"Bff ko!" Hindi pa ako nakakalabas sa classroom may sumabit na agad sa braso ko.
Mabilis ko 'yon inalis bago siya sinamaan ng tingin. What the?! Masyado na siya feeling close.
"Bff ko!!!" Sumunod si Clark na sumulpot sa harapan ko. Ginaya ang boses ni Creselia.
"BFF NAMIN!!!" Sigaw ni Raph, Carl at Josh. Tumakbo sila papunta sa pwesto ko sabay kami niyakap. Halos hindi ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap.
"Pucha! Umalis nga kayo!" Malakas ko sila itinulak. Inayos ko ang buhok na nagulo, dahil sa kalokohan nila.
"Tara gala!" Aya ni Clark, inakbayan ako.
Mabilis ako umiwas mula sakanya at saka nauna mag lakad. Narinig ko si Creselia na sumisigaw habang hinahabol ako.
Sumunod rin ang apat, na parang banong tumakbo palapit sa amin.
Nang makita sila sumusunod, mabilis ko hinila ang kamay ni Creselia habang tumatakbo rin. "Faster!!" I yelled. Ang bagal kasi, halos madapa na siya.
"Bakit tayo tumatakbo?" Tanong nito.
"Ayokong maabutan nila tayo." Sagot ko sabay binilisan ang takbo.
Narinig ko ang sigaw nila, pero panay perin ang takbo namin hanggang sa makalabas sa gate. Nasigawan pa kami ng guard pero hindi namin 'yon pinansin.
Nagtago kami kay Kuya nagtitinda ng kwek kwek. Ito naman si Creselia, nagawa pa bumili e' nag tatago na nga kami sa mag tropang kumag na 'yon.
"Kuya, bakit parang hangin 'tong nakain ko?" Reklamo nito sa vendor, habang kumakain ng kwek kwek.
Masama tumingin si Kuya Vendor habang nag luluto. "Hindi ka marunong pumili, kaya ganoon."
Napaawang ang labi nito. "Wow, parang lucky winners lang, need ng instinct bago makakuha nang maayos." Umangat ang sulok ng labi nito at inirapan si Kuya.
"Wag ka nalang bumili!" Pababog niya inilapag ang baso bago mag simula umalis kasama ang paninda niya gamit ang bike.
Saktong pag-alis ni Kuya Vendor, nandoon na sa harapan namin si Clark kasama ang mga alagad nito. Lumawak ang ngiti nila at mabilis lumapit sa amin.
Napasulyap ako kay Creselia na hindi manguya nguya ang kwekwek sa sobrang init. Wala siya pakialam nasa tabi namin si Clark.
"Woah, hi beautiful... what's your name?" Umakbay muli si Clark, inilapit ang mukha sa akin.
Agad ko siniko ang tiyan niya kaya napangiwi siya sa sakit. Inalayan ito ng mga alagad niya. "Bro...masakit?" Hinaplos ni Josh ang mukha nito.
"Putik! Inaano ba kita?! Sakit nun ah" dinuro-duro ako nito.
Napasulyap ako sa malaking trash can sa gilid bago ibaling ang tingin sakanila. "You deserve it, man. " I smirked.
"Aba't.." bago siya makalapit sinipa ko ang basurahan papunta sakanila. Napunta ang mga plastic cups sa pwesto nila. May mga sauce na tumalsik sa uniform kaya napamura sila habang nanlalaki ang mata sa akin.
"Let's go!" Hinila ko si Creselia na mukhang tangang ngumuya dahil mainit pa ang kwekwek.
Nabitawan niya ang plastic cup kaya napatili ito. "Gagi.." mahinang saad nito pero nag pahila nalang din sa akin. "Ano meron...sayang kwekwek ko, gagi!"
BINABASA MO ANG
Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)
Teen FictionNot An Angel Series # 4 (Completed) Alyssa Faye Perez was just born into this world to annoyed the people around her. Siya yung tipong babae na sobrang layo sa ibang babaeng hindi makabasag pinggan. But one guy came into her life who gave her a head...
