"Pres!" Tawag ko sa lalaki naglalakad palabas ng gate. Maglalakad sana ako kaso sumulpot sina Clark. "Teka, ano ba!" Bulyaw ko sa apat na bigla hinawakan ang braso ko.
Si Creselia naman mukhang nagulat din, nakahawak pa sa bibig.
"Ano nakain mo?" Tanong ni Clark habang nakatingin sa akin, hawak parin ang braso ko. "Kung may lalandiin ka man, dapat ako 'yon!" He block my view, hinahampas pa ang dibdib niya.
"Tama!" Pumalakpak ang dalawang asungot nito habang ang isa ay minamasahe ang likod niya. "Kay boss, Clark sakalam!"
Lumapit si Creselia at nilapit ang bibig sa tenga ko. "Sis, type mo si Pres? Kanina ko pa napapansin na panay pa cute mo." She whispered.
Halos mandiri ako sa sinabi niya. Duh, ginagawa ko lang 'yon para inisin ang mga mean girls sa room. Ang sarap kasi makita ang mga bitter na itsura habang nakatingin sa amin.
I smirked. "Yes..so, bye guys!" Kumaway ako habang paatras naglalakad.
Ilang beses ako napairap nang magkunwari nahimatay si Clark kaya ang tatlong alagad nito ay dali-dali siya sinalo.
"Go, fighting gurll!!" Sigaw ni Creselia habang kumakaway pabalik.
Tumakbo na ako palapit si Pres, kaso napansin ko na kasama na pala niya si Vice president. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan kaya dali-dali ko pinulupot ang kamay sa kan'yang braso.
"Hi, Pres!" I winked.
Napaayos ng salamin si Vice president at palihim ako tinaasan ng kilay. Habang si Kevin naman seryoso lang nakatingin sa akin.
"Yes, Ms. Perez?" Tanong nito, napatingin pa siya sa kamay ko nakahawak sa braso niya, bago ibaling ang tingin sa akin. "May kailangan ka?"
"Sabay na tayo umuwi!" Pagkasabi ko nun, bigla napaubo si Vice president na ikinataas ng kilay ko.
Problema ng babae na 'to? Sinisira niya ang moves ko kay Pres. Pero mabuti narin na nandito siya para sirain ang mood niya.
"Where do you live?" He asked.
"Manggahan, how about you?" Maharot na tanong ko habang siniksik pa ang sarili sakanya.
"Uh, trece martires. Sumabay ka nalang, may dala akong sasakyan." Palihim ako napangiti at binigyan agad siya ng malanding ngiti.
Binitawan ko ang braso nito at agad tinulak si Vice president gamit ang hips ko, kaya ayun napalayo siya kay Pres. Nang makaalis ito sa tabi ni Kevin doon ko naman ipinulupot ang aking kamay sa kabilang braso ni Pres.
"Bastos" she whispered.
Palihim ko siya pinakyuhan at hinila na palayo si Pres. Malawak ang ngiti ko habang naglalakad kami palabas. Halos patayin na ako nang tingin ng mga babaeng estudyante na dinadaanan namin.
Nadaanan pa namin si Shane kaya agad ko nilabas ang dila para asarin siya. Kaya ayun todo paypay ang mga alagad nito sakan'ya.
"Hep..hep! Ano 'yan!" Nanlaki ang mata ko nang bigla ako harangin ni Kuya Erning. "Baka nakakalimutan mo na ako sumusundo sa 'yo every Friday." Nakangisi na saad nito.
Napabitaw agad ako sa braso ni Kevin, samantala siya naman ay agad yumuko kay Kuya Erning. "I'm sorry, Sir." He politely said. "But, wag niyo po sana bigyan ng issue. Balak niya lang po sumabay" sabay tingin ni Kevin sa akin.
BINABASA MO ANG
Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)
Ficção AdolescenteNot An Angel Series # 4 (Completed) Alyssa Faye Perez was just born into this world to annoyed the people around her. Siya yung tipong babae na sobrang layo sa ibang babaeng hindi makabasag pinggan. But one guy came into her life who gave her a head...
