"Nakakapagod na," Pag rereklamo ni Clark. Nakatakip ang mata nito gamit ang sariling braso. Nakaupo ito ngayon sa tabi ni Carl.
Same. Nakakapagod talaga ang buwan na 'to. Ang bilis ng araw, exam na agad namin. Sunod sunod ang pinapagawa sa amin. Kaya pagod na pagod kami ngayong week.
"Ang dami naman gagawin, pwede bang mamatay na lang tapos respawn respawn na lang?" Napakamot sa ulo si Carl saka tumingin sa akin. "Patulong nga tayo sa bebe mo." Baling nito sa akin.
Agad ako napasimangot nang sabihin niya 'yon. Mukhang wala atang balak manligaw ni Kevin, gusto ata kiss kiss lang.
"Anong bebe? Wala ako nun." Sabay irap ko sakaniya.
Inalis ni Clark ang pagkatakip nito sa mata niya at tumingin rin sa akin. "Wala pero nag kis—" Bago niya pa ituloy natakpan ko na ang bibig nito.
"Tumahimik ka gago!" Saway ko bago alisin ang kamay ko sa bibig niya.
"Hindi ko alam ang wild niyo pala ni...pres." Hininaan ni Carl ang pagkasabi sa dulo, ngumiti pa siya pagkatapos sabihin 'yon.
Mabuti nalang talaga wala dito si Kevin. Nandoon siya sa faculty, may inutos kasi sakaniya ang teacher namin sa HE. Pero baka mamaya nandito narin siya kasi saglit lang ata 'yon.
"Ano feeling Alyssa?" Pang-aasar na tanong ni Clark.
"Oo nga, ano feeling nun." Pag sulsol rin ni Carl.
"Gusto niyo malaman?" Taas kilay na tanong ko. Agad naman sila tumango bilang sagot. "E' di halikan niyo ang isa't isa." Sabay irap ko.
Bigla nangasim ang mukha nila at nandiri tumingin sa isa't isa. "Tangina, kung si Carl lang ang hahalikan ko baka maaga na ako nakahalandusay sa sahig." Agad na sambit ni Clark.
Sinamaan siya ng tingin ni Carl. "Inamo, i-tweet ko talaga 'to sa Twitter." Gigil niyang sabi. "Handa mo na public apology mo." Sabay ngisi nitong saad.
"May bagong issue?" Singit ni Josh na lutang. "Ano meron? Sino hihingi ng public apology?" Tanong nito ulit.
Nagkatinginan kaming tatlo at sabay tumawa. Mukhang nagtaka ang itsura nito nang sabay kami tumawa habang nakatingin sakaniya.
"Brad, ang lutang mo gago!" Tumawa ulit si Clark nang sabihin 'yon.
"Bakit ako? Baka kayo! Bigla kayo mga tumatawa. Mga baliw!" Sigaw nito sa amin kaya lalo ako natawa.
Wala na talaga lunas ang pagiging lutang ni Josh. Lagi 'yan late updated sa mga chismis, ba naman lagi sa cellphone nakatingin, minsan nga tulala pa siya.
Napuno lang ng asaran sa row ko at row nina Carl habang wala pang teacher. Dumating na rin si Kevin, kaya ang tatlo grabe makatingin sa amin, nang-aasar pa ang tingin nila kaya mas lalo ako nairita.
Walang nag sasalita sa amin kasi nandito pa ang tatlo sa tapat ng inuupuan namin ni Kevin. Atsaka grabe ang hiya ko at inis nang mahuli nila kami. Malay ko bang pupuntahan nila ako.
"Hi, Pres!" Agad kong sinamaan ng tingin si Carl nang batiin nito si Kevin.
Nag-angat tingin si Kevin na busy mag basa ng libro na hawak niya. Sure akong reviewer 'yon. Ipanglalaban na naman kasi siya.
"Yes, Vasquez?" Mahinahon na tanong nito.
Ngumiti nang malapad si Carl. "Lq ba kayo ni Alyssa? Bakit hindi kayo nag uusap." Pagkatapos niya sabihin 'yon. Agad ko sinipa ang inuupuan niya. "Oh diba galit na? Sinisipa na upuan ko e, grabe naman 'yan pati sa amin binubuntong mo ang galit mo kay Pres." Pang-aasar niya kaya mas lalo ako nairita.
Mabilis tumingin si Kevin at nilapit ang mukha sa akin. "Are you mad at me?" He asked softly.
Para tuloy ako naduling nang makalapit ang mukha nito. Kinabahan ako bigla, pati kamay ko nanlalamig. "H-Huh? Hindi ah!" Agad na sagot ko.
"Alyssa," mahinang tawag nito.
Agad ko siya tinulak palayo sa akin. "Ayos nga lang ako, wag ka mag paniwala sa mga baliw na 'yan!" Sabay turo ko sa tatlo na pinipigilan tumawa.
"Pres, galit 'yan! Kulang daw siya sa mwuah mwuah mo." Singit ni Clark, nakangisi.
"Ayon oh, gusto lang pala ni Alyssa ng chup chup mo, pres." Pang-gagatong ni Carl. Nag apir pa sila habang tumatawa.
Argh! Nakakainis talaga ang dalawa na 'to. Ang lakas mang-asar, keltok sila mamaya sa akin.
"Pre, ano level mo sa plants vs zombie?" Singit ni Josh sabay kalbit kay Carl. "Ako kaka download ko lang kagabi, level 10 na agad ako. Panis ka don!" Pag-yayabang nito sabay pakita ng cellphone niya.
Mabuti nalang talaga naka focus si Josh sa laro niya kaya hindi nakikisali sa pang-aasar sa akin. Kasi kung makisali pa siya baka hindi ko na mapigilan na sakalin sila.
"Mahina kapa bro!" Natatawang saad ni Clark. "Ako nga ilang minuto ko palang na download 'yon level 25 na agad ako." Dagdag niya pa.
Mema talaga 'to, minuto amp.
"Mga pang lumang laro naman 'yang nilalaro niyo e!" Binatukan ni Carl ang dalawa sa tabi nito.
"Wow, nahiya naman 'yong talking Tom mo na pinapaliguan mo kahapon!" Sighal ni Clark sakaniya.
Napakamot tuloy sa ulo si Carl. "Mas nauna parin 'yang plants vs zombie niyo!"
"Tanga mo!" Binatukan siya ni Josh. "Kailan ba nauso 'yang laro mo?"
"E' di I search mo!"
"Aba't!" One dot susuntukin ko 'to!" Sabay hawak ni Josh sa kwelyo ni Carl.
"Bago pa sila makapag sabi ng one dot, nasuntok na kita!"
Napairap nalang ako sabay iniwas ang tingin sa tatlong lalaki na 'to na sakit sa ulo. Mabuti nalang nakisali si Josh sa usapan, kasi kung hindi baka ginisa na nila kami.
🍃🌷🍃
"Saan tayo pupunta?" Nilingon ko si Kevin nang niliko nito ang sasakyan sa ibang direksyon.
Uwian na kaya kasabay ko ulit ngayon si Kevin. Hindi dapat kami makapag sabay kasi may dapat pa siya asikasuhin pero tinapos niya agad 'yon para sabay kami umuwi.
Mamaya pa ako pupunta sa restaurant nila kuya. Pero sinabihan na ako kagabi na wag na pumunta doon dahil may nag apply na daw sakanila through online.
"I'll tell you later." Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa aking binti at marahan 'yon hinaplos habang nagmamaneho siya.
"Baka itanan mo ako ah!" Biro ko na ikinatawa nito.
"Why not." He chuckled.
Pabiro ko siya inirapan sabay alis ng kamay kong hinahawakan niya. "Siraulo." I laughed.
Tumawa lang ito at hindi na umimik. Tahimik lang ang biyahe namin. Tumigil muna kami sa isang store para bumili ng makakain. Nag taka pa nga ako kung bakit pati mga de lata bumili siya.
Siguro mag picnic kami kaya namili si Kevin.
Mga ilang minuto ay tumigil kami sa isang malaking building. Napatingala ako sa sobrang taas.
"Ano 'to?" Sabay tingin ko rito.
Bakit nandito kami? Ano ba 'to? Bahay ba nila 'to charot.
"I already have a condo near the school so I thought we could hang out here sometime." Nakangiti nitong saad.
Teka, condo? Bumili siya ng condo? Pero bakit? Malapit lang naman sila sa school, bakit kailangan pa bumili ng condo?
Napalunok ako bigla, so ibig sabihin dito na kami minsan na kami lang?! Hala, baka maging batang ama siya, chozt.
🍃🌷🍃
BINABASA MO ANG
Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)
Teen FictionNot An Angel Series # 4 (Completed) Alyssa Faye Perez was just born into this world to annoyed the people around her. Siya yung tipong babae na sobrang layo sa ibang babaeng hindi makabasag pinggan. But one guy came into her life who gave her a head...
