Chapter: 24

375 26 0
                                    

"Tanginers, ang bonak naman ng number 7!" Sigaw ni Creselia. "Marunong kaba, ha?!" Muling sigaw nito.



Mabuti nalang talaga hindi siya naririnig ni Clark, kasi pag narinig siya sigurado ako pupunta talaga 'yon dito sa inuupuan namin at bubulyawan siya sa mukha niya kahit nasa kalagitnaan sila ng paglalaro.



Nagsisimula na ang game nila kanina pa. Pagod na pagod na ang mukha nila. Masyado kasi dikit ang laban ng green team at red team.



Napasulyap ako kay Kevin, seryoso ang mukha nito habang nakaabang sa kabilang team na may hawak ng bola ngayon.



Napasinghap ang lahat nang mabilis iyon naagaw ni Kevin. Marunong pala 'to maglaro, tinatago lang. Kung tutuusin mas marunong pa ata mag laro si Kevin kesa kina Clark.



Si Josh nga nasa upuan parin hanggang ngayon. Nag-aantay kung kailan siya ipapasok, tulala na naman. "GO, JOSH! SIT PROPERLY!" Sigaw ko habang winawagayway ang aking kamay.



Umangat ang tingin niya sa akin, mukhang narinig ako. "Fuck you," He mouthed.



Tumawa lang ako habang naiiling. Nawala ang atensyon ko nang mag hiyawan sa buong court.



Naka three points si Kevin.



Agad ako tumayo at itinaas ang banner na ginawa ni Creselia. "GO, BEBE QOUH PASOK SA BANGA ANG GINAWA MO!" I yelled.



"Ang ingay!" Parinig ng katabi ko sa gilid.



"E' di, doon ka sa labas." Pagtataray ko sabay siya inismaran.



Tumambay tambay sa court tapos ayaw ng maingay, patawa si puki. Pinag patuloy ko ang pag cheer kay Kevin. Sumayaw sayaw na ako, halos matulak ko na ang babaeng nagsabing maingay sa akin.



"GO, KEVIN! MAY KISS KA SA AKIN MAMAYA PAG NAKA SHOOT KA ULIT!" Parinig ko sa mga basher kong nakatingin na sa akin.



Kasama nila si Sunny. May mga ribbon ang buhok nila bilang suporta sa team namin. Ako nga nakared t-shirt pero sa green team ako naka support. Oh, diba ang angas ko.



"Another three points from Green team number 13, Levon!" Nawala ang tingin ko sa mga basher ko nang marinig iyon. Napatalon tuloy ako.



Pinagtitinginan ako ng mga red team. Akala tuloy nila traydor ako kasi naka red t-shirt ako.



Wala kasi ako green t shirt kaya nag red nalang ako. "Hey, ka team ka namin diba?" May kumalbit sa ulo ko. Pagtingala ko isang babaeng sosyalin ang nakita ko.



Kumikinang na naman ang pula nitong dress. Teka, pwede ba ang ganitong klaseng damit sa school? Familiar ang babae na 'to sa akin. Paano ko hindi makikilala kung lagi kumikinang ang suot. Maski ang make up niya hindi nag patalo.



I frowned. "Nope." Mabilis na sagot ko.



"Bakit ka nakared?" Taas kilay na tanong nito.



Napataas rin ang kilay ko. "Eh Ikaw? Bakit ka humihinga?" Balik na tanong ko rito.



She dramatically gasped. "How dare you?! Malamang karapatan k-"



"Actually, wala ka karapatan." I cut her off.



Taray naman ng babae na 'to, pag siya sinakal ko baka mamatay siyang ganiyan ang suot. Lakas mag tanong, akala mo naman close ko.



Mag sasalita sana siya kaso may biglang tumawag sa kaniya. "Napadpad ka dito?" Gulat na tanong ng babaeng sosyalin.



Napasimangot ang babaeng nakasalamin. "Nandoon ang kaaway mo, minamalditahan si Karina." Kumamot siya sa kilay at binatukan ang babaeng maarte. "Taena mo, kami napeperwisyo sa kalandian mo." Inis na sambit nito.



Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon