Chapter: 44

456 23 0
                                    

"Inamo, Pikachu! Naghahanap ka na naman ng away!" I yelled at my cat when I saw her approaching a cat from our neighbor's house.


Binugaw ko ang pusang kaaway nito na balak na rin sumugod sa tapang-tapangan na pusa na 'to. Mabuti nalang hindi na hinabol ni Pikachu, kundi mag-aawat pa ako ng pusang nag-aaway.


I'm holding Pokemon, not letting her walk yet. Maliit pa kasi ito baka bigla nalang tumakbo umalis tapos iwanan kami.


Hapon na, naisipan namin lumabas sa subdivision para bumili ng cat food. I took them with me, para makapag pahangin ang dalawang alaga ko. Parati nalang sila nasa loob ng bahay, kawawa naman.


Hindi na ako namomoblema kay Pikachu dahil, she knows where to go home if she ever goes anywhere. Kesa naman kay Pokemon na bago palang.


Habang naglalakad kami may isang siraulong tambay na napatingin sa amin. May kasama ito na apat rin na lalaki.


Anak sila ni Aling bebang 'yung may alagang aso na nanghahabol.


"Wow, dami alaga ah!" He smiled mischievously. "Patingin naman ng pussy cat mo, Alyssa." Biro niya, nakipag apir pa siya sa mga kapatid niya na tumatawa narin.


Napatigil tuloy ako sa paglalakad. "Mga pakyu!" Sigaw ko habang nakapakyu sakanila.


Their laughter got louder; I just ignored them. I walked straight, without looking back even though they kept calling my name.


Nako! Mga anak talaga ni Aling bebang napaka pasaway! Kaya halos sumakit na ang ulo ng Nanay nila dahil sa magkapatid na 'yan.


Palabas palang ako sa subdivision, may bumisina na kotse sa gilid kaya saglit kong nilingon 'yon.


Wait, that car is familiar!


He parked on the side and after a few seconds he got off.


Anak ng teteng, si Kevin pala 'to!


His face was blank as he walked to our place with my pet cats.


Mukhang lalo 'to magagalit sa akin, because I lied to him that Pikachu was dead pero nakikita niya ngayon tumatae sa damuhan nung tumigil kami.


"Napadaan ka?" I asked with raised eyebrows, I didn't show that I was nervous.


Napatingin siya kay Pokemon bago kay Pikachu na tapos na tumae. Lumapit na ang alaga ko at lumapit kay Kevin para ikiskis ang balahibo sa suot na pants nito.


"You told me she was dead." Mahinang saad nito habang nakatingin sa nanlalambing na pusa sakaniya. "You lied again?" His voice showed that he was disappointed.


Humigpit ang hawak ko kay Pokemon, bago ito sagutin. Bakit ako kinabahan? May reason naman ako. "Oo, para hindi kana pumunta sa bahay." I answered directly while looking into his eyes.


Hindi siya nakapagsalita agad, pansin ko ang paglunok nito bago siya magsalita. "Why do you have to say she's dead? I even bought you a cat, so you won't be sad." Seryosong saad nito habang nakaturo kay Pokemon.


Kumunot ang noo ko bigla. "Sino ba kasi nag sabi sayo na bumili ka ulit? Tapos isusumbat mo pa sa akin?!" Inis na sambit ko sakaniya.


Natigilan siya at pinipilit ikalma ang sarili. "That's not what I'm implyin–"


"Wag kana mag palusot!" I cut him off. "At bakit kaba nandito ha?! Nandito kaba para kay Pokemon mo, ha?!" Sigang tanong ko.


"What? P-Pokemon?" Gulat na tanong nito.


"Itong pusa na 'to ang tinutukoy ko." Sabay nguso ko sa aking hawak.


Mukhang nagulat ata siya sa pinangalan ko sa binigay niyang pusa. Ano ba pakealam niya kung ganito ako mag pangalan?


"Such a unique name, huh." Pinigilan niya ngumiti habang umiiling. "Where are you going?" Tanong nito habang hinawakan ang pusang hawak ko.


"Pakealam mo?" Pagtataray ko.


"I'm just asking you, because you brought them." tukoy niya sa mga alaga ko.


"Wala, Sige na, umalis kana." Pagtataboy ko.


"Alyssa," madiin niyang tawag sa pangalan ko.


"Umalis kana sabi e!" Sigaw ko. "Bakit kaba lapit nang lapit, huh? Pinapa-alis na nga kita para makalayo kana sa akin." Inis na saad ko while staring into his eyes.


"Para, hindi na isipin ng iba na ginagamit parin kita.....kahit noon pa man tinigilan ko na ang plano na 'yon." Pahabol ko.


Hindi siya nakapag salita kaya tinalikuran ko na ito para makalabas na sa subdivision. Mabuti nalang walang tao sa pwesto namin, kung meron baka pinag-uusapan na kami.


Pahakbang palang ang paa ko nang pigilan ako ni Kevin. He grabbed my arm to make me face him.


"Ano na naman?!" Inis na tanong ko rito.


"Use me again." Seryosong saad niya habang mariin nakatitig sa mga mata ko.


Inis ko siyang tinulak kahit hindi maipasok sa utak ko ang sinabi nito. "Baliw kaba?! Anong pinakain sa 'yo ni Sunny, bakit ka nag kakaganyan?! Hindi naman kita ginayuma." Sunod sunod na sabi ko, hindi ko nga alam kung naintindihan niya kasi masyado mabilis ang pagkasabi ko.


"Alam mo, Kevin.. ang gulo gulo mo! Ang weird mo, hindi na kita maintindiha–"


"I don't even understand myself anymore, Alyssa." Napatigil ako nang tumaas ang boses niya. "Maski ako, gulong gulo na rin dahil hanggang ngayon I'm still looking for you."


Napahawak siya sa ulo niya, looking like he couldn't believe that he said that right in front of me.


"K-Kevin ano pin–"


Yumuko siya para kunin si Pikachu at hinila na ang kamay ko papasok sa kotse niya. Gusto ko siya pigilan pero hindi ko magawa dahil naguguluhan parin ako sa pinagsasabi niya.


"Bakit?" Tanong ko nang maipasok niya ako sa kotse.


Walang salita lumabas sa bibig niya, kinuha niya si Pokemon at parehas sila nilagay sa back seat. Ilang beses ko nakita ang pag galaw ng Adams apple nito habang inaayos ang dalawa kong alaga.


Napatili ako when he suddenly pulled me to sit on his lap. Sinubukan ko mag pumiglas pero ayaw niya ako pakawalan.


Tumigil lang ako when he hugged me, he buried his face in my neck. "I really missed this, Alyssa." He whispered. "I missed you."


"Kevin, ano ba 'tong ginagawa mo." I tried to push him but he really didn't want to let me go.


"Please, just let us be like this for now." bakas sa boses nito ang pangungulila.


Hindi na ako nakapag salita.


Ang ending napakapit nalang ang kamay ko sa leeg nito. Mas lalo humigpit ang yakap niya sa aking bewang nang maramdaman ang ginawa ko.


Napatingin tuloy ako sa mga alaga ko. Nakatingin lang sa amin, mukhang nagugutom na ata ah.


Ano ba nangyayari sa 'yo, Kevin? Kung parati siya ganito baka bumalik lang ang feelings na matagal ko na naibaon.


🍃🌷🍃

Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon