"Teka saan mo ba ako dadalhin?!" Tanong ko sa babae na kanina pa ako hinihila.
Kakalabas ko lang galing mall, may pinapabili si Creselia. Gagawa daw siya ng banner pang cheer kay Pres. Ginawa niya lang daw 'yon bilang bayad niya sa utang na loob niya kay Kevin.
Ngayon ang intrams namin, laban nila ngayon sa basketball. Kaya nga naisipan sila gawan ni Creselia ng banner.
"Ikaw ang alaga ni Menchin diba?" Napakunot naman ang noo ko, ano ba trip nila?
"Hindi."
"Hindi mo kami maloloko, wala kanang takas." Teka ano ba 'to? Kinidnap ba nila ako?
"Teka kinidnap niyo ako?" Nagtinginan naman sila sa sinabi ko at sabay tumawa.
"Mukha ba kami kidnapper? buong kusa ka naman binigay saamin, atsaka tinanggap niya ang pera na binigay namin kapalit ka."
Teka ano 'to?! Bugaw ba 'to ??! Jusko
"Hoy, teka mali kayo ng nakuha."
Pero hindi lang nila ako pinansin, pucha naman oh? Ginawa lang ata ako nina Mama at Papa para kidnappin ng kung sino sino.
Mga ilang oras din naramdaman ko na tumigil na ang sasakyan.
Kinapa ko naman ang bulsa ko kung nandito pa ang cellphone ko, buti nalang hindi nila pinakailaman.
"Bumaba kana," utos nito sa akin.
"K." sabi ko at tumalon pa pababa
Sa isang club kami bumaba, napanganga naman ako nang makapasok ako dahil first time ko makapasok dito, omy so amazing.
Ang gulo naman ng mga tao dito. May nagsasayaw, tapos may nakita pa akong naghahalikan sa dance floor.
Gagi, nakita ko 'yung babae naka bra nalang habang hawak ang t shirt niya sa dancefloor. Ni wala manlang umaawat sakanya, tuwang-tuwa pa ang mga lalaki.
"Ganyan ang gagawin mo mamaya." bulong saakin ni Ate gurl na parang may fasion show dahil sa aura niya today.
Teka, ano daw parang nabingi ako do'n ah? Gagawin ko 'yung ganun? Teka taena nila, bata pa ako bibili lang naman ako ng materials tapos dito na ako napadpad.
"Teka, bata pa po ako," Niyakap ko ang aking sarili.
"Mukha ka namang nasa 20's na kaya okay na 'yan, sasayaw kalang para makakuha ka ng tip." Omg, mukhang magagamit ko na ang dance step na pinapraktis ko noon.
"Saakin na ang pera pag binigyan ako?"
"Hindi syempre." Andaya naman nitong babae na 'to.
"Edi, Ikaw sumayaw." Binabadtrip ako nito, parang timang. Masyadong madaya 'yon nagpakahirap ako kakasayaw tapos hindi naman pala saakin mapupunta lahat.
"Hahati-hatiin yan, bale 50-50. May mga kasama kapa, kaya wag kang gahaman." Okay sabi ko nga, pero unfair parin. Gagalingan ko nalang para malaki-laking tip.
"K, payn."
"Good, pumasok kana sa loob at magpalit ka nang susuotin mo," Sabay tulak niya sa akin sa isang red na pintuan .
"Aray ah! Grabe manulak!" Inis na sabi ko do'n sa babaeng kala mo may pa gender reveal.
"Hi, bago ka dito?" napatigil naman ako kakabulong sa sarili ko nang may nakita akong babae na sobrang nipis ng suot.
Maganda siya mukhang kasing edad ko lang 'to.
"Oo, bibili lang naman ako ng materials tapos napunta ako dito." Kwento ko pa kaya napakunot ang noo niya.
BINABASA MO ANG
Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)
Teen FictionNot An Angel Series # 4 (Completed) Alyssa Faye Perez was just born into this world to annoyed the people around her. Siya yung tipong babae na sobrang layo sa ibang babaeng hindi makabasag pinggan. But one guy came into her life who gave her a head...
