Dumaan ako sa 7-eleven para bumili ng malalamon, kaso pag daan ko sa madilim na eskinita may narinig akong nag-aaway.
Napasilip ako nang kaunti, may binubugbog ang limang binata. Ang lalaki ng mga katawan nila. Para mga walang awa kung suntukin nila ang tatlong lalaking nakahilata na ngayon.
Napadako ang tingin ko sa isang lalaki na walang emosyon na pinag susuntok ang nakahilatang kaaway nila. Grabe naman, halos duguan na ang sinusuntok niya.
Jusme, ano oras ba sila matatapos? Gusto ko na makauwi, baka kasi mapansin ako pag dumaan ako sa gilid nila. Mag 8:00 na tapos nandito parin sila? Pwede naman sa ibang lugar makipag suntukan, bakit dito pa?
Pumunta kasi ako sa restaurant ni Kuya bago ako dumaan sa 7-eleven. Nakikain lang ako doon kaya bumili nalang ako ng dessert ngayon.
Nag simula na ako dumaan na parang hindi sila nakita. Maangas pa nga ang paraan kong paglalakad. Taas noo habang hawak ang isang supot na may lamang ice cream.
"F-Fuck.." Isang ungol ang kumawala sa isang lalaki.
Napayuko ako bigla. Naapakan ko pala ang isang lalaki sa dibdib. Kaya pala parang may nararamdaman akong kakaiba pagtapak ko palang ng isa kong paa.
Kumamot ako sa ulo. "Pucha, bakit kasi nandiyan ka!" Reklamo ko rito.
Wala akong narinig na sagot sa lalaking nakahilata sa sahig. Napadapa nalang siya, mukhang nahihirapan na siya.
Akala ko tatlo lang ang kaaway ng limang binata na 'to. Madami pala, kaso 'yung iba nakabulagta na.
"You should go, Miss." May lalaking lumapit sa akin. Ang dami niyang piercing, pero nakadagdag ito sa ka gwapuhan niya.
Tinaasan ko lang siya ng kilay bago ito tinalikuran. Duh, wala naman ako pakialam kung mag patayan sila. Bahala sila sa buhay nila, ang mahalaga ay makauwi ako.
"Clane, that's enough! We should leave them now." Awat ng kasamahan nito sa binata na walang awa sa pag bugbog doon sa lalaking parang wala nang buhay.
Napatagal ang titig ko sa tinatawag niyang Clane. Sobrang nakakatakot ang aura nito, parang wala siyang naririnig. Patuloy na siya inaawat pero ayaw niya parin tigilan.
Pucha, takas sa mental amp.
Balak ko na sana umalis kaso may humawak sa paa ko. 'Yung lalaking duguan ang mukha. "T-Tulong." Nanginginig ang bibig niya.
"Huh?" Bakit sa akin? Ano ba alam ko dito? Ni hindi ko nga kaya buhatin ang lalaki na 'to.
"Tu—ackkkk!" Bago niya pa ituloy ang sasabihin, inapakan na siya ng isang lalaki na bagong dating.
"Go, miss. You're safe now," He smiled broadly. "You're welcome." He added.
Inismaran ko siya, lumayo pa ako nang kaunti. Baka ano pa magawa niya sa akin. Wala nga akong dalang icepick. Nahuli ako ng teacher ko e, nakuha tuloy.
"You're late again, Lander!" Naalis ang tingin ko dito, napunta doon sa lalaki na walang emosyon. Mukhang tapos na siya mambugbog.
Papalit palit ang tingin ko sa mga timang na 'to. Dapat umaalis na ako e. Bakit paba ako nandito?
Kumamot sa ulo 'yung Lander, bago sumagot kay Clane. "Pasensya na may binantayan pa ako, balak na naman tumakas e." Paliwanag nito.
"Again?" Sagot nung isang lalaki. "Takas ba sa mental 'yang binabantayan mo?" Tumawa pa ito.
BINABASA MO ANG
Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)
Fiksi RemajaNot An Angel Series # 4 (Completed) Alyssa Faye Perez was just born into this world to annoyed the people around her. Siya yung tipong babae na sobrang layo sa ibang babaeng hindi makabasag pinggan. But one guy came into her life who gave her a head...
