"Alyssa..." Halos manlamig ako sa malalim at nakakatakot na tawag ni Daddy sa 'kin.
Naiwan sa ere ang pagkain na dapat isusubo ko nang magsalita ito. Saglit ko ibinaba ang kutsara bago maamo na tumingin sa gawi niya. Mukhang alam ko na kung saan mapupunta 'to.
"May nareceive akong email from your teachers. " Napaayos ito ng upo at mariin tumingin sa pwesto ko. "Gumawa ka na naman ng kalokohan sa eskwelahan mo." Malamig ang tingin nito, hindi ko tuloy maiwasan yumuko para iwasan ang titig niya.
Charot! Yumuko talaga ako para tumawa. Baka lalo ako sermunan pag nakita niyang natutuwa pa ako sa pinag-gagawa ko. Which is totoo naman.
"Hon.." humawak si Mommy sa braso ni Daddy, para pakalmahin. "Wag mo nga sermunan si Alyssa....mamaya nalang" hindi ko nga alam kung matutuwa ba ako sa sinabi ni Mommy o baka isama ko siya sa list ko na pag tripan.
"Mommy... salamat ah! Nandyan ka para dagdagan ang bigat sa dibdib ko." Umarte akong nag pupunas ng luha bago kumagat sa hatdog.
"I'm very disappointed, Alyssa." Seryosong saad ni Daddy kaya napatahimik ako. "Why you always make me annoyed? You already seventeen pero isip bata parin 'yang ugali mo!"
My chest felt heavy for a moment, but I remembered that I was used to Daddy's words like this. It's always disappointed even though I haven't done anything wrong. Maybe if they were given the chance to replace me, I might have been replaced as their child.
Oo...masakit. Pero masaya ako kasi naiinis siya sa akin. Go, Dad! Mainis ka pa. Nice one!
"Hon.." saway nito sa asawa niya.
"No. This time, Ayoko na palampasin 'to." Masama itong tumingin sa akin. "From now on, you will live with your older brother in Cavite. Pinaayos ko na ang requirements mo para I transfer sa ibang school." Tumayo ito at iniwan na kami ni Mommy nakawang ang labi sa pagkagulat.
Tumayo din ako para sundan ito. "What? Daddy, you know naman na ayaw ko makasama si Kuya!" Reklamo ko habang patuloy parin siya sinusundan.
I have older brother. Mas malala siya sa akin, at ayoko siyang makasama sa iisang bahay. Lagi niya sinisira ang araw ko, sa tuwing dumadalaw siya dito sa bahay. Atsaka, ayoko malipat sa ibang school. Hindi pa ako nakakaganti sa mga mukhang mais.
Humarap si Daddy kaya napatigil ako sa paglalakad. "It's your fault, face your consequences." Tinalikuran niya muli ako at iniwan akong tulala.
Arghh! I hate you, Daddy!
Sa inis ko lumabas ako para mag pahangin. Nasipa ko ang bato nang malakas kaya tumama iyon sa kotse ni Daddy. Napatakip tuloy ako sa bibig at tumakbo sa garden. Hays, patay na naman ako nito.
Umupo ako sa swing at nag muni-muni. Sana bigyan pa ako ng palugit para makaganti sa mga babaeng humarang sa akin.
At kung akala ni Daddy na mababago ang ugali ko kapag nailipat ako sa ibang school ay doon siya nagkakamali. Walang mababago sa akin. Isa parin akong babaeng puro kalokohan ang nasa isip.
I don't have friends. At wala akong balak magkaroon. Sanay na ako na walang kaibigan, mas masaya pa nga na mag-isa kalang.
*****
"WELCOME TO HELL, SISTAH!!" pagkabukas palang ng pintuan, mukha agad ni Kuya Kiel ang bumungad.
Tinulak ko nang malakas ang maleta ko papunta sakan'ya, kaya napatakbo ito at nabangga sa hagdan. Bonak naman nito, nagpahabol sa maleta, pwede naman umiwas. Kaninong anak ba 'to?
BINABASA MO ANG
Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)
Ficção AdolescenteNot An Angel Series # 4 (Completed) Alyssa Faye Perez was just born into this world to annoyed the people around her. Siya yung tipong babae na sobrang layo sa ibang babaeng hindi makabasag pinggan. But one guy came into her life who gave her a head...