Epilogue

1.1K 32 12
                                    

I was walking alone to kadiwa park. Nandito ako para mag basa. I know it's weird, but I like quiet and peaceful surroundings while reading a book.



Nabored ako sa bahay, kaya naisipan ko pumunta ito. I sat on the small bridge, walang tao kaya dito ko nalang naisipan umupo.



Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko may tumulak sa likod ko kaya agad ako napasubsob. Maski ang libro ko ay tumalsik dahil doon.



"Harang!" Rinig kong sabi ng isang babae. I immediately looked at her, she was just smiling while looking at me.



Balak niya sana ako talikuran pero agad ako tumayo para lapitan siya.



I just stared at her. I can't help but look at her beautiful eyes, halatang matapang ang babaeng kaharap ko ngayon base sa mga tingin niya sa akin.



Hindi ko alam ang nangyari sa akin, nang makalapit ako ay agad bumilis ang tibok ng puso ko. Napaka ganda ng hugis ng mukha, may katangkaran ito at maayos rin manamit. Hindi nakalagpas ang kissable lips nito pati ang makinis niyang balat



Agad ako napailing. Shit, what happened to you Kevin! Never tumagal ang tingin ko sa isang babae, because I never had any interest.




"Oh ano?" Tanong nitong nag pagulat sa akin. "Sabihin mo kung susuntukin mo ako para makaganti agad ako." She adjusted the cardigan she was wearing and positioned herself like a puncher.



I couldn't help but smile in my mind. She's cute!



"What's your problem." I asked calmly. Hindi ko pinapahalatang tinatablan ako ng charm niya.



"Nakaharang ka." She answered simply.




Saglit ako napatitig, gusto ko pa marinig ang boses niya. Kaso narealize kong sobra na ang iniisip ko. The hell! Kakakita ko pa lang sakaniya ganoon na agad iniisip ko.



"I'm sorry....Okay, you can go." Binigyan ko siya ng daan at tipid na ningitian. She seemed surprised by what I did but she quickly looked away.


"'Yan, matuto ka gumalang sa nakakaganda" she flipped her hair before leaving me.



I was left dumbfounded as I watched her walk away from me. I wanted to follow her and ask her name but dinapuan ako ng hiya sa katawan.



Until I got home, I didn't forget the girl I talked to earlier.



Damn, na love at first sight ata ako.




"Carl! May chicks, oh!" Kinalbit ni Josh si Carl at agad tinuro ang babaeng sumingit sa isang pila. "Siya siguro 'yung tinutukoy ni Ma'am na transferee."



"Hard pass, pare." Naiiling tumingin si Carl sa babaeng nakatalikod. "Mukhang siga." Tumawa ito.



Napansin kong may kaunting problema sa pila nila kaya agad ako lumapit para alamin kung ano ang nangyayari. Mukhang nag-aaway kasi.



Agad ko napigilan si Shane sa balak niyang pagsabunot sa bagong estudyante.



Napunta ang tingin nila sa akin kaya labis ang pagkagulat ko nang makita ko ang babaeng dahilan kung bakit hindi ako nakatulog ng isang gabi.



Masama ang tingin na binigay niya sa akin, it looked like she didn't recognize me anymore based on her gaze.



Nagkasagutan sina Shane at ang bagong estudyante kaya ang naging ending ay tinalikuran niya nalang kami at naglakad na parang walang nangyari.



Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon