"Malapit na pasko, wala parin akong jowa." I looked at Carl who was holding his chest while shaking his head. "Looking for someone to make me a sugar daddy."
"Wala ka ngang pera." Singit ko, kaya agad siya napatingin sa akin.
"Wow, salamat ah. Nahiya naman ako sa'yo na mayaman nga pero walang pambiling papel." Inirapan niya ako sabay pinakita ang yellow paper na nakapatong sa desk niya. "Nakikita mo 'to? Isa ka sa dahilan kung bakit kaunti na 'to." Paninisi niya.
Inismaran ko siya. "Nyay, ganiyan na pala ugali mo ah. Namimigay ka tapos maninisi ka pag malapit na maubos." Napailing ako pagkatapos ko sabihin 'yon. "Dahil lang pala papel makikita ko na pala totoong ugali mo ah."
He blinked several times, acting like he wanted to hit me but he couldn't. "Demonyita ka talaga!"
I laughed and patted his shoulder. "Okay lang 'yan, makakahanap karin ng sugar baby." I smirked. "Tulungan kita sa building ng grade 7, ano want mo ba?" I elbowed his arm while raising my eyebrows.
He gave me a glared that made me laugh. "Inamo, hindi porket sugar baby ay bata na ang gusto ko." He gently pushed my arm. "Malay mo ikaw pala 'yon."
My face immediately soured. "Taena mo kadiri ka naman." Hinila ko ang buhok niya at sinabutan ito. "Kahit maging kamukha mo si Co-"
"Paano kung si Pres?" Mahinang saad niya, nakangisi.
I stopped suddenly and pulled his hair again. "Mas lalong ayaw ko, eww!" Umarte pa akong nasusuka.
"Sus, parang hindi minahal." Naiiling siyang natawa. "Wag ganun, minamahal mo naman diba, Pres?" Umangat ang tingin niya kaya napatingin rin ako sa tinignan nito.
Si Kevin pala, kakarating lang. He stopped walking when Carl called him. His face was still surprised.
Nagtama ang tingin namin pero mabilis siya inirapan. Wala na, nairita na ulit ako.
"Yes, Vasquez?" I heard Kevin ask.
"Wala, pres. Pogi mo Kako." Tumaas taas ang kilay niya rito.
"Thanks, Vasquez. I hope you too." Pagkatapos niya sabihin 'yon ay naglakad na siya papunta sa upuan niya.
Nakanganga lang si Carl hanggang mawala si Kevin sa paningin niya. "Pigilan mo ako, Alyssa. Pipiratin ko leeg niyan." Bulong nito habang sinusundan ng tingin si Kevin.
Nakagat ko ang aking labi para iwasan matawa. Gusto ko siya tawanan kaso baka lalo lang magalit. Kawawa naman si Carl HAHAHHA.
"Sige nga gawin mo," pag sulsol ko sakaniya.
"Sayo ko nalang gawin," sabay baling nito sa akin.
"Gawin mo nalang sa sarili mo, hindi 'yung nandadamay kapa." Kapal naman ng siraulo na 'to. Gusto pa gawin sa akin, nanahimik ako dito e.
Hindi na siya nag salita pa muli. Dumaldal lang siya nang dumating na rin si Josh, ang ingay nga e. Panay ang daldalan tungkol sa larong hindi ko naman alam.
I tried to look around to see if Creselia was here but my eyes only noticed Kevin.
Nag tama ang tingin namin, hindi agad 'yon naalis. Pinagmamasdan ko muna ito maigi, may napansin akong kakaiba sakaniya simula noong matapos ang sembreak.
Bakit niya kaya naisip mag sinungaling sa akin kahapon. Ano ba problema nito? Lumalayo na ako pero siya naman 'tong nagbibigay daan para magka-usap kami.
BINABASA MO ANG
Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)
Fiksi RemajaNot An Angel Series # 4 (Completed) Alyssa Faye Perez was just born into this world to annoyed the people around her. Siya yung tipong babae na sobrang layo sa ibang babaeng hindi makabasag pinggan. But one guy came into her life who gave her a head...
