Chapter: 32

428 29 0
                                        

"Ayiee, kayo na ni Pres 'no?" Kinikilig si Creselia nang itulak ako, nakita kasi namin may bulaklak sa ibabaw mg desk ko.



Hindi ko tuloy maiwasan mapangiti nang makita iyon. Isang linggo na ako nililigawan ni Kevin pero ni isang beses wala siyang pinalampas na araw na hindi ako bigyan ng bulaklak.



Pero ngayon lang siya naglagay ng bulaklak sa ibabaw ng desk ko. Madalas kasi sa pag-uwian niya lang binibigay.



Mas lalo siya naging sweet, hatid sundo niya ako pati sa bahay nag pa-alam narin kung pwede siya manligaw. Gulat na gulat pa nga sina Kuya, pero mga ilang oras din ay natanggap na nila.



Madalas kami tumambay sa condo niya, doon kami nag 'no label time' minsan nag rereview pero mas madalas siya lang ang nag eenjoy nun.



"Hindi pa, bruha." Pigil ngiti ko bago siya lagpasan. Lumapit ako sa aking desk at ngiting ngiti kinuha ang bulaklak sa ibabaw na 'yon.



Wala si Kevin e' pinatawag siya ng isang teacher kaya nauna pumasok sa school. May aasikasuhin pa ata 'yon.



"So, nililigawan kana?" Umupo din siya sa tabi ko. "Gagi may card, basahin mo bilis! Shet, may loml daw. Tanginers may lomi sina Pres?" Binasa muna ni Creselia ang card bago ibigay sa akin.



Basahin ko daw pero nauna siya, tsk. Atsaka, anong lomi? Tingnan mo 'tong babae na 'to, hanggang dito pagkain parin ang naiisip.



"Loml kasi, hindi lomi!" Sabay hampas ko ng bulaklak sa ulo niya.



"Parehas na rin 'yon." Napakamot ito sa ulo. "Naols may flower." Inirapan niya ako sabay hinampas ang bulaklak na hawak ko.



Agad ko inilayo ang bulaklak sakaniya. Baka ano pa ang magawa ni Creselia sa sobrang bitter. Palibhasa walang jowa, puro pagkain lang kasi kasama niya.



"Well, ako lang 'to. Ikaw sino kaba?" I raised my brow.



Nangasim ang mukha nito mukhang nairita sa sinabi ko kaya pabiro niya hinila ang aking buhok. "E' di Ikaw na! Sa una lang naman masaya 'yan!" pinagkrus niya ang braso sa dibdib.



"Who hurt you today?" I laughed.



"Hoy, Creselia!" Naalis ang tingin namin sa isa't isa nang biglang sumulpot si Clark.



Agad nagusot ang mukha ni Creselia nang makita si Clark. Parang lahat ng inis niya sa mundo ay napunta sa lalake. "Problema mo na naman?" She frowned.



"Pinabibigay ni Mama." Sabay abot niya rito ng sandwich. "Baka mamatay ka daw sa gutom, patay gutom kapa naman." Pahabol nito bago patakbo lumabas sa classroom. Akala siguro niya hahabulin siya ni Creselia.


"Bwisit talagang lalaki 'yon." Saad nito habang binubuksan ang sandwich. "Hindi na talaga siya makakautang sa akin." Nakabusangot niya kinagatan ang hawak nitong pagkain.



Pinipigilan ko hindi matawa sa itsura nito ngayon. Halos hindi na kasi makausap, nakakatakot kasi ang tingin nito ngayon. Parang mangangain ng buhay.



"What if...Hindi ang nanay niya ang nagbigay sayo niyan, kundi siya?" Tinaas taas ko ang aking kilay nang sabihin 'yon.



Natigilan tuloy siya sa pag-nguya sa huling piraso na tinapay. "E' di bobo siya." She rolled her eyes.



"Okay lang sa 'yo? Hindi mo iluluwa?"



"Boba kaba? Nakain ko na nga tapos ipapaluwa mo pa sa akin?" Sinukmaan niya ako. "Ayan ah, lumalabas ang tunay na ugali. Siguro gusto mo humingi pero nahiya kalang sa akin."



Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon