"Okay na kayo?" Pabulong na tanong ni Creselia nang umupo siya sa upuan ng katapat ko, kararating niya lang kasi.
Pagkapasok palang ng babae na 'to, pumunta na agad sa pwesto ko. Nakita niya kasi nakapatong ang ulo ni Kevin sa balikat ko, nakatulog sa sobrang pagod.
Paano hindi mapapagod, halos ginawa na siyang alalay nila Kuya. Hindi niya deserve ng ganoon. Siya na nga ang nasaktan tapos siya pa 'yung kawawain.
Mag i-isang linggo na siya nag papa-alalay kay Kuya. 'Yung mga gawain na para kay Kuya Erning ay napunta sakaniya. Kaya todo relax lang si Kuya Erning sa gilid.
Napatingin ako kay Kevin, pagod na pagod ito. Nakatulog na sa sobrang pagod. Pagka-uwi niya may gagawin pa siya dito sa school tapos pupunta sa restaurant para tumulong hanggang mag-sara sila.
Sinubukan ko pigilan si Kuya Kiel pero ayaw niya talaga pumayag. Gusto niya makita kung hanggang saan ang kaya ni Kevin.
"Uh, parang ganoon na nga." Sagot ko kay Creselia bago ulit tumingin kay Kevin na masarap ang tulog.
"Gwapo ni Pres, 'no?" Pinagmasdan niya rin si Kevin. "Kaya hindi mo talaga masisisi 'yung mga fangirls niya dito."
"Oh, baka ma fall ah." Pang-aasar ko kaya agad siya napaismid.
"Gwapo si Pres, pero hindi naman ako nahulog diyan." Naiiling na saad niya. "Baka Ikaw." Napangisi siya kaya inirapan ko lang ito.
Matagal na ako na fall sa lalaki na 'to. Mas lalong lumala noong nag tapat pa siya sa akin pati sa kapatid ko.
"Tumahimik ka nga." Saway ko, kaya tumawa nalang ito.
"Aysus, ikaw ha. Ang landi." Tinuro-turo pa ako habang may pang-aasar sa ngiti niya.
Hindi naiwasan ng mata ko na umikot muli sa pagkakataon na 'to. Kung hindi lang talaga nakahiga si Kevin sa balikat ko baka nasabunutan ko na siya. Kaso hindi ako makagalaw, baka magising si Kevin.
Magsasalita pa sana ako nang bigla pumasok ang tatlong tukmol na maangas nag lalakad papasok. Napatingin sila sa amin, natigilan pa nga nang makita si Kevin sa aking balikat.
"Wow, lovebirds." Tumaas-taas ang kilay ni Clark sa akin bago ibaling kay Kevin. "Pinagod mo siguro si Pres, kaya ganiyan."
"Grabe ka naman, Alyssa. Ang sama talaga ng ugali mo." Pang-gagatong ni Carl, nakangisi.
"Pinagod saan?" Lutang na tanong ni Josh. "Ano ba ginawa ni Pres?" Dagdag pa nito.
"Josh, doon ka nga muna. Parang hindi ka belong sa usapan na 'to. Ang lutang mong haup ka e'" Saad ni Creselia kay Josh, tinulak pa nito para makalayo sa tabi niya.
"Ikaw ang umalis, nandito upuan ko e." Binangga muna niya ang balikat ni Creselia bago naupo sa tabi ni Kevin.
Gusto sana makaganti ni Creselia kaso nasa tabi ni Josh si Kevin, baka magising. Pinag mumura nalang niya habang nakapakyu.
"Okay na kayo?" Kunot noo na tanong ni Carl. "Paano? Ginayuma mo na 'no?" May pag du-dudang tingin pa siya.
"Alam mo minsan taena kasi 'no?" Umikot ang mata ko pagkatapos ko sabihin 'yon.
Mukha ba akong mag ga-gayuma para lang makuha ang lalaking gusto ko? Hindi ba pwede nakuha ko siya dahil maganda ako?
"Pero seryoso, okay na talaga kayo?" Singit ni Clark. "Edi kayo na?"
Napasimangot ako. "Malamang hindi." I rolled my eyes. "Masyado mabilis, hindi naman ako easy to get."
Lumapit si Carl at hinawakan ang aking baba. "Ka gandang bata naman. Haba ng hair ah."
Inis ko tinapik ang kamay nito. "Tumigil ka nga, panira talaga kayo ng araw."
Napahawak sa dibdib si Clark. "Bakit ako nadamay? Si Carl lang naman 'yon."
Napalingon si Carl sa pwesto niya. "Ah, panira pala ako sa paningin mo?" Napahawak siya sa bibig niyan. "Grabe kana talaga pre." Umarte siyang nasasaktan.
"Ano meron?" Curious na tanong ni Josh, sumilip sa amin. "Inamo, Alyssa! Inaway mo na naman kaibigan ko."
Dahil sa boses ni Josh ay nagising si Kevin, ang lakas kasi ng boses. Nagising tuloy, namumungay ang mata niyang tumingin sa akin bago ibaling kina Clark na nakatingin rin sakaniya.
"Good morning, Pres!" Nag finger heart na bati Carl habang malapad ang ngiti kay Kevin.
Napahikab ito bago ulit tumingin kay Carl. "Uh, good morning." Napunta ang tingin niya sa akin. "Sorry, I fell asleep." Malambing na sabi nito.
"Okay lang daw pres, nag enjoy naman si Alyssa." Singit ni Clark nang balak ko na sana siya sumagot.
Sinamaan ko siya ng tingin pero nag peace sign lang siya. Paepal talaga ang lalaki na 'to.
"Pinagod kaba pres?" Tanong ni Carl, may nakakalokong ngiti.
Mabilis umiling si Kevin bago tipid na ngumiti sakanila. Hindi na siya sumagot, mukhang inaantok pa nga e'. Kawawa naman, napupuyat kasi may work pa siya kina Kuya.
"Mukhang iba ang nireview mo, Pres ah." Makahulugan na sabi ni Creselia.
Tumayo na ako para sugurin sila. Kanina pa sila e' kung ano ano na pinag-iisip nila. Masyado silang ma issue.
"Aray!" Daing ni Creselia nang pag-hampasin ko siya sa braso niya.
"Ang issue mong animal ka! Akala ko ba magkakampi tayo!"
"Akala mo lang 'yo–aray! Oo na, magkakampi na tayo!" Todo iwas pa siya pero natatamaan parin naman.
Sinunod ko si Clark, kasi madami rin siyang sinabi e'. Hinila ko parehas ang buhok nila ni Carl. Todo daing sila pero tumatawa parin. Mga baliw talaga.
Balak ko nga sana isunod si Josh, kaso noong papunta ako sa pwesto nito ay hinila ako palapit ni Kevin. Kaya ang ending napaupo ako sa kandungan niya.
"That's enough, Alyssa." Mahinang saad ni Kevin.
Napatingin ako sakaniya at mabilis siyang inirapan. Tumayo na ako at padabog umupo sa tabi niya.
"Hala, Pres! Nag tampo, yakapin mo nga." Pang-aasar ni Clark habang nakatingin sa akin.
Pinakyuhan ko siya, sinamaan ko rin ng tingin kaso hindi makuha sa tingin. Mas lalo nang-aasar.
Sinilip ni Kevin ang mukha ko pero mabilis ako umiwas para hindi niya makita kung paano ako kainis kina Clark.
"I'm sorry," kinalbit niya ako at pilit pinapaharap sakaniya.
Hindi ko siya sinagot, nandito pa ang mga siraulong nang-aasar. Ang lawak nga ng ngiti e. Tuwang-tuwa sa nakikita.
"Gusto ata ng halik, Pres." Singit ni Carl. "Ay, gusto nga pres, oh." Ngumuso pa siya sa akin.
Taena talaga ng mag tropa na 'to. Ako na naman trip nila. Wala na magawa sa buhay kundi inisin ako.
Patay sila sa akin mamayang uwian, keltok sila mga sampu.
Nakakainis rin 'to si Kevin, ayaw pagsabihan na tumigil, mukhang natutuwa pa na inaasar kaming dalawa. Wala talaga ako kakampi dito pag sila ang nang-aasar sa akin.
🍃🌷🍃

BINABASA MO ANG
Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)
Novela JuvenilNot An Angel Series # 4 (Completed) Alyssa Faye Perez was just born into this world to annoyed the people around her. Siya yung tipong babae na sobrang layo sa ibang babaeng hindi makabasag pinggan. But one guy came into her life who gave her a head...