Chapter: 53

505 17 0
                                        

"Wow, holding hands while walking." Pang-aasar agad ni Creselia nang makita kami ni Kevin.


Mabilis natapos ang bakasyon at ito na ulit kami sa-sabak na naman sa gera bilang isang ganap na college students. Medyo kabado ako, mukhang hindi na guidance office ang pupuntahan ko, kundi deans office na, charot.


Magkaklase parin kami nila Creselia, Clark at ang dalawa pa nitong kaibigan. Pwera lang kay Kevin. Bshm 1-A sila ni Sunny habang kami ay bshm 1-C.


Nakakasama ng loob na magkaklase parin sila ni Sunny. Ayaw ba naman mag pagkalayo-layo ni Sunny. Gusto pa ata pati sa makahanap sila ng trabaho ay magkasama parin sila.



"Di mo kaya 'to." Pang-aasar ko para masira agad ang araw niya.


Hindi ako nagkamali, nakasimangot na agad ito habang nakatingin sa akin. "Wow, good morning ah!" Napairap ito.


"Good morning, too." Nakangiting bati ni Kevin rito.


Ngumiti pabalik si Creselia pero masama parin ang tingin noong magtama ang mata namin.


"Musta ang lovelife? Tagal kana pala sinagot, Pres." Tinapik pa niya ang balikat ni Kevin. Bigla tuloy ito nahiya sakaniya.


"Uh, yeah." Tipid siyang ngumiti bago napakamot sa batok.


Napabuga ako sa hangin at agad humarap kay Kevin. "Mauna na kami, Mahal. M–"


"Pweh!" Natigilan ako nang bigla umarteng nasusuka si Creselia sa harap namin.


Napansin niya atang nakatingin kami sa kaniya kaya agad ito nag peace sign. "Sorry, parang may bumara kasi sa lalamunan ko." Pagdadahilan nito.


Sinukmaan ko siya ng tingin. "Sana hindi na maalis, nyemas ka!" Akmang babatukan ko siya nang awatin ako ni Kevin.


"Mahal," tawag nito.


"Nakakainis kasi e'" Tumingin ako kay Creselia at muli siya inirapan.


"Behave, okay?" Hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko bago halikan ang aking noo. "My class is about to start, see you later. I love you." Sabay halik nito sa pisngi ko.


"I love you m–"


"Ehem, grabe ang kapal nung bumara sa lalamunan ko." Parinig ni Creselia habang nakahawak sa lalamunan niya.


Inis ko siya binalingan ng tingin bago ulit tumingin kay Kevin. "Sige, mauna kana. Para masapak ko na ang babae na 'to." Tukoy ko kay Creselia.


"Mahal," muling saway nito sa pamamagitan ng pagtawag ng endearment namin.


"Oo, hindi na. Sige na good luck!" Napakamot ako sa ulo bago hilahin paalis si Creselia.


"Ang sweet niyo naman, kailan niyo balak sabihin sa tropa?" Tanong nito habang hinahanap ang room namin.


Wala pa talaga masyado nakaka-alam, tanging si Clark at Creselia lang. Kasi nandoon pala si Clark sa gilid namin noong nabanggit kong kami na ni Kevin.


Hindi pa alam ng mga bruhilda, hindi naman sila nag tatanong e. Saka na pag tinanong na nila. Hayaan ko nalang sila mismo makakita. Nakakahiya naman na ipagkalat kong kami na, baka mag mukha pa akong mayabang.


"Saka na pag nag tanong na sila." Mabilis na sagot ko habang tumitingin sa gilid.


"Wala kang balak sabihin?"


Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon