"Ano ginagawa nila dito?" Gulat na tanong ko nang makarating ako sa restaurant nila kuya.
Nakita ko kasi sina Clark pati ang dalawa nitong kaibigan sa loob ng restaurant. Nakasuot sila ng uniform katulad ng waiter rito. May mga baso silang hawak na kakatapos lang gamitin ng mga customer.
Weekend kasi ngayon. Inutusan ako nila Kuya tumulong dito. Hindi parin sila makahanap nang maayos na empleyado, hindi ko alam kung bakit.
At ang babaeng nang-away sa akin noon, natanggal narin sa trabaho niya nang ireklamo siya ng isang bagong employee, kaya ayun tinanggal narin kasi madami na pala siyang na bully.
Pagkatapos nito may date kami ni Kevin. Nag-aya siya manood ng cine, dapat talaga sasama siya sa akin dito kaso may lunch date sila ng family niya. Kaya naisipan namin sa hapon nalang mag date.
"E' gusto nila mag working student kaya naisipan namin dito nalang sila." Nakangiti na saad ni Kuya Erning.
Agad naglakad palapit sa akin si Clark. "Best friend, hindi mo naman agad sinabi na pwede pala mag apply sa kuya mo, buti nalang talaga nag tanong ako sakaniya." Proud na saad nito.
Tumawa si Kuya Erning, "Mabuti nalang talaga nag sabi kayo sa akin. Need talaga namin ng tauhan dito." Sabay tapik nito sa balikat ni Clark.
"Oo nga sir e' balak ko talaga mag apply katulad sa posisyon niyo, gusto ko nga sana ako ang ipalit sainyo e." Tumawa rin siya habang naiiling.
Bigla naningkit ang mata ni Kuya Erning, hindi ko rin maiwasan matawa nang sabihin 'yon ni Clark. "Aba siraulo kang bata ka! Gusto mo pa atang mawalan ako ng trabaho?" Akmang babatukan niya si Clark pero bago magawa 'yon ay nakalayo na ito sakaniya.
"Hehe, hindi naman natuloy kaya ligtas ka, Sir!" Muli siya napalayo nang lapitan siya ni Kuya Erning.
Napailing nalang ako nang makitang nakikipag habulan pa si Kuya Erning kay Clark. Tumingin ako sa kabilang table, seryoso nag lilinis sina Carl sa gilid. Sobrang layo ng ginagawa nila kumpara sa dalawang nag hahabulan pa.
Mabuti nga seryoso sila ngayon, akala ko susulsulan pa nila si Clark para lalo maasar si Kuya Erning.
Naglakad na ako papunta sa employee's room para makapag palit ng uniform. Madami dami ang customer ngayon kaya sure akong tapos na maghabulan ang dalawang siraulo.
Pagkalabas ko, lumapit na ako sa counter para kunin ang mga pagkain iseserve sa customer. Tinulungan narin ako ni Clark kasi dumadami na talaga ang dumadating na customer.
Si Kuya Kiel nasa kitchen 'yon kaya hindi mo siya makikita dito. Nang matapos ako mag serve nagsimula na ako mag linis, kasi si Clark na ang bahala sa mga huling pagkain na iseserve.
Napatingin ako sa telepono nang bigla 'yon mag ring. Meron din kasing hotline sa restaurant, ginagamit nila 'yon pag may gusto umorder galing sa malayong lugar.
Tumingin ako sa gilid para hanapin na mata ko si Kuya Erning kaso busy rin siya sa pag asikaso ng mga customer.
"Carl!" Tawag ko, agad siya napatigil sa pag mo-mop ng sahig.
"Yes, darling?" Aba, gago 'to ah?! Pag kami narinig ni Kuya, malalagot talaga siya.
I just rolled my eyes to him "Ikaw na bahala sumagot ng tawag ng mga mag oorder ha?!" Utos ko, binangga ko ang balikat niya.
"Yes, Madam!" Sagot nito at pumunta na sa counter para sagutin ang tawag ma kanina pa nag riring.
Ako naman ang kasalukuyan na nag mo- mop ng sahig ngayon, dahil kaya ko pinalipat si Carl kasi mukhang nilalaro niya lang 'yung mop. Mukhang pagod na siya maglinis, kanina pa ata sila dito.
BINABASA MO ANG
Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)
Teen FictionNot An Angel Series # 4 (Completed) Alyssa Faye Perez was just born into this world to annoyed the people around her. Siya yung tipong babae na sobrang layo sa ibang babaeng hindi makabasag pinggan. But one guy came into her life who gave her a head...
