Chapter: 40

551 24 0
                                        

"Hoy, Creselia! Ayusin mo 'yung galaw mo, wag puro pagkain ang nasa isip!" Clark yelled at Creselia who was lazily dancing.


Creselia's dance became more sluggish to tease him. Clark just scratched his head while looking at her.


"Hoy, Josh! Mukha kang tinadyakan nang pabalik balik sa mukha. Ayusin mo naman 'yan." Nagkakamot lumapit si Clark sa pwesto ni Josh.


"Pre, hindi naman ako marunong sumayaw!" He complained.


"Matuto ka!" He shouted back. Josh couldn't do anything but try to move his body properly.


Pumunta si Clark sa unahan namin. "Guys ganito kasi." He turned around to show us the moves we were struggling with. "Igalaw niyo na parang ganito." Clark moved his shoulder smoothly along with his foot.


Hindi ko alam na dancerist pala 'to si Clark. Marunong rin pala siya mag seryoso akala ko puro kalokohan lang alam niya.


Bago mag Christmas break may pinagawa pa kami sa PE subject namin. Mag sasayaw kami ng mga kaklase ko ng Zumba at ipeperform namin sa harap niya.


Pang apat na araw naming praktis dito sa malaking court. At bukas na ipeperform sa harap ni Sir. Medyo kabisado na ang ibang step pero may iba parin na ang hirap sundan, kaya nililinis nalang ni Clark.


Si Clark ang choreography namin, siya kasi ang itinuro ng mga iba naming kaklase. Akala ko nga pinagtitripan lang siya, pero nagulat ako marunong pala ito mag sayaw.


Magaling ito sumayaw, ang smooth ng mga bawat galaw, parang sanay na sanay na mag sayaw ang hindot.


"Wala bang water break?" I stopped while wiping the sweat dripping from my forehead.


Kanina pa kami nag-sasayaw, gusto ko na mag pahinga.


Kumunot ang noo ni Clark. "Anong water break? Kaka-water break niyo lang ah." Sagot niya agad.


Napairap ako. "Sige, pahinga nalang."


Inismaran ako nito at pumunta sa ibang pwesto kung saan nandoon nag iba pang nag sasayaw. "Guys, hatawan niyo naman." Sigaw nito, hindi manlang pinansin ang sinabi ko.


Ngayon ko lang siya nakitang magseryoso ng ganiyan. Nakakatakot pala pag seryoso si Clark.


Inis akong nagpatuloy sa pag-sasayaw kahit nauuhaw na ulit ako. Mabilis talaga ako mauhaw pag nag-sasayaw at napapagod kaya kailangan ko talaga ng tubig sa tabi ko.


Habang nagsasayaw kami, napatingin ako kay Josh na parang ewan sumayaw. Nakatingin siya kay Creselia, ginagaya niya kasi hindi kabisado.


"Ayusin mo sayaw mo Creselia, nagkakamali tuloy ako." Bulyaw nito sa babae.


Inis siya nilingon ni Creselia at pinakyuhan. "Bonak mo, bakit mo kasi ako ginagaya!" Tanong nito.


"Nasa unahan ka e."


"O, e' ano naman?!"


"Hindi ko kabisado!"


"Napaka bobo mo!" Inirapan muna ito ni Creselia bago ibalik ang tingin sa unahan.


Natawa ako habang nagsasayaw kaya napatingin sa akin si Carl. Siya ang katabi ko sa pwesto ng sayaw namin.


Magaling din naman sumayaw si Carl, kabisado niya nga agad e.


"Tanga hindi ganiyan." Pansin niya sa ginagawa ko. "Dapat ganito." Pinakita niya sa akin kung paano gumiling.


"Pakialam mo ba? Katawan mo ba 'to?" Pagtataray ko rito.


Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon