ulo niya ang bulaklak na binigay nito para sa 'kin. Nanahimik ako tapos bigla babatuhin, mabuti sana kung pera ang ibinigay niya, pero hindi. Bulaklak naman, tapos labag pa ata sa loob.


"Bastos ka talagang bata ka." Akmang ba-batukan ako pero mabilis ako nakaiwas. Imbis na ako ang mabutukan siya pa tuloy ang nagantihan ko ulit.


"Ikaw bastos!" Singhal ko. "Sino ba kasi ang tanga bigla babatuhin ng bulaklak sa mukha?!" Inis na tanong ko.


Umiwas siya ng tingin, kunwari may inaayos sa kotse. "Hindi ako," paiwas-iwas pa ng tingin.


"Wala kapa ginagawa, tanga kana!" Malakas ko siya hinampas sa braso.


Gaganti sana siya pero mabilis ko ginawang shield ang bag na nakapatong sa aking binti. "Oh, ano?! Sige, suntok!"


"Baliw!" Sigaw nito, hindi na makaganti kasi mukhang wala rin naman siya mapapala e.


Hindi na ako nagsalita, tanging irap lang ang isinagot ko. Wala akong sa mood makipag realtalkan sakaniya, magsusumbong lang 'yan kay Kuya e.


May event ngayong valentine's, isa kami ang nag decorate. Hindi talaga dapat kami kasali, kaso pinilit lang din ako nina Karina.


Pagkababa ko, ang dami agad nag bebenta ng bulaklak sa labas ng school namin. May iba nakared ang dahil naka in relationships sila.


Ako kasi naka-uniform, ibig sabihin nun study first, opss! Totoo naman ah! Wala pa nga akong jowa kaya study first pa tawag doon.


"Pst, ganda." Tawag sa akin ng isang nagbebenta ng bulaklak. "Bili kana para sa sarili mo, fifty lang." Alok niya sabay ipinakita ang bulaklak na tinda niya.


Wow, mukha ba talaga akong hindi nabibigyan ng bulaklak kaya need bumili ng sarili? Hindi ko naman kailangan niyan, gusto ko pera.


"Pass!" I tsked. Nilagpasan ko na ito pero narinig ko pa ang munting bulong niya. Hindi ko na binigyan pansin, baka mapa-away lang ako.


Diretsong lakad lang ako nang makita ko si Miracle nag-aabot ng white roses na inayos niya noong nag gawa kami ng decorations.


Pinapamigay niya talaga 'yan, maranasan manlang daw ng iba na mabigyan ng bulaklak.  Alam niya kasi ang feeling na hindi mabigyan, hays kawawa naman siya.


Nag tama ang tingin namin kaya padabog  ako binigyan ng bulaklak, may kasama pang irap. "Rip sayo." Tumawa siya na parang nang-aasar kaya nakurot ko sa tagiliran. "Taena mo, masakit 'yon." Daing niya.


Inis ko kinuna ang bulaklak bago ulit ibalik sakanya. "Oh, sayo nalang. Maranasan mo manlang mabigyan ng bulaklak." Sabay hagis ko ng bulaklak sa mukha niya.


Ginaya ko lang ang sinabi sa akin ng nag bebenta ng bulaklak at ni Kuya Erning, para maranasan niya rin masira ang araw niya ngayong umaga. Hindi pwedeng ako lang.


Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon