Chapter: 19

441 30 0
                                    

"Alyssa," nilingon ko si Carl na kumalbit sa likuran ko.



Bigla kumunot ang aking noo nang gumawa ito ng weirdo na kilos na ngayon ko lang nakita sa tanan ng buhay ko. Magkahawak ang dalawang kamay nito habang nakangusong ini-isway sway ng kaniyang bewang.



"Oh?" Taas kilay na tanong ko. Ang weirdo niya talaga.



Lumapit siyang nakangiti pero hindi parin nag hihiwalay ang dalawang kamay niyang magkahawak. "294," sambit nito. Bigla siya napahawak sa bibig, pailing iling pa.



Pinagsasabi ng nilalang na 'to?



"Huh?" Hindi ko magets pinagsasabi nito, dagdag pa ang weird na kinikilos niya.



Saglit siya natigilan sabay nilapit ang ulo sa akin. "Sabi ko 294," pagkatapos niya sabihin 'yon pinagdikit na ang dalawang daliri.



"Malapit na kitang bugbugin, inamo ka!" Singhal ko rito. "Nakakairita na nga 'yang mukha mo pati ba naman 'yang kilos mo!"



Akala ko sisimangot lang siya pero hindi parin naalis ang ngiti niya. "294," sambit niya muli na nagpainis sa akin.



Tutusukin ko na talaga 'to. Kaunti nalang talaga, duguan na siya mamaya.



"Ano ba 'yan?!" Inis ako napakamot sa ulo sabay muli tumingin sa kan'ya. "Kung pag ti-tripan mo ako, wag ako. Baka mamaya may gripo na 'yang tagiliran mo." Dagdag ko.



"Hindi mo ba tatanungin kung ano ibig sabihin nun?" Bigla na naman siya kinilig, hindi talaga siya mapakali sa pwesto niya.



"Hindi.." I frowned.



Pabiro niya sinuntok ang braso ko. "Sige na, pilitin mo na ako." Tinulak tulak pa ako.



Napaawang ang aking labi sa ginawa nito, kaya ginantihan ko agad siya. Napadaing tuloy. "Ayoko, bahala ka sa buhay mo. Tanga!" Tinalikuran ko na siya para makarating na sa room namin.



Wala akong sa mood makipag biruan sa lalaki na 'yon. Masyado akong napuyat sa dalawang asungot sa bahay. Wala sila ginawa kundi mag videoke, akala mo may concert e.



Akala ko wala na siyang balak sundan ako pero he suddenly blocked my view.



"Alyssa, 294." He awkwardly smiled at me. "You're 294," he bit his lips before averted his gaze.



Napabuga ako sa hangin at saka ipinatong ang bewang ko habang nakasimangot sa kan'ya. "Ano ba 'yang 294 na 'yan?"



Lumapit siya sabay hinawakan ang aking pisngi. Ibinaba niya ang mukha para mapantayan ang aking mukha. "So beautiful girl," He smiled broadly.



Pagkatapos niya sabihin 'yon, lumayo ito bigla at patalon talon. Kinikilig ang hindot sa sarili niyang banat. "Syet men," hindi siya makapaniwala habang nakatakip ang kamay sa bibig.



Walang buhay ko lang ito tinignan sabay nilapitan. "Taena mo, napaka mais mong haup ka!" Akmang susuntukin ko na siya nang biglang may humawak sa kamay ko.



Paglingon ko, mukha ni Kevin ang aking nakita. Nakatingin lang siya saakin and his eyes are so sleepy, mukhang nag review na naman siya mag damag.



"What happened?" Kalmadong tanong niya.



Agad ko inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin bago ito sagutin. "Itanong mo dito sa siraulo na 'to." Sabay turo kay Carl.



Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon