"Pansin ko, hindi mo pinapansin si Pres ah?" Bumulong si Creselia sa tabi ko.
At may lalaki naman humarap at ipinatong ang kamay sa lamesa ko. Well, si Clark lang naman. Pinalipat siya ng upuan kaya nasa likuran niya na kami, kasama pa ang dalawa niyang kaibigan.
"Talaga? Baka narealize ni Alyssa na ako talaga para sakan'ya." Mayabang na saad ni Clark, inayos pa ang naiwang hibla sa buhok na tumatakip sa mata niya.
Sabay humarap ang dalawa nitong katabi. "Woah, Alark forever!!" Nag finger hearts pa sila habang nangangasim ang mukha. Pucha ang pangit.
"Ayieeeee!!!" Pang-aasar ng mga kaklase naming nakarinig. "ALARK, wala bang shot diyan." Biro nung isang kaklase namin.
"Omg, sigurado ka ba diyan, Clark? Baka naman gutom kalang" maarteng sabi ni Shane habang naka sad face.
Pagak na tumawa si Clark at lumingon sa gawi niya. "Kahit nga gutom ako, hindi naman kita nagustuhan." He smirked. Narinig ko ang ilang bulungan nang sabihin 'yon ni Clark. May ibang tumatawa habang ang iba ay inaasar si Shane.
Buti nga.
Lumakas ang tawa ko at binatukan si Clark. "Gago, ang angas nun!" Nag thumbs up sakanya.
Gulat na gulat sila tumingin sa akin kaya unti unti nawala ang ngiti ko, naguguluhan. Ano meron? Tumawa lang naman ako ah.
Inaalog-alog ako ni Creselia habang nanlalaki ang mata. "Bff, tumatawa ka? Please, pakiulit hindi ko kasi narinig."
Kumunot lang ang noo ko habang nakatingin sakan'ya. Ang lakas lakas na nga hindi pa narinig.
"Pre, sampalin mo nga ako" kalbit ni Clark kay Josh pero ang mata nito ay nakatingin sa akin.
Gulat naman siyang tinignan ni Josh. "Huh? Bakit? Ayoko nga, hindi kita kaya saktan." Ma dramang sabi ni Josh.
"Putek, gawin mo nalang!" Siniko siya ni Clark.
"Pre, hindi ko kaya."
"Artehan mo pa, babangasan ko na 'yang mukha mo." Mukhang naiinis na siya.
"Hind-"
Nainis na ako, kaya ako nalang ang sumampal kay Clark, medyo napalakas kaya napatingin ang mga ibang kaklase namin.
"Totoo nga!" Tumayo ito, hawak ang pisngi. "Tumawa ka Alyssa! Akala ko nanaginip lang ako." He added.
"Tumahimik ka nga" saway ko, rolling my eyes.
"Gagi, lalagay ko 'to sa diary ko." Bulong nito, dahan dahan umupo.
"Good mood ka ata." Sabay siko ni Creselia.
"Nah, badtrip ako." Kinuha ko ang notebook sa bag at nag simula na mag notes.
Wala kasing teacher kaya may pinagawa lang sa amin. Kanina pa talaga 'yan, ngayon lang ako sinipag.
"Pero lakas mo tumawa, akala mo walang problema." She whispered.
Isinarado ko ang notebook ko at tumingin sakan'ya. "Well, hindi naman talaga ako cold. Sinubukan ko lang para cool, you know that?" I winked.
Syempre pag bagong transfer, gusto ko cold ako para katakutan. Ganoon kasi ang napapanood ko.
Pabiro niya hinila ang buhok ko. "Bwisit ka, napaniwala mo ako do'n"
BINABASA MO ANG
Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)
Novela JuvenilNot An Angel Series # 4 (Completed) Alyssa Faye Perez was just born into this world to annoyed the people around her. Siya yung tipong babae na sobrang layo sa ibang babaeng hindi makabasag pinggan. But one guy came into her life who gave her a head...
