Kagat-kagat ko ang labi habang mabilis pinapalitan ang oras sa orasan. Patingkayad ako naglakad palapit sa dalawang lasing na nakahiga sa sala, ang mga cellphone sa ibabaw ng center table ay pinalitan ko rin ng oras na 7:30 kahit 12:00am palang naman.
Pinagmasdan ko muna ang dalawang lalaking lasing bago biglain ng gising. "Owemjii!! Late na kayo!" I yelled. Nag kunwari ako natataranta habang inaalog sila.
Mabilis bumangon si Kuya Kiel. Napahawak ito sa magulong buhok habang namumungay ang kanyang mata. Dumako ang mata niyang namumula sa pwesto ko. "Huh?!" Kumamot ito sa ulo at kinuha ang cellphone sa center table.
"Late na kayo, Juskoo!!" Humawak ako sa mukha habang nagkunwari natataranta! "Diba may meeting pa kayo?" I added.
Sumunod nagising si Kuya Erning. "Ano ba 'yan ang aga-aga, napaka-ingay." Reklamo niya habang kumakamot sa tiyan.
"Shit! Erning, late na tayo. May meeting pa" hilong-hilo tumayo si Kuya Kiel, mukhang sumakit pa ang ulo dahil napahawak siya doon. "Argh, Fuck alcohol!" Tumingin ito kay Kuya Erning at agad kinuha ang unan sa gilid para batuhin sa mukha.
Inis nagkamot si Kuya Erning sa ulo. "Senyorito, sabihin mo may emergency." Balak pa sana nito bumalik sa pag-tulog kaso bigla din napamulat. "Shit! Late?! Late na, Tara na Senyorito!" Tumayo na siya at balak na sana lumabas kaso mukhang narealize niyang bagong gising at wala pa itong ayos.
"Gagstok, bilisan niyo na!" Sigaw ko habang pumapalakpak. "Hurry up! Ang bagal naman!" Pahabol ko habang pinapanood sila mataranta.
Nag-unahan sila tumaas hanggang sa ako nalang ang maiwan. Humikab muna ako bago mapailing. "Mga uto-uto talaga, Ha..ha..ha." Tumingin ako sa bintana, madilim pa. Matutulog palang ako ngayon.
Mga ilang minuto, naisipan ko narin bumalik sa kwarto. Pero bago ako pumunta, binalik ko na sa totoong oras ang orasan sa dingding pati narin ang phone nila.
"Good luck" I whispered at tumakbo na pataas.
Nakasalubong ko pa si Kuya Erning na nag aayos ng necktie habang bumababa sa hagdan. "Oh, bakit hindi ka kapa nakabihis?" Tanong nito. Sakto lumabas narin si Kuya Kiel.
Natigilan din ito. May tumutulo pa na tubig galing sa buhok nito, naka white polo at black na slacks. "Oo nga naman, wag mo sabihin tinamad ka na naman pumasok." Lumapit siya at akmang papaluin ako. "Tigas talaga ng ulo mo!"
"Mamaya pa pasok ko" umiwas ako sa balak niya. "Umalis na kayo kesa dakdakan mo ako" sumimangot ako at nilagpasan na sila.
"Lagot ka sa akin, mamaya!" Itinutok niya pa ang dalawang daliri sa akin bago itutok sakanya. "I'm watching you!"
"Baka ngayon ang tinutukoy mo" I whispered. "...pag nalaman niyo." I secretly laughed.
"Tingnan mo, Senyorito, bumubulong pa." Singit ni Kuya Erning.
Hindi na ako sumagot. Tuloy tuloy ako pumasok sa kwarto, nilock ko narin for safety. Pagod ko hiniga ang sarili at nag taklob na ng comforter.
Papatayin ko palang 'yong lamp nang bigla may kumalabog sa pintuan ko. "ALYSSA!!! LUMABAS KANG BATA KA!" Boses ni Kuya Kiel 'yon.
"IBABANGGA KO NA TALAGA 'YONG KOTSE PAG NAKASAKAY KA!" sumunod si Kuya Erning na sumisigaw.
Napahawak ako sa dibdib at mabilis kinuha ang earphone para hindi sila marinig. Mukhang narealize na nilang masyado pa maaga para umalis, pftt.

BINABASA MO ANG
Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)
JugendliteraturNot An Angel Series # 4 (Completed) Alyssa Faye Perez was just born into this world to annoyed the people around her. Siya yung tipong babae na sobrang layo sa ibang babaeng hindi makabasag pinggan. But one guy came into her life who gave her a head...