"Lah, may tanga." Napatigil sila sa pag sasayaw ang tatlo nang sabihin ko 'yon.
Hindi makapaniwala tumingin si Carl sa gawi ko habang panay ang iling. "Hindi mo pa nga nakikita 'yong sayaw namin." Lumapit siya sa 'kin, hinawakan ang aking balikat sabay gumiling. "Baka pag napanood mo, mainlove ka at sa akin ka mag habol." Saad niya pagkatapos gumiling.
"Hoy, Alyssa! Ano ginagawa ko sa myday mo? Bakit may ekis ang mukha ko do'n?" Sumunod lumapit si Josh. "Tapos 'yong kanta pang demonyo, amp!" Reklamo nito habang nagkakamot.
Kahapon kasi nakita ko siya iniistalk ako sa Facebook, kaya pala panay ang tawa kasi tinitignan ang mga dati kong profile picture. Ang dami kaya nakalagay don, mga jeje pa. Gusto ko man burahin, kaso tinatamad na 'ko. Ang dami kasi.
"Ikaw ang lucky tusok ice pick for today, mag dasal kana. Kung kinakabahan ka, mag sama ka ng friend na tutusukin ko rin." Umabante ako kaya napaatras silang tatlo. Halatang kinabahan sila nang makita nilang nakausli ang aking icepick sa bulsa.
Trip ko lang mag dala nito, panakot sa mga feeling matapang sa school na 'to.
"Tanggal angas mo pag sinumbong ka namin," pinilit pa ni Clark mag mukhang matapang ang boses para hindi ko isipin na kinakabahan siya, pero nanginginig na ang boses niya.
"Bago ka makapag sumbong nakabaon na 'to sa 'yo." I smirked. Napunta ang tingin ko kay Josh na pinagpapawisan na ngayon. "Oh, ano sino isasama mo?" Tanong ko rito.
Ilang beses siya napalunok bago ibaling ang tingin sa dalawa niyang kaibigan. "S-Si Carl nalang." Mabilis niyang sagot.
"Luh, taena mo, pre! Ganyanan tayo ah, mag leave na ako sa gc. Hindi na pala solid. Pwede naman si Clark, bakit ako pa?" Madramang tanong nito, inaalog ang balikat ni Josh.
"Aba, gan'yan pala ugali mo, Carl. Handa mo ako ipahamak para lang makaligtas ka." Napakagat labi si Clark, mukha siyang natataeng aso.
"Pre, example lang naman 'yon!" Sagot agad ni Carl.
"Ay?" Kumamot sa ulo si Clark. "Kala ko pre, plastic ka. Konti lang pala." Hinila niya si Carl at binigyan ng yakap.
Pucha, nakakadiri talaga 'tong magkaibigan na 'to. Kung pwede lang itusok sakanila ang icepick na dala ko baka nakabulagta na sila sa sahig.
Imbis na panoorin sila, napag isipan ko muna gumala. Iniwan ko sa room namin ang aking bag. Wala si Creselia, may sakit daw ang gaga. Kaya pag uwi ko, pupuntahan ko nalang.
Sa kalagitnaan ng pagbaba ko sa hagdan, nakasalubong ko si Sunny at Kevin, nag-uusap. May mga dalang makakapal na libro. Mukhang papasok sila ngayon sa classroom namin. Pahinga siguro nila, next week pa naman ang quiz bee.
Umangat ang kilay ni Vice president sa aking pwesto pati ang pabebe niyang ngiti kanina ay nawala. "Ow, Miss. Perez. Saan ka pupunta?" Pinilit niyang pakalmahin ang boses nito, malamang nasa tabi niya si Kevin e'.
"Sa tabi lang, ipapabarang lang kita." Puno ng pagkabored na sagot ko rito.
Agad nanlaki ang mata nito, tinignan niya si Kevin parang gusto iparating na parehas sila ng narinig. "Omg, Kevin. This girl is so ugh!" Muntikan na mahulog ang dala nitong libro sa sobrang irita.
Ang arte amp! Kaunti nalang kukunin ko ang icepick sa aking bulsa.
Napadako ang tingin ko kay Kevin. Kalmado lang ang mukha nito, parang ayos lang sa tenga ang narinig niya mula sa akin. Lagi 'yan kalmado, mas nag mumukha siyang hot.....
Hotdog.
"Bakit ka nagsusumbong diyan?" Tanong ko nang makasandal ako sa handrail. "Tatay mo?" I chuckled.
BINABASA MO ANG
Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)
Novela JuvenilNot An Angel Series # 4 (Completed) Alyssa Faye Perez was just born into this world to annoyed the people around her. Siya yung tipong babae na sobrang layo sa ibang babaeng hindi makabasag pinggan. But one guy came into her life who gave her a head...
