Chapter: 49

485 22 0
                                    

"Alyssa, wait." Pigil niya sa akin.


Inis ko tinignan si Kevin at mabilis inalis ang kamay niyang nakahawak sa aking braso. Ang kulit naman, kanina pa ako nito kinukulit.


Cleaners ako kaya nag kunwari siyang busy para lang mahintay ako matapos sa paglilinis. Kaya ngayon, sinusundan niya ako at pilit inaaya sumabay sakaniya.



Wala na masyadong estudyante dahil kanina pa nakauwi, tanging mga ibang estudyante nalang na may mga gagawin pa sa school na 'to ang nandito.


"Bakit ba ang kulit mo?" Hindi na ako nakapag-pigil tanungin sakaniya. Naiirita na kasi ako.


Bahagyan siya natigilan at hindi agad nakapag salita, bagkus tinitigan niya lang ako habang naiinis sa mga kinikilos niya.


"Gusto lang kita isabay, no one will pick you up because Kuya Erning is not around." Mahinahon na paliwanag niya.


Napaawang ang aking labi sa sinagot nito. Paano niyang nalaman na hindi ako susunduin ni Kuya Erning? Stalker ba siya?


"E' ano ngayon? Hindi mo ba naisip na ayaw ko sumabay sa 'yo?" Pagtataray ko.


"Atsaka, hindi porket may something nangyare sa kotse mo noong nakaraan na araw ay pwede kana maging feeling close ulit." Dagdag ko. "Bakit ayaw mo gawin 'yan kay Sunny? Bakit hindi nalang siya ang guluhin mo?" Sunod-sunod na tanong ko.


"Dahil hindi siya Ikaw, Alyssa!" Medyo tumaas ang boses niya.


Napatingin ako sa paligid, nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala estudyante sa bandang pwesto namin. Kasi kung meron baka magka-issue pa tapos ako na naman ang maging masama.


"Pwede ba Kevin, tumigil kana? Alam mo, mas lalo mo lang pinapalaki ang issue nating dalawa." Napakamot ako sa aking noo kahit hindi makati. "Pwede bang layuan mo nalang ako? 'Yung parang hindi tayo magka–"


"I can't," Putol niya sa balak kong sabihin. "I can't do it Alyssa, I tried but I really can't." Lumapit siya para hawakan ang kamay ko.


Nakanganga lang tuloy ako, totoo ba pinagsasabi niya? Siya na nga mismo umiwas 'yan tuloy ang tanga niya.


"I can't seem to forget you no matter how hard I try. Because every time I see you, I can't help but miss you. My heart is still searching for you." Idinala niya ang kamay ko papunta sa mabilis niyang puso na tumitibok ngayon.


"S-Stop, Tama na Ke–"


"I'm ready to forget everything, as long as we go back to the way we were before." Muling putol niya. "'Yung dating nililigawan ulit kita. Miss na miss na kita Alyssa." His innocent eyes looked at me.


"Balik kana," Hinapit niya ang bewang ko papunta sakaniya at pinag-dikit ang noo naming dalawa. "Please, come back to my arms again."


"A-Ano pinagsasabi mo Kevin?" Naguguluhan na tanong ko rito.


Lahat ng mga pinagsasabi niya hindi ma proseso ng utak ko. Parang katulad na ako ni Josh na naging lutang. Feeling ko nga niloloko lang ako ni Kevin, para makaganti pero base sa mga tingin niya ay parang hindi naman.


Tipid siya ngumiti at hinawakan ang aking pisngi ko. "I'm so in love with you, Alyssa." Tinitigan niya ang mata ko. "I still want you for me."


Ilang beses ako napakurap at hindi magawang maibuka ang bibig dahil sa pagtatapat niya. Parang hindi ko parin maimagine na a-abot kami sa ganito.


Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon