Chapter: 16

510 31 0
                                        

"Are you okay now?" Tanong agad ni Kevin nang makarating ako sa room.



Napatingin tuloy ang ilan naming kaklase sa pwesto namin. Hinawakan pa kasi ako sa aking siko. Hindi tuloy maiwasan ng iba makitingin at makichismis.



"Bakit pres? Nalumpo ba si Alyssa?" Nilingon siya ni Clark, nakangisi. "Gagi hindi naman e, mukha lang nalumpo, kaya dapat masanay kana." He chuckled.



Sinukmaan ko siya sabay namakyu. "Ikaw lumpuhin ko diyan!" Ani ko. Nawala ang ngisi nito, masamang tingin na ang binibigay niya.



"Sa anong paraan mo ako lulumpuhin?" Bumalik ang ngisi niya. Tumayo pa siya para lapitan ako. "Aabangan mo rin ba ako, sabay tutukan ng icepick?"



Inis ako napairap bago siya kurutin sa sikmura. "Wala nang tutok-tutok. Itutusok ko na agad 'yon sayo." I rolled my eyes.



"Go back to your sit, Streon." Singit ni Pres. Sumandal ito sa upuan saka ipinag krus ang braso sa dibdib. "Mamaya niyo na ipagpatuloy 'yan." Pahabol nito bago ako bigyan ng daan para makaupo sa aking pwesto.



Nag make face pa ang siraulo bago bumalik sa upuan. May binubulong pa nga, kaso masyadong mahina para marinig.



Walang imik ako bumalik sa upuan ko. Bumalik sa pagbabasa ng libro si Kevin. Tahimik narin siya, hindi na ako kinausap. Mukhang narereview, malapit na kasi laban nila e.



Napansin niya atang may nakatingin sakanya kaya napapunta ang mapupungay nitong mata sa aking gawi. "Why? May masakit ba sayo?" Mahinahon na tanong nito.



Mabilis ako umiling bago iniwas ang tingin. Kinuha ko nalang ang phone nang bigla ito mag vibrate.



Nag text 'yung aabangan ko mamaya.



From: Clorei bantot

sAn kA nAmIn aNtaYiN,,,?

nAtAkOt kAnA n0H?

Txt bck!!!!



Ano na naman trip nito? Bakit ganito mag text? Mukhang hindi siya nakaalis sa pagiging jejemon amp.



Agad ako nag tipa para replyan ang pang alien niyang text.



To: Clorei bantot

Hanapin mo sa mga mukhang hindot mong kaibigan.

Malalaman mo akong nandiyan na pag may gripo na 'yang tagiliran mo.

😘



Nang maisend ko 'yon, agad siya nag reply pero hindi na ako nagbalak para tingnan 'yon. Mamaya nalang, baka mabadtrip pa ako sa reply niya.


Habang wala pang teacher, nakipag trashtalkan muna ako sa mga kaaway ko sa Facebook. Panay nga ang mura nila e', galit na galit sa akin. Hindi ko naman kasi sinasadyang mailagay sa cover photo ang picture niyang jejemon noon.



Tamang trashtalkan lang ang bruha na 'yon. Nag hanap pa ng tropa sa Facebook. Tapos ayon, nalaman ko nalang may ka I love you-han na sa Facebook. Naka pudlock pa nga ang monthsary nila e.



Nang magsawa ako, bumalik ang atensyon ko kay Kevin. Tahimik parin siyang nagbabasa. Naalala ko tuloy ang balak kong itanong sakan'ya pag nakarating na kami sa room.



"Saan mo nga pala nakuha 'yung palda at undies?" Agad na tanong ko rito.



Natigilan ito at dahan-dahan tumingin sa akin. Nagsisimula na naman mamula ang tenga nito, napakamot pa sa batok.



Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon