Napabuga ako sa hangin nang makaramdam ng kaba habang nag-aantay sa isang resto na naisipan namin mag-usap.
Isang tunog ng heels ang nagpalingon sa akin. Agad ako tumayo nang makita ang babaeng dahilan kung bakit ako nandito.
"Good afternoon, Tita." Magalang na bati ko nang magkaharap kami.
Diretso lang ang tingin nito nang batiin ko, taas kilay niya ako tinignan mula ulo hanggang paa. Grabe ah, ngayon lang ako kinabahan nang sobra.
Tumango lang siya bago ibaba ang mamahalin niyang bag sa lamesa at tinignan ako.
Tumawag siya ng waiter at naghanap ng kakainin niya, ganoon lang din ang ginawa ko. Mukhang wala pa balak mag salita e.
Nang makaorder kami, nanatiling tahimik parin ang table namin. Walang nag sasalita, nahihiya ako baka bigla ako isnabin, lalo na parang mainit ang dugo niya sa akin.
"Kamusta kayo ng anak ko?" Putol niya sa katahimikan.
"Ayos naman po kami, tita. Kakatapos lang po ng Monthsary nung isang araw." Kwento ko rito, bigla siya napangiwi sa sinabi ko.
Sa sobrang bilis ng araw at salamat naman na healthy parin ang relasyon namin ni Kevin. Katatapos lang ng 9th monthsary namin, kunting landi nalang ay malapit narin kami mag isang taon.
Magsasalita sana ito kaso naudlot nang bigla dumating ang order namin. Nang makaalis ang waiter ay agad ako nito tinignan.
"Pa-prangkahin na kita hija, pero ayaw kita para sa anak ko." Malamig na saad nito habang nakatitig sa mata ko. "Satingin ko mas mapapanatag ako kung si Sunny pa ang makatuluyan ng anak ko." Sabi pa niya.
Aray ay, masyado masakit 'yon ah.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Alam ko naman at ramdam ko rin na ayaw nito sa akin pero mas masakit pala kung sakaniya mismo nanggaling.
"Same lang po, ayaw ko rin po kayo bilang Ina ng boyfriend ko." Matapang na saad ko.
Hindi pwede maging kawawa for today's Chapter.
Nanlaki ang mata nito, hindi agad nakapag salita. "How dare you?! Wala kang respeto!" Napadiin ang hawak niya sa tinidor.
Napangisi ako. "Wala ka rin po respeto sa desisyon ng anak mo." Mahinahon na sabi ko. "Hindi Ikaw ang kailangan mag desisyon sa anak mo tita, kundi siya lang. Hindi mo hawak ang puso niya para ipilit ang babaeng gusto mo para sakaniya." Nakatitig lang ako nang mariin habang sinasabi 'yon sakaniya.
"Kung ayaw niyo po sa akin, hindi ko ipipilit na magustuhan mo ako. Ang anak lang po ang mamahalin ko, at hindi ikaw." I smirked.
Wala man respeto sa paningin niyo, pero hindi ko naman siya pagsasalitaan ng masakit kung hindi niya ako sinabihan ng ganoon. Mabait ako sa mabait sa akin, never ako naging mabait sa masama sa akin,
....Kahit siya pa ang Ina ng mahal ko.
Namula ang makinis nitong pisngi at halos hindi makapaniwala sa sinabi ko. Parang mas lalo niya ako kakamuhian sa mga pinagsasabi ko.
"Hiwalayan mo ang anak ko." Para akong nabingi sa sinabi niya. "I'll give you whatever you want if you keep your distance from my son. Sapat na siguro 'yon para layuan mo ang anak ko." May nilabas siyang cheque mula sa bag niya.
Napahawak ako sa bibig ko, omg ka tita, grabe ka ah.
"Iww, cheap!" Napangiwi ako. "Satingin mo ba madadala mo ako sa offer mo? Whatever I want? Sige, gusto kong layuan mo kami ng anak mo." Pang-aasar ko.
"Payag kaba, Mother in law?" I smirked.
Napanganga ito at hindi na makapag salita, tumayo siya at dinuro ako. Ang daming nakatingin sa amin, pero walang pakialam si Tita.
BINABASA MO ANG
Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)
Teen FictionNot An Angel Series # 4 (Completed) Alyssa Faye Perez was just born into this world to annoyed the people around her. Siya yung tipong babae na sobrang layo sa ibang babaeng hindi makabasag pinggan. But one guy came into her life who gave her a head...
