"Pre, bakit ngayon kalang pumasok?" Umangat ang aking tingin kay Clark na tumatakbo palapit kay Raph.
Ilang linggo kasi hindi pumapasok si Raph. Maski sina Clark hindi alam kung ano nangyari sa kan'ya. Hindi na daw nag se-seen sa gc nila.
Inakbayan siya ni Clark at sabay naupo sa harapan namin. "May problema lang," tipid ngumiti si Raph sa tatlo niyang kaibigan.
Namilog ang labi ni Clark at mabilis inalog-alog si Raph. "Tanginu, ano ginawa niya sa 'yo?!" Ma-dramang tanong nito habang patuloy sa pag-alog kay Raph, halos mahilo na nga ang tao sa ginagawa niya.
"Family problems," Halata sa mata nito na kulang pa sa tulog. "Mag transfer na 'ko," tipid siya ngumiti at inilapag ang bag sa gilid.
Parang natalo sa sabong ang mukha nilang tatlo nang marinig ang naging sagot sakanila ni Raph. "Wag ka papayag, pare! Kakakilala kalang natin ngayong school year tapos mawawala kana?" Napatakip si Carl ng mukha habang umiiling.
"Ano meron?" Singit ni Josh, ipinatong niya ang baba sa balikat ni Carl na patuloy sa pag eemote. Kakatapos lang kasi nito mag laro kaya walang alam.
"Bobo ka daw, Josh." Sabat ko.
Napunta ang tingin nito sa 'kin, masama ang tingin. "'Yung katabi mo rin, bobo." Sabay tingin niya sa katabi kong nanahimik, busy kumain.
Naudlot ang pagsubo ni Creselia sa tinapay at masamang tumingin kay Josh. "Naneto, tumahimik ka diyan, wala ako sinasabi sa tartar mong hindi pa natatanggal simula kahapon." Mabilis niya kinagatan ang hawak tinapay sabay pinakyuhan si Josh.
Na conscious bigla si Josh, agad niya tinignan ang ngipin sa screen ng phone niya. "Putek!" Napahawak si Josh sa bibig at agad tumayo, naglakad na palabas.
Habol tingin kami sa kan'ya. Nang mawala si Josh sa paningin namin, nilingon ni Clark si Creselia. "Alam mo pakialamera ka, malay mo tinira niya 'yon para mamaya."
"Concern lang ako, baka hindi siya aware," Nang-irap ito bago ibaling ang tingin sa bintana.
"See, concern lang pala e'" Singit ko. "Bakit ba nagagalit ka? Siguro may pagtingin ka sa kaibigan mo." Dumapo ang masamang tingin nito sa 'kin nang sabihin ko 'yon.
"Porket may kasama 'yung second lead mo, kinakausap mo na ako!" Napahawak siya sa dibdib. "Ginagawa mo akong panakip butas," umarte pa na parang naiiyak.
Wala si Sunny at Kevin sa classroom. Mag partner sila sa isang quiz bee. Hindi kami masyado makapag usap, dahil lagi sila magkasama ni Sunny. Sobrang busy nilang dalawa.
Asar na asar na nga ako sa babae na 'yon. Sinasadyan akong asarin, porket kasama si Kevin. Hindi ko tuloy magawa ang plano kung paiyakin siya. Hindi kasi nag papaistorbo si Kevin saka madalang ko lang makita. May ibang quiz bee pa kasi sinalihan, strict 'yung nag hahandle sakan'ya. Excuse nga siya e', sila ni Sunny.
Si Sunny madalas ko makita, bonak naman 'yon. Pagala-pagala. Sa susunod ko nalang isasagawa ang aking plano pag tapos na sila, baka pag ngayon ko ginawa, matalo sila. Concern parin naman ako, char! Lul pakyu sila.
"Ohh, ohh.." tumayo si Carl para awatin ako. "Pucha, mag lalabas ka na naman ng ice pick!" Tukoy nito sa ice pick na nakalagay sa aking bulsa.
"Taena nito ni Alyssa, nag-aadik kaba?" Nilayo ni Clark ang upuan sa 'kin. "Lagi mo dala 'yan!" Tukoy niya sa ice pick kong nakausli.
"Para ready na itusok sa 'yo." Mabilis na may halong inis na aking saad.
BINABASA MO ANG
Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)
Teen FictionNot An Angel Series # 4 (Completed) Alyssa Faye Perez was just born into this world to annoyed the people around her. Siya yung tipong babae na sobrang layo sa ibang babaeng hindi makabasag pinggan. But one guy came into her life who gave her a head...