Chapter: 9

491 30 0
                                    

"Ackkk!" Napahawak ako sa braso ni Kuya Kiel nang bigla niya ipulupot sa leeg ko. Hindi ako makahinga putek.

"Ikaw akala mo makakaligtas ka sa kalokohan na ginawa mo sa amin kagabi!" Hindi niya parin binibitawan ang leeg ko.

Napaubo na ako. "Nag bebenta ka naman talaga ng utong sa kap-ackkkkkk" bigla diniinan kaya halos hindi na ako makahinga.

Siniko ko na siya sa sobrang inis. Nang mabitawan ako tumakbo na ako palabas para makaalis na kaso bigla sumulpot si Kuya Erning.

"Halika dito, Senyorita!" Mabilis ako dumaan sa gilid para hindi ako mahabol. Ni hindi na nga ako nag pasundo baka ibangga niya pa kami.

Pagkalabas ko ng subdivision, sumakay na ako ng tricycle baka bigla ako mahabol e'. Hingal na hingal ako napasandal sa upuan. Sinubukan ko pa sila silipin, pero wala akong nakitang anino na sumunod sila.

Mabilis ako nakarating sa school, naabutan ko pa si Vice President na busy sa pag kausap sa mga estudyante. Napaka inosente ng mukha nito pero pag tumitingin sa akin sobrang demonyita.

Napunta ang tingin nila nang dumaan ako. May narinig akong bulungan pero hindi ko naman maintindihan kaya hinayaan ko nalang.

Hindi nakalagpas ang pag simangot ni Vice President. Hilahin ko pa nguso niya, nababadtrip ako sa mukha niya. Naalala ko tuloy ang kanilang dinner date ni Kevin.

Diretso room lang ako, naabutan ko pa nag aapiran sina Clark kasama ang dalawa niyang itlog na kaibigan.

"Pre, parehas tayo ng sapatos. Sa kadiwa mo 'yan binili no?" Tanong ni Carl, nakatingin sa suot ni Clark.

Umupo na ako, mukhang hindi nila ako napansin sa sobrang seryoso ng pinag-uusapan nila, seryoso ba talaga?

"Oo, pre." Kinuha ni Clark ang sapatos at ipinakita sa dalawa. "Lupet nito. Mukhang gawa sa goma pero pag binato ko sainyo lalabas utak niyo" pinahawak pa sa mga kaibigan niya.

"Ay gagi, sa akin sa baba ko binili." Ani ni Josh habang sa cellphone nakatuon.

"Gagi? Doon sa tabi ng nag titinda ng palamig?" Tanong ni Carl.

"Oo doon." Mabilis na sagot ni Josh.

"Gagu, doon ako bumili ng uniform ang nanay ko" singit ni Clark, tuwang-tuwa pa.

"Dapat pinapalitan na natin 'yung group name natin sa gc. Dapat kadiwa boys na" pumalakpak sila parehas, mga mukhang tanga.

Nakasimangot lang ako habang pinapanood sila mag apiran at mag tawanan kahit wala naman nakakatawa.

"Woy, nandito kana pala, Alyssa." Lumingon si Clark, malawak ang ngiti. "Wala pa 'yung isang mong kaibigan ah."

Oo nga, ang tagal ng babae na 'yon.

"Alam kasi nilang maaga kayo papasok, kaya nag palate" walang ganang sagot ko.

Napasimangot siya saglit pero mabilis rin ngumiti. "E' 'yung second lead mo nasaan?" Hinarap niya ang upuan sa tapat ko, ipinatong ang baba sa backrest.

Kumunot ang noo ko. "Second lead?" Ano pinagsasabi nito?

Umangat ang ulo nito at dahan-dahan lumukot ang mukha. "Speaking of" napabuga siya sa hangin habang nakatingin sa likod ko.

Na curious ako kaya napatingin rin ako sa likuran ko, sakto ang pag baba ni Kevin ng bag ay nag-tama ang tingin naming dalawa.

Tipid siya ngumiti sa akin pero inirapan ko lang siya. Akala niya siguro hindi mo makakalimutan ang ginawa niya kagabi? He chose Sunny side up over me!

Agad ko binatukan si Clark nang magets ang sinabi nito kanina. "Main lead 'yan." I smirked. Kahit pinili niya si Sunny side up kagabi, kailangan ko parin landiin para masubukan mapaiyak si Vice President.

Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon