Chapter: 59

888 22 1
                                        

Ilang buwan na ang nakalipas simula noong malaman kong walang fiance si Kevin. Naging maayos ang pagsasama namin.


Nalaman rin nila Kuya na bumalik kami sa isa't isa. Akala ko noong una ay magagalit na naman siya pero nagulat kaming dalawa ni Kevin nang makita itong masaya.


Alam narin ng mga kaibigan namin. Ikaw ba naman i shout out sa tv shows. Interview kasi ni Kevin noong araw nanonood kaming lahat, and nabanggit niya ang pangalan ko noong tinanong siya ng host kung sino ang girlfriend.


Kaya pagkatapos nun, nag trending kaming dalawa sa Twitter, amp! Hanggang sa malaman ng lahat na ako ang girlfriend ni Kevin.


Okay na kami ng Nanay niya, mabuti nalang talaga. Kasi kung humadlang siya sa storya namin ay hindi ako papayag!


"Ano kayo ngayon! Ikakasal narin ako mga hudas kayo!" Ipinakita ni Miracle ang kaniyang engagement ring.


Hindi ko maiwasan ikutan siya ng mata. Ilang buwan palang sila mag kasintahan ni Lander ay nag propose na daw agad ito, gusto na agad angkinin si Miracle.


"Mas mabilis pa sa fast!" Sumipol si Clark.


"Yabang, parang hindi umiyak." Pang-aasar ni Carl habang nakasandal sa upuan.


Parang sunod-sunod na kasal ang pinuntahan namin. Katatapos lang ng kasal ni Karina, sumunod rin 'yung kina Hari. Halos buwan lang ang pagitan nilang dalawa. Tapos susunod na 'tong sina Miracle.


"Kailangan pa talaga kami papuntahin? E' nakita na namin post mo sa Facebook pati sa Instagram." Napairap rin si Creselia.


"Tanga, ililibre ko nga kayo e!" Bulyaw nito sa amin. "Hindi ba kayo masaya?! Taena pilitin niyo naman maging masaya."


"Ang saya namin, wooh!" Pumalakpak Creselia. "Oh, nasaan na libre mo?" Taas kilay na tanong nito.


"'Yang kinakain mo, ako mag babayad niyan." Napabuga si Miracle sa hangin. "Plastik mo haup ka!"


"Yown, bait mo!" Nag finger heart si Creselia sakaniya.


Inirapan lang siya ni Miracle at hindi pinansin. Napatingin ito sa singsing niya, kinikilig parin. Mukhang hindi maka move on.


Nag kwentuhan lang kaming mag tropa habang inaasar si Miracle. Kaya ang bruha inis na inis sa amin. Mga ilang oras rin ay natapos na ang pag-uusap kaya napag-isipan namin umuwi.


Nang makarating ako sa bahay, naabutan ko si Kevin nag luluto.


Madalas siya nandito sa bahay, gusto nga ako patirahin sa bahay nito pero sayang naman 'tong bahay ko kung hindi titirhan. Kaya bumibisita nalang siya kasi binigyan ko siya ng susi.


Dahan-dahan ako lumapit sakaniya at agad siya niyakap sa likuran. "Hi, Mahal ko." Bati ko.


Humarap ito sa akin at agad ako binigyan ng isang magaan na halik sa labi. "I cooked." Nakangiting saad niya.


I pouted. "Nakakain na ako, Mahal."


Natigilan siya pero muli niya ako hinalikan. "Then eat again." He laughed.


Natawa ako. "Fine, mukhang masarap 'yang niluto mo e." Kumuha ako ng plato naming dalawa habang siya ang nagsasandok ng ulam.


"How's your day?" Tanong niya agad matapos ako lagyan ng kanin pati ng ulam.


"Ayos lang naman," sumubo muna ako. "Miracle is getting married."


Bahagyan nanlaki ang mata niya. "Really? That's nice." Tumango lang ako habang kumakain. "Let's get married too."


Bigla ako nabulunan sa sinabi nito. Masyado nambibigla amp.


Agad niya ako binigyan ng tubig, "Hey, are you okay?" Maingat niyang tinatapik ang likod ko.


"Ikaw kasi, masyado ka nambibigla!" Inis ko siya inirapan.


Sumeryoso ang mukha niya. "I'm serious, Alyssa. Gusto na kita pakasalan."


Sinamaan ko ng tingin. "Gusto mo ako pakasalan pero wala ka namang singsing na binibigay! Adik kaba ha!" Binatukan ko siya.


Hindi siya sumagot, tumayo siya at iniwan akong habol tingin sakaniya. Bigla ako kinabahan, parang mga ilang oras lang ay ako na ang sunod na ikakasal, charut. Assuming ko sa part na 'yon.


Habang inaantay ko siya ay pinagpatuloy ko ang kainin ang niluto niya. Ang tagal kasi, mukhang tumae lang siguro.


"Alyssa." Tawag nito na ikinalingon ko.


Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh, ano?"


Lumapit ito sa akin at hinila ako patayo. Puno ng pagtataka ang mukha ko habang hinihila ako papunta sa salas.


"Ano trip 'to?" Nagkakamot na tanong ko. "Dito kaba mag po-propose?"


Bigla siya namula, mabilis iniwas ang tingin sa akin. Mukhang tama ang hula ko ah, nasira ko ata ang surprise niya sa akin.


Mabilis ko nilahad ang kamay ko at hindi maalis ang ngiti sa aking labi. "Oo, yess! Papakasalan na kita!" Excited na sagot ko, kinikilig.


Hindi ako naghahangad magkaroon ng engrandeng proposal katulad ng iba. Ang gusto ko lang ay ang makasal sa taong mahal ko. Kaya ayos lang sa akin kahit hindi na ako isuprise, ang mahalaga siya ang nag propose sa akin.


"Alyssa, hindi pa ako nag sasalita." Nakasimangot na sabi nito.


Napasimangot rin tuloy ako. "Ih, bilisan mo na. Lumuhod kana diyan tapos tanungin mo na ako." Naiinip na utos ko sakaniya.


Natatawa siyang lumuhod sa harap ko. Napahawak tuloy ako sa bibig, hindi ko maiwasan maging emotional, charut.


"Alam kong, biglaan ang lahat ng 'to Alyssa. Balak ko pa sana sa ibang araw pa mag propose kung saan nandoon ang mga taong mahalaga sa atin." Pag-uumpisa niya habang nakatingala sa akin.


"But I can't wait anymore. Mas lalong gusto ko na mag pakasal, sunod sunod na sa mga kaibigan mo ang ikinakasal." Dagdag niya. "So maybe this is the time for you to marry me." He said softly.


"I want to build a family with you, my love. Ikaw lang ang nakikita kong magiging Ina ng mga magiging anak natin." Namumuo ang mga luha nito sa mata, mga kaunting speech pa ay baka tumulo na ang luha niya.


"Alyssa Faye Perez." Banggit niya sa buong pangalan ko. "Will you marry me?" Doon na tuluyan bumagsak ang luhang kanina niyang pinipigilan.


Lumapit ako at mabilis siya hinalikan sa labi. "Of course. Ikaw lang ang lalaking gusto kong pakasalan. Ikaw lang at walang iba." I cried.


Hindi parin talaga ako makapaniwala na nandito na ako posisyon ko, kung saan ikakasal ako sa taong gusto ko makasama habang buhay.


Simula pagkabata ko never ko naisip ikasal or magkaroon ng sariling pamilya. Ni minsan hindi pumasok sa isip kong magkaroon ng boyfriend.


Hindi ko naisip na mag mamahal pala ako ng sobra sa lalaki na 'to. Bilang isang babaeng walang ginawa kundi gumawa ng kalokohan at pasakitin ang mga taong nasa paligid ko ay hindi pumasok sa isip kong magmahal.


Pero simula noong dumating siya, doon ko lang narealize na sobrang sarap talaga mag mahal.


Sakaniya ko naranasan, mag hintay. Akala ko hindi worth it ang nagawa ko dahil ako lang din ang nasaktan sa ginawa ko.


But what they said was right; everything has perfect timing. All your waiting will be rewarded with good news.


Tapos na ang batang Alyssa na puro kalokohan ang alam, because now you will see an Alyssa Faye Perez Levon who will love her family very much.


Wala nang halong kalokohan dahil lahat ay puro katotohanan na.


Sa huling pahina ng kwento na ito ay pag-ibig parin ni Kevin ang nanaig. Kahit madaming namin pinagdaanan, nandito parin kami patuloy lumalaban.

🍃🌷🍃

Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon