Chapter: 3

731 34 0
                                    

"Ano meron?" Nagtatakang tanong ko nang makita may mga kandila sa living room. Nakapa-ikot ang kandila sakanila ni Kuya Erning.



Sabay sila umangat ng tingin nang makita ako sa pintuan sabay nagkatinginan at nag yakapan pa.



Napahawak ako sa bibig. Bakit hawak ni Kuya Kiel ang picture ko noong bata? Ano na naman ba trip nila ngayon?



"TOTOO ANG DIYOS!" with matching taas pa ng kamay si Kuya Kiel. Sumunod ang isa na tinataas-taas ang picture ko.



"Hallelujah hallelujah!"Hawak kamay sila umiikot-ikot


Tumigil lang sila nang batuhin ko ng sapatos. Masyado nang masakit sa mata. Mas malala pa sila sa akin.



Sabay sila lumapit, hindi manlang ininda ang pag bato ko ng sapatos. "Totoo ba 'to? Nilalagnat ka ba?" Hindi magka-undamayaw si Kuya Kiel sa pag check sa noo pati sa leeg ko.



"Hindi." I said coldly.



"Baka matitigok na siya, Senyorito" Singit nung isa.



"Ikaw patayin ko," mabilis na sagot ko kaya sumimangot agad siya.



Mahina siyang tinulak ni Kuya Kiel, kaya ito na ang pumalit sa kinakatayuan niya kanina. "Himala, walang tumawag at nag email sa akin. Nag babagong buhay ka na ba?" Lumapad ang ngiti, habang inaalog-alog ako.



"Hindi."



"Hindi na mahalaga 'yon!" Hinawakan niya ang buhok ko. "Ang mahalaga hindi ako pinapunta sa guidance."



Kumamot ako sa ulo sabay inabot ang papel sakan'ya. Natigilan si Kuya pero walang imik kinuha ang papel. Nakisingit na rin si Kuya Erning, makikichismis lang naman.



"Ano 'to? Bakit may warning?" Kunot na tanong niya. "Pucha! May kalokohan ka na naman ginawa?" Susugurin sana ako ni Kuya buti pinigilan siya ni Kuya Erning.



"Senyorito, wag niyo po siya awayin....mamaya nalang." Minsan, iniisip ko nalang na anak siya ni Mommy. Parehas kasi sila ng utak.



"Wooh, okay!" Huminga ito nang malalim, sinamaan ako ng tingin. "Ano na naman ginawa mong kalokohan?" Nakapameywang na tanong niya.



"Wala. Hindi ko sinasadya I lock 'yung kaklase ko sa storage room." Sagot ko habang inaalis ang medyas. "Tapos ayun, bigla nalang umiyak." I added. Nang matapos ko tanggalin ang medyas humilata na ako.



Hindi maipaliwanag ang reaksyon nila ngayon. Masyado kasi matabas ang bibig nung Shane. Siya 'yong babae nakapila sa likuran ko.



"Seriously?! Makakarating 'to kay Daddy," pananakot nito. Sorry siya pero hindi na ako takot.



"Pakisabi rin na, kailangan ko daw palitan 'yung sapatos ng kaklase ko. Sinadya ko ibato habang nag pe-present sila sa com lab." Dagdag ko. "Tapos ayun, nag stock sa puno." I explained.



"At bakit mo binato?!" Sabay nilang tanong.


"Wala lang, nakakainis kasi ako sa itsura niya." Walang ganang sagot ko. Pero ang totoo niyan, ikinalat kasi nila ang gamit ko nung kami na nag present sa com lab. Kaya ayun gumanti ako.



Kumamot sa kilay si Kuya Erning. "Oo nga naman," pagsang-ayon nito.



"At talaga kinampihan mo pa?" Sermon sakan'ya ni Kuya.



"Kahit ako baka mas malala pa gawin ko doon. E' nakakainis pala ang itsura, normal lang ang ginawa niya." Tumango-tango pa ito.



Natigilan saglit si Kuya Kiel. "May point ka doon, Erning. Kung ayaw pala mabato ang sapatos niya, wag niyang gawin nakakainis ang mukha niya." Sinamahan pa ng tango.



Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon