Chapter: 47

458 25 0
                                    

Maaga ako nagising dahil naisipan ko maglinis ng kwarto. May nakita kasi akong gagamba sa ibabaw ng kumot ko kaya hinuli ko baka pwede ko ipanakot o kaya ibenta nalang kay Carl tutal mahilig naman siya doon.



Kaya nga ako naglinis para maghanap ng gagamba, baka may makita pa ako sayang kung hindi ko mahuhuli.



Nabadtrip kasi ako sa mga basher ko, dang a-arte amp! Maturuan nga ng leksyon, ang lakas mag taray akala mo naman may nai-ambag sa buhay ko. Pag ako gumanti patay sila sa akin.



"Totoo ang Diyos!" Napatalon ako sa gulat nang bigla mag salita si Kuya Erning, nakataas ang kamay.



Kumunot ang noo ko sakan'ya, nakita ko siyang parang naiiyak sa nakikita niya. Binigyan ko lang siya ng naguguluhang look.



Bakit naman 'to nandito? Weekend ngayon ah, dapat maaga sila umaalis kasi mas madaming customer pag ganitong araw.



"Bakit, Kuya?" Tanong ko habang patuloy parin sa pag hahanap ng gagamba.



"Dalaga kana talaga, marunong kana mag linis wooh!" Tinaas niya pa ang dalawa niyang kamay at tumalon-talon.



Baliw.



Nanlaki ang mata ko nang makakita ng malaking gagamba sa ilalim ng higaan ko, kaya agad ko ito kinuha gamit ang walis tambo.



"Hoy ano yan?!!" Gulat na tanong ni Kuya Erning nang makita niya may nilagay ako sa garapon.



Tinignan ko siya sabay nag two joints "New pet ko, brodah!" Masayang sabi ko sakan'ya.



Nakita ko na bigla nawala ang mood niyang masaya at napalitan ng mood na mukhang badtrip.



"Patingin." Kaya agad ko binigay sakanya, baka want niya rin eh pwede ko naman siya I hanap ulit saka baka may makita naman ako ulit sa ibang part ng kwarto ko.



"Teka, Kuya. Ano gagawin mo?!" Gulat kong tanong nang bigla niya ilabas ang aking new pet.



"Masyado kana nakakatakot!" Kaya ayun nag habulan kami ni Kuya, Hanggang sa labas.



"Anong kaguluhan 'to?" Napatigil kami dahil sa biglang pagsulpot ni Kuya Kiel, nakasimangot.



"'Yong kapatid mo senyorito, may balak na naman kalokohan." Sabay turo sa 'kin kaya pinanlakihan ko ng mata si Kuya Erning.



Napaka sumbungero ng gago na 'to! Nag sinungaling na nga ako na gagawin kong pet kahit ipapanakot ko lang talaga sa mga maarte kong basher.



"Eto kasi si Kuya Erning, sinisira ang trip ko sa buhay. Malapit na talaga ako mag rebelde sainyo." parehas naman sila napatingin saakin at sinamaan ako ng tingin.



Piningot ako ni Kuya, "Aba aba, kung hindi ka lang namin mahal baka kami pa ang unang mag rebelde sayo." Nakita ko si Kuya na tinapon na ang mga gagamba ko.



"Kuya, naman!" Napapadyak ako sa ginawa niyang pagtapon. Tsk saan na ako ulit hahanap?



Panira talaga sila sa buhay ko, minsan na nga lang makahanap tapos itatapon lang nila.



Sinermunan nila ako hanggang sa mag walk out nalang ako sa kadaldalan nila. Ang dami kasi sinasabi, wala rin naman ako naiintidihan.



Tumaas ulit ako sa kwarto para dalhan ng mga pagkain ang alaga kong pusa na masarap ang tulog sakanilang higaan. Pag-akyat ko nga tulog parin e, kaya tinabi ko nalang sa gilid ang mga pagkain nila para pagkagising ay makita agad.



Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon