Bakit mo nga pala naisipan mag condo?" Nakapalumbaba na tanong ko habang pinapanood sa ginagawa niya.
Nagluluto kasi siya para sa kakainin namin ngayon. Mag rereview rin kami para sa nalalapit na exam.
"Gusto lang kita ma solo." Mabilis niyang sagot na ikinagulat ko.
Napangisi tuloy ako. Ang ganda ko talaga. "Ngayong na solo mo na ako, anong balak mo gawin ngayon." Nakakalokong tanong ko rito.
Napatingin ito sa akin at hindi agad nakapag salita. "We're going to review for the exam." Bumalik ang tingin nito bago ako ngitian.
Agad umikot ang mata ko rito. Psh, review amp, kahit wag naman na. May stock knowledge naman ako e' charut.
Hindi na ako sumagot at hinintay nalang matapos ang lulutuin niya. Nang matapos ang niluluto niyang adobo ay agad na ako nag-ayos ng plato para may maiambag naman ako sakaniya.
Para tuloy kaming mag-asawang abnormal, choz. Takte, kadiri naman 'tong mga pumapasok sa utak ko.
Tahimik lang kami kumakain, may oras na nag tatanong siya at ako naman ay tamang sagot lang. Puro about lang sa lesson tanong niya. Pati ba naman sa harap ng pagkain, nag-aaral parin kami.
Nang matapos kami kumain, nag presinta siyang mag-huhugas kahit na ipilit kong ako ma mag hugas. Masyado siyang makulit kaya pinag bigyan ko nalang.
Tumambay muna ako sa sofa habang inaantay siya. May mga libro nakapatong sa center table at sure akong iyon ang rereviewhin namin ngayon.
"I'm done." Umupo siya sa sahig at agad binuklat ang libro. "Come here," sabay tapik sa tabi niya.
Pairap akong sumunod, umupo na ako agad sa tabi niya. May itinuro siya na hindi mo naintindihan. Panay ang explain niya pero nakatingin lang ako sakaniya kahit wala akong maintindihan.
"Gets?" Nakakunot na tanong nito.
Bored akong tumango kahit hindi ko naman naintindihan. "Bawal ba matulog muna? Ikaw na mag review, bukas nalang ako." Akmang tatayo ako nang hilahin niya ulit ako pabalik sa pwesto ko.
"Tired already?" Malambing na tanong nito.
Dahan-dahan ako tumango bilang sagot rito. Tumayo ako para makaupo sa kandungan niya, pinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya at ibinaon ang aking mukha sa mabango nitong leeg.
Agad siya napahawak sa bewang ko at tinapik ng isang kamay niya ang likod ko. "Let's sleep?" Aya nito.
Hindi ako sumagot dahil sa sobrang antok. Ang dami niya kasi inexplain pero wala akong maintindihan. Sinubukan ko naman papasukin sa utak ko, kaso ayaw talaga tanggapin e.
Naramdaman kong hinahahalikan nito ang buhok ko kaya mas lalo ako inaantok. Baka mga ilang segundo nalang makatulog na ako nang tuluyan sa ginagawa nito.
Hindi ko alam kong ano sunod na nangyari dahil pag gising ko nasa tabi ko si Kevin na mahimbing natutulog habang nakasisik sa leeg ko. Ang kamay nito ay nakayakap sa akin pati rin ang paa nito.
Pinilit kong abutin ang aking cellphone sa side table para tingnan kung ano oras na. Pag tingin ko 8:00 pm na. Napaupo agad ako sa kama dahil don, may mga missed call rin kasi ni Kuya. Nagising tuloy si Kevin.
"Good evening." Namamaos na bati nito bago ulit yumakap sa bewang ko.
"Kevin, gabi na. Hinahanap na ako ni Kuya, tumawag na e'." Nataranta na sagot ko.
BINABASA MO ANG
Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)
Fiksi RemajaNot An Angel Series # 4 (Completed) Alyssa Faye Perez was just born into this world to annoyed the people around her. Siya yung tipong babae na sobrang layo sa ibang babaeng hindi makabasag pinggan. But one guy came into her life who gave her a head...
