Chapte: 42

519 26 0
                                        

"You have a sister na Pikachu!" I said cutely. Nilabas ko sa kulungan ang bagong bili ni Kevin na pusa. "Go Pokemon, forda go, forda go." Pinipilit ko siya ilabas kaso mahiyain e.


Nakatingin lang si Pikachu sakaniya habang nakahiga sa aking kama. Seryoso lang siya nakatingin, mukhang walang pakialam.


Nung ayaw parin lumabas ni Pokemon, ako na kusa naglabas sakaniya. Akala ko nga magagalit kasi sapilitan ko nilabas, mabuti nalang mahiyain parin.


Napatayo si Pikachu at agad nilapitan ang pusang natatakot ngayon sakaniya. Lumalaki na kasi si Pikachu kaya siguro natakot. May kalmot pa siya sa mukha gawa ng kapit bahay naming may alaga rin na pusa. Nakipag-agawan kasi sa tinik ng isda, akala mo hindi pinapakain e.


"Go, kiss her, kiss her!!" Tinulak tulak ko si Pokemon, pero nag tatago lang sa tabi ko.


Napansin atang ni Pikachu na ayaw sakaniya ng bagong pusa kaya lumayo nalang ito at nag kamot sa gilid. Unbothered cat yarn?


Kinuhanan ko muna ng lagayan ng pagkain at inumin si Pokemon, baka hindi pa kumakain e'. Nilagyan ko rin ng cat food si Pikachu para pantay sila, ayoko may lamangan na magaganap.


Mabuti nalang kumain agad sila pagkalapag ko ng pagkain, akala ko shy type parin si Pokemon pati sa pagkain, buti nalang talaga hindi na.


Lumabas muna ako para kumain din ulit. Hinayaan ko muna ang dalawang pusa mag bonding. Maganda nga may bagong pusa na para hindi malungkot si Pikachu, palagi nalang kasi siya nag-iisa. Minsan naman nakikita kong may kasama pero kaaway niya 'yon.


Nang matapos ako kumain, naisipan ko gumala kina Creselia kaya naligo na ako para makapag bihis na. Boring kasi dito kaya mas maganda kung gumala muna.


Bago ako umalis, nilabas ko muna ang dalawang pusa sa garden para doon sila maglabas ng dumi, mahirap na baka sa kwarto ko pa sila abutin nun.


Pag punta ko sa bahay nila, muntikan pa ako maligaw. Nakalimutan ko na kasi kung saan ang street nila. Makakalimutin pa naman ako sa lugar na pinuntahan ko.


"Alyssa bantot!" Sigaw ni Clark, nakasakay sa motor niya.


Mukhang inutusan siya kasi may dalang ice cubes. Naka sando lang ito at simpleng short. Parang hindi pa nga ata naliligo e.


Napaismid agad ako at inirapan siya. "Oh, ano?" Walang gana na tanong ko.


Tumigil siya sa harap ko at malapad na ngumiti. "Napadaan ka? Gusto mo ako makita 'no?" Binigyan pa ako ng mapang-asar na ngiti.


Napasimangot ako sa sinabi nito. "Hindi naman Ikaw ang pinunta ko dito, si Creselia talaga ang dahilan kung bakit ako nandito." Supladang saad ko.


Napailing ito. "Nako, wrong timing ka. Mainit ulo nun, muntikan na nga ibato sa akin 'tong ice cubes." Natatawang saad nito.


"Kaya naman pala mainit ang ulo, kasi ikaw 'yung bumili." Bigla ito napasimangot sa sinabi ko kaya ako naman itong natawa.


"Sumakay kana, para maidala na kita papunta langit este papunta sa bahay ni Creselia." Umusog siya nang kaunti para may maupuan ako sa motor niya.


Inaasar pa ang ako, kunwari paandarin niya na kahit sumasakay palang ako. Siraulo na hindot 'to.


Nang makasakay na ako at mabilis niya ito pinaharurot, napahawak tuloy ako sa bewang niya na may kasamang pag kurot.


Ang dami nakatingin sa amin, mga marites na nag ku-kwentuhan sa labas ng bahay nila. Tinuro pa nga si Clark, mukhang kilala nila ang lalaki na 'to.


Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon