Bakasyon na at isang buwan narin ang nakalipas no'ng sagutin ko si Kevin. Hindi namin agad ipina-alam dahil sa mga marites sa classroom namin.
Maski nga sila Creselia hindi rin alam na sinagot ko na. Ang alam lang nila is nanliligaw palang.
Noong may pasok pa, patago kami nag da-date ni Kevin. Ayokong pag-usapan ulit sa campus lalo na mag ba-bakasyon na nun.
Mahirap na baka bago matapos ang school year namin may chismis pang maiwan. Mabuti nalang talaga sa ibang university na kami mag-aaral pero alam ko may ibang ka schoolmates or kaklase kaming mag-aaral din doon.
Lumabas muna ako sa kwarto ni Kevin. Oh, baka isipin niyo may kababalaghan nangyari.. walang ganoon. Mabait kami sa ngayon dahil masyado pa mahigpit si Kuya.
Mabuti nga hindi siya nagalit noong sinabi kong sinagot ko na si Kevin. Pumayag rin naman siya pero may limit kami parehas pag dating sa pag da-date.
Pinapayagan niya ako sumama kay Kevin dito sa condo niya kaso may curfew ako. Pag wala pa ako ng 8:00 sa bahay, hindi niya ako papayagan makipag date kay Kevin.
Paglabas ko, nakita ko si Kevin pinapakain ang dalawang pusa sa salas. Nakaupo lang siya sa sahig habang nakangiti pinapanood ang alaga namin.
Dinala namin sila ngayon sa condo, kesa naman magdamag sila sa loob ng bahay. Mas maganda kung maigala namin sila sa ibang bahay, mahirap lang talaga pag bigla tumae.
Napatingin ito sa akin nang umupo ako sa tabi niya, pinapanood narin ang dalawang pusa.
Hinila niya ako palapit para mailagay ang braso nito sa aking balikat. "How's your sleep, mahal?" Malambing na tanong nito saka hinalikan ang aking buhok.
Kaninang umaga pa ako nandito kaya noong tanghali, nakatulog na kami parehas. Nauna lang siya nagising.
"Ayos lang, gumising parin ako na ikaw parin ang mahal." Umangat ang tingin ko para pisilin ang kaniyang ilong.
Umangat ang sulok ng kaniyang labi, parang pinipigilan niya ngumiti. Nag-iwas tingin ito para hindi ko makita na namumula ang kaniyang mukha.
Natawa agad ako at mabilis siyang kinurot sa tagiliran. "Yieee, kilig betlog." Pang-aasar ko na ikinalaki ng mata niya.
Mahina niya pinitik ang aking bibig nang sabihin ko 'yon. "Your mouth."
I pouted. "Aww, sakit." Maarteng saad ko habang nakahawak sa bibig ko.
Puno ng pag-alala ang mata nitong inalis ang kamay kong nakatakip sa pinitik niya. "It's really hurts? I'm sorry, Mahal." Dinampi nito ang kaniyang labi para patakan ng halik ang aking labi.
"Dito rin masakit," sabay turo sa aking pisngi.
Napatawa ito sa sinabi ko pero hinalikan parin ang aking pisngi. Tinuro ko rin ang noo ko hanggang sa buong mukha ko na ang halikan.
"Doesn't it hurt anymore?" Mahinang tanong nito pagkatapos ako halikan.
"I want hug," lumapit ako at agad ipinulupot ang kamay ko sa bewang niya. "And kiss also." Panlalambing ko.
Mabilis niya ginawa ang sinabi ko, mga ilang oras rin kami nasa ganoon ang pwesto. Magkayakap habang pinapanood ang mga alaga naming pusa.
Kuntento na ako sa ganitong lambingan namin, ang sarap pala sa feeling pag in love ka. Hindi ko 'to naranasan noon, puro kalokohan lang kasi ang alam ko, hanggang ngayon parin naman, nabawasan lang.
BINABASA MO ANG
Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)
Roman pour AdolescentsNot An Angel Series # 4 (Completed) Alyssa Faye Perez was just born into this world to annoyed the people around her. Siya yung tipong babae na sobrang layo sa ibang babaeng hindi makabasag pinggan. But one guy came into her life who gave her a head...
