Beh, picturan mo ako." Utos ko kay Creselia.
Nakangiti ako umatras bago tumalikod nang kaunti para makatingin sa camera sabay peace sign. "Kita ba 'yung bag niya, beh?" Nakangisi na tanong ko rito.
Saglit tumingin si Creselia sa bag na nakasabit sa building. Kakatapos lang namin ilagay ang bag ni Shane doon para naman may pakinabang ang branded nitong bag.
Ang lakas kasi mang insulto e' boba rin naman siya. Pinatayo kasi ako sa entrepreneur namin, saktong hindi ako nakinig non kaya todo pang-aasar at pag paparinig niya. The best daw ang Sunny nila. Edi wow.
Hindi rin ako maturuan ni Kevin, nasa harap ko mismo si Ma'am, as in sobrang lapit niya lang sa amin. Kaya makikita talaga ni Ma'am na tuturuan ako ni Kevin.
Kaya ayon, sa inis ko patago ko kinuha ang bag ni Shane at isinabit sa building. Nag papicture ako kay Creselia bilang remembrance.
"Oo kitang kita na." Tumawa ito habang naiiling. "Dapat siya nalang ang isinabit mo." Suggestions niya.
Napairap ako. "Boba! E' di napa guidance na naman ako?!" Inis ko hinawi ang buhok ko sabay ibinalik ang ngiti sa aking labi. "Go na mhie." Nag posing ulit ako.
Naiiling tumingin si Creselia sa camera sabay bumilang ng tatlo. Kaya ako nag peace sign ulit habang malawak ang ngiti sa labi.
"Done na, Tara uwi na tayo!" Aya ni Creselia sabay bigay ng cellphone ko.
Nang maibigay nito ang cellphone, Dali dali ko tinignan ang mga kuha niyang litrato. Tuwang-tuwa tuloy ako habang pinagmamasdan ang mga litrato. Kitang kita kasi ang bag ni Shane na nakasabit sa building.
Saktong uwian na, sigurado akong nataranta na 'yon sa paghahanap ng bag niya. Buti nga kung ganoon.
Hindi ko kasama si Kevin ngayon, may iniwan kasing gawain sakaniya kaya hindi muna kami sabay umuwi. Atsaka dadaan rin kasi ako kina Kuya, pinapatulong kasi nila ako. Kulang daw sila ngayon sa empleyado dahil nag reresign na daw.
Sabay kami naglakad ni Creselia palabas pero nagkahiwalay rin nang pumunta kami sa magkaibang direksyon. Mag biyahe lang ako, busy ngayon sina Kuya e.
Nang makarating ako sa restaurant nila ay dali Dali ako pumasok. Ni hindi nga ako pinansin ng iba dahil mga busy, ang daming tao.
Nakita ko si Kuya Erning na walang tigil sa paglalakad, kung saan saan na siya pumunta. Lumapit ako rito at kinalbit agad. "Woy, Kuya!" Tawag ko rito.
Nanlaki ang mata nito at agad ako binatukan. "Andyan ka na pala senyorita! Mag palit ka muna bago tumulong." Pagkatapos niya sabihin 'yon agad na ako iniwan sa kinakatayuan ko.
May iseserve pa kasi ito na pagkain sa customer. Ang dami talagang tao ngayon dito. Ewan ko ba kung bakit kakaunti lang ang empleyado nila.
Nang mawala si Kuya Erning sa paningin ko, pumunta na agad ako sa employee's room para makapag palit na.
Dito sa room na ito ay may dalawang Cr at may mga locker para sa mga gamit ng employee.
"Naks, Newbie?" Bungad agad ng isang babae pagkalabas ko palang ng Cr.
"Yas, new employee." Sagot ko sabay ningitian siya ng matamis.
Ayokong sabihin na kapatid ko ang may ari nito, baka isipin nila na mayabang ako. Hindi siguro nila ako nakilala dahil minsan lang ako mag punta dito. Sadyang need lang talaga nila kuya ng tulong habang wala pang nag aapply sakanila.
BINABASA MO ANG
Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)
Teen FictionNot An Angel Series # 4 (Completed) Alyssa Faye Perez was just born into this world to annoyed the people around her. Siya yung tipong babae na sobrang layo sa ibang babaeng hindi makabasag pinggan. But one guy came into her life who gave her a head...