"Ano daw?" Naguguluhan na tanong ni Creselia habang nakatingin kay Ma'am. "Alam mo, hindi ko rin 'to ma gets si Ma'am. Kung kailan tapos na ang exam doon nag pa project." Naiiling na saad nito.
"Feeling ko bagsak ako sa art appreciation." Bulong naman ni Clark sa gilid ko.
Napapagitnaan kasi nila ako, kaya salo na salo ko ang mga reklamo nila sa buhay. Lalo na pag quiz. Nangongopya sila sa akin pero malas nila kasi hindi ko rin alam ang sagot.
Samantala ang dalawang tropa ni Clark ay nasa likod lang namin. Rinig na rinig ko rin ang mga kalokohan nila sa likod.
Mabuti nga wala ako masyado ka-away ngayon kaya hindi napupunta ang atensyon ko sakanila. Medyo focus pa ako sa lagay na 'to.
Kailangan ko mag focus sa pag-aaral ko, nasa college life na ako. Bawal muna lukaret ngayon. Pero nung nakaraang buwan medyo naligaw pa ako kaya busy pa ako nun makipag-away. Sila naman kasi ang nauna.
"Feeling ko rin." Bulong ko rin sakaniya.
Agad siya napasimangot sa sinagot ko. "Mas lalo ako kinakabahan sa 'yo, gago!" Pabiro niya ako tinulak kaya nadali ko si Creselia.
"Sorry madam!" Sinilip siya ni Clark nang mapansin na natamaan ko siya.
Inismaran lang siya ni Creselia at nakinig lang ulit kay Ma'am.
"Pre, feeling ko ngayong sem na ang dahilan ng pagkamatay ko." Rinig kong saad ni Carl. Mukhang kausap nito si Josh.
"Wag ka mamatay, pre." Boses ni Josh.
"Sige, Ikaw nalang." Balik na sagot ni Carl. "Parang mas kailangan pa ako dito." Pahabol niya.
Pansin kong hindi agad nakapag salita si Josh, kala ko nga hindi nalang niya pinansin si Carl. "Sige, mauna ka nalang pala." Rinig kong sabi niya.
Hindi ko tuloy maiwasan mapailing sa pinag-uusapan nila. Parang sila rin naman ang nakakaintindi sa isa't isa.
Nakinig nalang ako kay Ma'am about sa project na ipapagawa niya. Mabuti nga nagets namin after ng ilang oras na pag-uusap, medyo naguguluhan kasi kami.
Vacant namin kaya naisipan kumain muna sa cafeteria. Nag chat si Miracle na sabay nalang daw kumain tutal parehas pala kami na vacant nun.
Si Kevin may klase pa sila, baka mamaya pa ang vacant nila. Dumaan nga ako sa classroom nun, para mag pa cute. Kaso mukhang hindi ako napansin kasi busy makinig sa teacher.
Nadatnan namin sila Miracle na busy mag-usap, dali-dali tuloy ako lumapit para makichismis rin. Kasama ko parin ang tatlong bugok pati si Creselia na nauna bumili sa cafeteria.
"Ano ganap?" Kunot noo na tanong ko matapos kumuha ng upuan sa kabilang table, wala na kasing upuan sa table nila.
"Bumili kaya muna kayo ng pagkain." Naiiling na saad saamin ni Sherel. "Nauna makichismis kesa kumain, amp."
Napa crossed arm ako. "Ikaw nga nauna kapa I-ghost kesa sa meet up niyo e!" Pang-aasar ko, kaya mukhang nainis ito sa sinabi ko.
Bagong recruit si Sherel sa tropa. Step sister siya ni Karina at siya rin ang babaeng tinulungan namin ni Clark noong binubully siya. Oh, dibuh!!! Destiny talaga siya sa amin.
"Aguy, ghinost!" Singit ni Clark nang makakuha siya ng upuan at tumabi kay Sherel.
Sumunod ang ibang tropa nito na may dalang upuan. "Humahabol ka sa yapak ni Miracle ah," ngumisi si Carl rito.
BINABASA MO ANG
Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)
Teen FictionNot An Angel Series # 4 (Completed) Alyssa Faye Perez was just born into this world to annoyed the people around her. Siya yung tipong babae na sobrang layo sa ibang babaeng hindi makabasag pinggan. But one guy came into her life who gave her a head...