Chapter: 27

435 24 0
                                        

"Wag kana mag palusot, narinig ko kayo." Bulong ni Creselia nang makapasok kami sa restroom.



Parang nilamig ang buong katawan ko nang sabihin niya 'yon. Hindi agad ako nakapag salita dahil baka ito na ang huling araw ng plano ko kahit na mapag ka-katiwalaan ko siya.



Inabangan niya ako sa labas ng school namin at agad ipinulupot ang kamay sa aking braso. Nabanggit nito ang plano ko kay Kevin habang naglalakad kami kaya dali-dali ko siya dinala sa restroom, mahirap na baka may makarinig.



"Nino?!" Madiin na bulong ko. Tumingin pa ako sa gilid para alamin kung kami lang dalawa ang tao sa loob ng restroom.



"Kayo ng driver mo, 'yung Erning." Umikot ang dalawang mata ko nito. "Surprise sana kita, tanga nung driver niyo, iniwan nakabukas ang kotse kaya nakapasok ako." Bigla ito natawa pero bumalik sa pagiging seryoso.



"So balik tayo, bakit kailangan mo gamitin si Pres para lang makaganti sak-" Bago niya pa ituloy, agad ko tinakpan ang bibig nito.



"Hinaan mo nga ang boses mo!" Saway ko bago alisin ang kamay kong nakatakip sa bibig niya. "Baka may makarinig." Pahabol ko.



Luminga linga siya sa loob at tinignan ang ilalim ng mga cubicle para makasigurado na walang tao. "Gago, tayo lang naman ang tao dito."



Napabuntong hininga ako. "Huwag sama makarating 'to sa iba."



Napaawang ang labi nito at inalog ang dalawa kong balikat. "Sis, sobrang bait mo pres para ganunin mo!" Halos maalog na ang utak ko dahil sa ginagawa niya.



Agad ko tinampal ang kamay nito. "Gusto mo lang makalibre e'." Biro ko rito na ikinatigil niya.



"Lah, paano mo nalaman... Char!" Mag peace sign ito sabay ngumiti. "Pero seryoso, hindi 'to deserve ni Pres. Sobrang bait niya, Alyssa." Nanlulumong saad nito.



Saglit akong natigilan sa sinagot nito. Ni hindi ko rin alam ang isasagot ko. Masyado ako nabulag sa paghihiganti.



Tama si Creselia. Mga ilang araw narin akong nakokonsensya at hindi makatulog dahil dito.



Minsan nga nakakalimutan kong nag papanggap lang ako sa tuwing kasama ko si Kevin. Masyado lang talaga epal si Kuya Erning. Pag nakikita niya kami, bigla ako sesermunan na keso ginagamit ko na naman. Kahit buong kusa naman talaga ako sumama kay Kevin.



Minsan naiisip ko na ginagawa ko paba 'to kasi gusto ko makaganti or ginagawa ko 'to dahil ito ang gusto ng puso ko.



Ito na ba ang sign na nahuhulog narin ako sakaniya? No! Hindi pwedeng mangyari 'yon. Nandito parin ako para paiyakin si Sunny.



"Alam ko," I whispered.



Napabuga si Creselia sa hangin bago ako titigan. "Alam mo na pala, bakit mo pa ginagawa?"



Dahil hindi na ako umaarte. Lahat ng ginagawa ko sakaniya, nagiging totoo na. Natatakot akong aminin sa sarili ko na paunti-unti ay nahuhulog narin ako.





🍃🌷🍃



"You're late," binigyan ako ng daan ni Kevin para makaupo ako sa aking upuan.



Senermunan pa kasi ako ni Creselia sa Cr. Ang tagal nga matapos e, inaya pa ako kumain sa canteen kaya medyo natagalan narin ako.



Nag text na si Kevin sa akin nun, pero hindi na ako nag reply dahil parang kinokonsesya na naman ako. Hindi ako nakakaramdan ng ganoon noon, pero ngayon bakit parang oras oras nakokonsensya ako?



"Nag-aya kumain si Creselia kumain." Mabilis na sagot ko sabay ngumiti.



Tumango lang ito at inilagay ang libro nito nasa lamesa niya kanina. "Here, let's read this together, we have quiz after this." Bulong nito sa tenga ko, kinilabutan tuloy ako.



Napasimangot agad ako. Ano ba 'yan, kakarating ko lang may quiz na agad! Alam ni Kevin na hindi ako mahilig mag dala ng libro kaya pinashare niya ako sa libro nito.



"Nasaan si Ma'am?" Tanong ko rito.



Inayos muna nito ang salamin bago ako sagutin. "May pinuntahan saglit, pero babalik din at mag papa quiz." He replied.



"Wala ako maintindihan."



"I'll discuss this for you." Turo niya sa libro.



Mabilis ako umiling at lumayo nang kaunti sakaniya. "No thanks, I have stock knowledge." Pagyayabang ko.



Kala mo talaga may stock knowledge e. Ang nag stock lang naman sa utak ko kung paano ko napabagsak si Marie kahapon.



Yabang ng haup na 'yon e. Akala mo kagandahan mukhang itlog naman na pinabayaan ng sampung taon. Nag aya pa siya mg kakampi pero ang ending sila pa una umatras.



Partida, kumakain pa ng monde si Creselia nun habang nakikipag sabunutan sa iba niyang kaaway.



"That's nice." He smiled.



Parang natutunaw ulit ako sa mga ngiti niya. Bakit kasi ganiyan siya makangiti? Bakit ang pogi naman?! Hustisya naman, oh!



"Kevin," I called him.


Pasimple hinawakan ni Kevin ang kamay ko sa ilalim ng desk ko at maingat na hinaplos 'yon. "Hmm, yes?" Malambing na tanong nito.



Ayan na naman, nag iinit muli ang dalawang pisngi ko. Wag ka ganiyan Kevin, kakagatin kita.



"Kailan mo balak bumuo ng pamilya kasama ako." Nagpahalumbaba ako habang nakangisi sakaniya.



Nanlaki ang mata nito at hindi agad nakasagot. Tinignan pa ata kung seryoso ako sa mga pinagsasabi ko.



"Stop asking questions, lady. Just wait for the right time, hmm." He chuckled. Umangat ang kamay nito at ginulo ang buhok ko.



Tagal naman ng right time na 'yon.



"Luh sila," lumingon sa amin si Carl at tinignan kami na parang may ginawang kasalanan sakaniya. "Pres Ikaw ba 'yan? Ang mais mo naman." Tumawa ito habang naiiling.



Nasa tapat namin sila. Habang sina Creselia napunta sa unahang row. Nag bago ulit ng seat ang ingay kasi nila, pero magkatabi parin naman.



"Hoy wag mo nga asarin si Pres." Singit ni Josh, lumingon rin. "Baka hindi 'yan mag bigay ng sagot. Sige ka, baka maging betlog ulit score mo." Pananakot nito.



Natahimik bigla si Carl at agad ngumiti kay Kevin. "Pres, okay lang 'yan. Normal talaga maging mais pag In love." Binigyan pa niya ng nakakalokong ngiti si Kevin bago ako.



Nagkatinginan kami ni Kevin nang sabihan iyon ni Carl. Sabay rin nag-iwasan ng tingin dahil hindi namin alam kung ano isasagot sa lalaki na 'to.



Ano daw? In love si Kevin? Halata ba talaga or baka nang-uuto lang talaga so Carl para makakopya kay Kevin.



Si Creselia na nagsabi na mabait siya sa iba kahit lalaki pa 'yan. Sadyang matulungin lang talaga si Kevin, dagdag pa ang pagiging marespeto niya. Sobrang bait talaga ni Kevin kaya halos lahat i-alay na ang sarili para lang sa lalaki na 'to.



Ayoko umasa, baka isang laro rin ito para sakaniya. Ayoko rin mag seryoso dahil isang laro rin ito sa akin.



Laro parin ba talaga? Argh! Kakaselpon ko 'to e. Kung ano ano na pinag-iisip.

🍃🌷🍃

Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon