Chapter: 15

489 31 0
                                    

"Alyssa may ballpen ka?" Kinalbit ako ng isang kaklase ko habang busy ako sa pag-iisip ng plano kung paano paiyakin ang aking bagong kaaway.


"Meron gamit ko." Mabilis na sagot ko bago ibaling sa harapan ang tingin.


"Alyssa, sino mag rereport saatin?"


"Sa iba ka mag tanong." nagtatanong siya saakin ni hindi ko nga siya kagrupo.

"Alyssa, alam mo ba namatay yung alagang alimango ni Carl?" Humarap si Clark sa 'kin. Nakapalumbaba ngayon sa aking lamesa.


"Punta ka sa Cr," Naguluhan naman siya sa sinabi ko.


"Bakit?"


"Punta ka do'n, tapos hanapin mo yung paki ko." Sabay irap ko sakanya.


Ano pakialam ko sa alimango ni Carl?  Dinala niya pa dito noong isang araw. New pet unlocked daw amp!


Napahawak ako bigla sa aking puson, kumirot bigla. Mukhang dadatnan ako ngayon, kung kailan may aabangan ako mamaya sa gate, doon ako magkakaroon.


"Alyssa, paano kung maging tae ako.. Makikilala mo parin ba ako bilang kaibigan mo?" Sabay kami napatingin kay Creselia nang bigla nagsalita.


"Hindi,"


"Ano gagawin mo pag naging tae ako?" Tanong niya ulit.


"Aapakan kita, haup ka."


"Naneto oh," Napaismid siya bago iniwas ang tingin. Pinagpatuloy niya muli ang pagkain sa hawak niyang chips.


"Paano kung maging tae rin ako? Ano gagawin mo?" Singit ni Clark.


Ang lakas ng trip niya ngayon. Palibhasa, hindi pa dumadating ang dalawa niyang kaibigan.


"Hindi kapaba mukhang tae sa lagay na 'yan?" Kunot noo na tanong ko.


Naalis siya sa pagka palumbaba niya. Dahan-dahan siya napaatras habang nakatingin sa mata ko. Biglaan nalang siya namakyu.


Hindi na muli nagsalita si Clark. Imbis na guluhin ako, sa iba siya nakigulo. Nakikipag kagatan pa siya sa kabilang row.


Mga ilang oras din mas lalo nadagdagan ang ingay nang dumating si Carl. May hawak na camera. Nagsisimula na naman mag vlog ang siraulo na 'to.


"So, hi guys. Welcome to my vlog!" Kumaway ito sa camera. "Nandito na ako ngayon sa classroom namin, hi mga classmates na mahal na mahal ko." Pumagitna siya para makita lahat kami, bago ito kumaway kaway sa camera.


"Hi, friend ako ni Carl!" Sumali si Clark. Pa kaway kaway rin.


"Sayo muna, par." Ibinigay ni Carl ang camera dahil makikipag laro muna siya ng ml don sa nakita niyang nag kumpol kumpol sa gilid.


Agad kinuha ni Clark ang camera. Panay ang kaway niya. Napatigil lang siya nang mag tama ang tingin namin.


Napangisi siya naglakad sa akin. Tumingin muna siya sa camera. "Guys, gusto niyo makakita ng wild animals?" Tumigil siya sa paglalakad nang makalapit ito sa akin.


Nyemas 'to. Subukan niya lang magsalita, tutusukin ko siya ng icepick ko dito.


"Hi, Ma'am. Ano po masasabi n'yo na isa po kayo sa 'Most animal behavior' dito sa school?" Nilapit n'ya ang camera sa mukha ko. Napasinghap pa nga ako, sobrang lapit kasi.


"TA.NGI.NA.-" Hindi ko natuloy ang balak kong sabihin nang itapat niya ang camera sa kan'yang sarili.


"Kita niyo na? Tinatali namin 'to sa leeg gamit ang kadena pag nagwawala." Tumawa pa ito habang umiiling.


Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon