Napahawak ako sa aking ulo nang makaramdam ng pagkirot. Kanina pa nasakit ang ulo ko, kanina narin ako nahihilo.
Mukhang lalagnatin ata ako.
Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat ni Kevin, he immediately looked at me as he put his arm around my shoulder. Nandito kami sa classroom, vacant naman namin kaya ayos lang kung gawin ko 'to.
I don't care if someone is looking at us, masama pakiramdam ko ngayon at wala akong balak makipagtitigan sa mga chismosa.
"Are you okay?" He asked carefully. He bent down a little to part my hair covering my face.
Saglit ko inangat ang tingin ko at mabilis umiling. "Ang sama ng pakiramdam ko." Mahinang saad ko bago sumiksik sa mabango niyang leeg.
Maingat niya idinampi ang kamay sa aking noo papunta sa aking leeg. "Damn, you're so hot." He whispered.
I smirked. "I know right." Saglit ako natawa saka siya niyakap.
"I'm serious, Alyssa. You have sick." Nag-aalalang sabi niya. Patuloy parin ang pagdampi ng kamay nito sa aking noo. "Let's go to the clinic." Aya niya.
"Wow, sweet." Nakangiti pumasok si Carl habang may dalang tinapay. "Grabe naman 'yan, Pres." Umupo siya sa upuan niya, nilingon kami.
"Inamo ka!" Pinakyuhan ko siya kaya napatigil ito sa pag nguya ng tinapay sa bunganga niya.
"Aba salba—"
"She has a fever." Singit ni Kevin sa usapan namin.
Nanlaki ang mata ni Carl. "Gagi, may lovenat lang 'yan." Tumawa ito bago ulit kinagatan ang hawak na tinapay. "Joke, baka nilagnat kasi walang na 'yung icepick niya." Napatakip siya ng bibig, pinipigilan tumawa.
Hindi ko maiwasan hindi irapan si Carl, kahit kailan talaga napaka lakas ng amats niya. Kung wala akong nararamdaman ngayon baka sinapak ko na siya.
"Ibalik niyo ice pick ko!" Umalis ako sa pagkayakap kay Kevin at dinuro-duro siya. "Inamo, kakahasa ko lang nun!"
"Gagu, wala na. Hiniram ni Tatay, ginagamit niya na ngayon." Kumamot siya sa ulo. "Sakaniya na 'yon."
My eyes widened. "Hoy, kunin mo 'yon sa tatay mo, haup ka!" Tumayo ako at hinila ang buhok niya.
Agad siya napadaing. "Lah, niregalo ko na sakaniya 'yon!" Pinipilit niya alisin ang kamay ko sa buhok niya pero masyado mahigpit ang pagkahawak ko.
Walanghiya talaga ang lalaki na 'to, kaya pala ilang araw ko na kinukuha sakanila ang icepick ko, 'yun pala nairegalo na. Bwisit talaga! Lalo sumasakit ulo ko sakanya.
"Bakit kasi kinukuha niyo tapos hindi mo na pala ibabalik!" Wala parin ako tigil sa paghila ng buhok niya.
Sinubukan ako awatin ni Kevin pero hindi parin ako nag patinag. Natamaan ko pa nga siya sa mukha pero sa sobrang inis ko sa lalaki na 'to, hinayaan ko muna siya. Gusto ko muna makaganti sa siraulo na 'to.
"Wow, live rambulan." Dumating narin si Clark, kasama si Creselia.
Agad lumapit si Creselia at binatukan si Carl. "Lintek lang walang ganti." Saad nito at binatukan ulit.
Balak ko pa sana higpitan ang pagkasabunot sakaniya kaso nakaramdam na ulit ako ng pagkahilo, feeling ko tuloy matutumba ako.
"Are you okay?" Hinawakan bigla ni Kevin ang aking siko nang mapansin niyang nakahawak ako sa ulo.
BINABASA MO ANG
Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)
Novela JuvenilNot An Angel Series # 4 (Completed) Alyssa Faye Perez was just born into this world to annoyed the people around her. Siya yung tipong babae na sobrang layo sa ibang babaeng hindi makabasag pinggan. But one guy came into her life who gave her a head...