"Senyorita, ano maganda iregalo sa Kuya mo?" Pumasok ito sa kwarto ko, dahan-dahan pa sinarado ang pintuan bago lumapit sa akin.
Naputol ang pag hasa ko sa bagong bili na ice pick. Tinaasan ko siya ng kilay at binigyan ng tingin na may pag dududa.
"Sabihin mo nga sa akin, kaya ba wala girlfriend ang Kuya ko kasi, kayo talaga ang may relasyon?" Dudang tanong ko rito.
Hindi maipinta ang mukha nitong tumingin sa akin. "Gago kaba senyorita?" Tanong nito. "Porket nag tanong, nilalagyan mo agad ng issue."
"Naninigurado lang naman."
Umupo ito sa kama ko. "So, ano nga magandang iregalo?"
"Utak...bilhan mo siya ng utak. Mukhang need niya 'yon." Bored na sagot ko rito bago ipagpatuloy ang ginagawa ko.
"Parang binigyan mo lang ako ng ideya na ireregalo sa 'yo, ah." Tumawa ito habang umiiling.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Bagay sa 'yo, regaluhan ng suklay." Itinabi ko ang ice pick na hawak ko at humarap sakaniya. "Samahan ko din ng shampoo." Pang-aasar ko rito.
Muntikan na ako matawa sa itsura niya. Lukot na lukot na, gusto na ata ako sakalin nito, pinipigilan niya lang.
Start na ang Christmas break namin, malapit narin ang pasko kaya nagsisimula na mag tanong sa akin si Kuya Erning. Siguro mga kaunting tulog nalang mag papasko na.
Ang bilis ng araw, baka magulat nalang ako mag-karelasyon na silang dalawa. Sobrang close talaga sila ng Kuya ko, Ewan ko nga kung paano sila naging magkaibigan.
"Ganda mo talaga kausap," naiiling na saad nito.
"Huwag mo na regaluhan 'yon, ako nalang."
"Ikaw dapat hindi nireregaluhan."
Napasimangot ako. "Ikaw ang masamang ugali." Napayakap ako bigla sa dalawa kong tuhod. "Feeling ko tuloy naapi ako dito."
Napahawak sa dibdib si Kuya Erning. "Wow, ikaw pa talaga nakakaramdan niyan ah, feeling ko nga kami 'yon e."
Ewan ko hanggang anong oras kami natapos mag bulyawan sa isa't isa. Natapos ang asaran namin pero wala siyang nakuhang sagot sa akin.
Wala naman kasi akong alam kung ano maganda iregalo sa Kuya ko. Madami na siyang gamit at halos lahat ata meron na siya, kaya ang hirap bigyan ng regalo 'yan.
Ako lang naiwan sa bahay dahil umalis rin silang dalawa, may work pa kasi 'yon. Mas lalo sila dinadagsa dahil malapit na ang holiday.
Nag liwaliw muna ako sa loob habang walang tao. Nanonood ako sa Netflix habang kumakain ng fries. Napatigil lang ako nang biglang may mag doorbell.
Agad kumunot ang noo ko, bakit may biglang mag do-doorbell? Wala naman akong inorder sa online at ganoon rin naman sina Kuya. Wala rin akong bisita ngayon dahil may kaniya-kaniyang buhay ang mga bugok na 'yon, lalo na si Creselia.
Kahit nagtataka ako ay lumabas rin ako para tingnan kung sino 'yon.
Sumilip muna ako sa maliit na butas para siguraduhin kilala ko ang nag doorbell.
Teka, si Kevin 'to ah?! Bakit nandito ang hudas na 'to? Ano trip niya at nandito siya?
Agad ko binuksan ang maliit na pintuan sa gate namin. "Ano ginagawa mo dito? Wala akong pera!" Bungad na saad ko rito.
Nakita ko ang gulat sa mata nito pero mabilis rin nag bago ang itsura nito, naging seryoso ulit. "I just passed by here and thought I'd give it to your pet cat." sabay pakita ng mga cat food sa isang malaking plastic.
Mukhang naalala niya parin si Pikachu ah, akala ko nga babawiin niya sa akin noong nalaman niya ang plano ko. Mabuti nalang hindi.
"She's already died." Umarte akong malungkot sa harap niya.
Hindi ito nakapagsalita agad, tinignan niya maigi ang mukha ko, para siyang nag-aalala. "R-Really? Are you okay?" Akmang lalapit siya pero mabilis ako lumayo.
"Yes. So, pwede kana umalis." Pag tataboy ko rito. Kasi kung mag tatagal pa siya ng baka hindi ko makayanan pa. Naiinis kasi ako sa mukha niya.
"Where did you bury the cat?" muli niyang tanong.
"Secret walang clue, umalis kana." Tinulak tulak ko siya palabas ng gate. Pumasok kasi siya kanina.
"Alyssa," saway niya sa akin.
"Ano paba kailangan mo? Gusto mo a hukayin si Pikachu?" Inis na tanong ko rito. Ang kulit kasi, ayaw pa umalis.
"I'm just asking," sagot nito.
Hindi niya alam, natutulog lang sa kama ko si Pickachu. Trip ko lang talaga mag sinungaling sakaniya, pero hindi ko alam kung bakit ganoon ang reaction niya nang malaman patay na si Pickachu.
"Ayoko ng matanong kaya umalis kana." Tinulak ko na siya palabas. "Wag kana ulit babalik dito!" Padabog ko sinarado ang gate at inis na pumasok sa loob.
Ang ganda ng pwesto ko kanina, tapos sisirain niya lang. Nag dala pa talaga siya ng Cat food e' maraming stock na ganoon si Pickachu, nakatulog na nga sa sobrang kabusugan.
Hindi ko kailangan ng sustento niya, kaya ko buhayin ng mag-isa si Pickachu. Atsaka dapat galit siya sa akin ah? Bakit ang weird niya? Pasalamat siya hindi ko na siya mag pinag tripan simula nung mangyari 'yon.
Ngayon lang ulit, nung nang sinungaling akong patay na si Pikachu. Baka kasi masanay siyang padalhan nang padalhan ng cat food ang alaga ko, makita pa siya nina Kuya.
Isipin na naman nila pinag ti-tripan ko si Kevin, kahit hindi naman. Wala na rin akong balak makipag close sa hindot na 'yon. Baka matulad lang ako dati.
Bumalik ako sa pwesto ko kung saan prente akong nakaupo habang nanonood ng Movie. Hindi ko na nga namalayan nakatulog na pala ako sa sofa.
Nagising ako hapon na. Nag-unat unat muna ako, balak ko sana maligo nang may biglang mag doorbell ulit.
Inis ako napakamot sa ulo ko. Siguradong si Kevin naman 'yon. Dali dali ako lumabas para sana bulyawan si Kevin.
"Oh, ano na naman?! Sabing hindi ko sasabihin kung saan siya nakalibing! Sino kaba para mag tanong? Kasi binigay mo sa akin? Ikaw ang bumili? Aba pinapakita mo ang uga–"
"Ma'am, Kalma po." Naputol ang sasabihin ko nang sumulpot ang isang delivery guy. Hindi ko agad ito napansin, nakasumbrero kasi siya at hindi halatang uniform ang suot nito.
"Sino ka?" Kunot noo na tanong ko. "Wala kaming inorder, baka na scam kana."
Tipid siya ngumiti at ipinakita ang isang kulungan na dala niyan. "Galing po kami sa Kitty kat pet shop." Pakilala nito, sabay bigay ng hawak niya. "Pinapadala po sainyo ni Sir Kevin, para daw po sainyo."
Napatingin ako sa kulungan at may pusa sa loob nun. "Mukhang ayaw ni Sir na malungkot ka Ma'am, namatay po pala ang alaga niyo."
Hindi ako nakapagsalita agad, napatingin lang ako sa kuting sa loob nun. Ang hindi nila alam, nasa loob lang ang tinutukoy nilang patay.
"Pakipirma nalang po, katunayan na natanggap niyo na po." Agad ko naman pinirmahan ang binigay nitong papel, lutang parin kasi ako.
Ano ba nakain ng lalaki na 'yon? Bakit ganito ang kinikilos nito ngayon?
Hindi ko na talaga siya maintindihan.
🍃🌷🍃
BINABASA MO ANG
Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)
Teen FictionNot An Angel Series # 4 (Completed) Alyssa Faye Perez was just born into this world to annoyed the people around her. Siya yung tipong babae na sobrang layo sa ibang babaeng hindi makabasag pinggan. But one guy came into her life who gave her a head...
