After 7 years.
"Alam mo ba ako nahihilo sa ginagawa mo!" Hinampas agad ako ni Creselia nang maupo ako sa tabi niya. "Lakad ka nang lakad!"
Nabatukan ko agad ang gaga. "Malamang kailangan ko sila I check kung maayos at tama ang ginagawa nila." I rolled my eyes.
"Ang dami mo naman ganap sa restaurant mo." Napakamot si Creselia sa ulo. "Ano kaba talaga? Chef or Manager?"
"Both." I chuckled. "May schedule ako 'no! Hindi mo kaya 'yon!" Tinuro ko siya bago ulit tumawa.
Nag patayo ako ng isang restaurant pero sa ibang branch lang 'to ng restaurant ni Kuya. Bale, sa ibang lugar ako nag patayo pero same name parin ng restaurant ni Kuya.
Gusto niya kasi padamihin, para daw lalo makilala, kaya bilang mabait na kapatid ay tumulong ako. Oo, mabait talaga ako.
Sakto lang ang chef ko dito sa restaurant, may araw na nandoon ako sa kitchen at may araw naman nasa labas ako para I check ang mga ginagawa ng mga employee ko.
Ayoko kasi nasa kitchen lang ako, gusto ko makikita rin ako ng mga customer. Sayang kasi ang ganda ko, charot.
"Psh, iba talaga pag single, nagiging hardworking." Naiiling na saad nito bago tumingin sa phone niya.
Sasagot palang sana ako nang mapasinghap ito habang nakatitig sa phone niya. "Omg, mag gu-guest ulit si Pres sa tv!" Itinapat nito ang phone sa harap ko at ipinakita ang news sa isang page. "Sikat na talaga siya!" Kinikilig na saad nito.
Hindi ko maiwasan mapangiti at maging proud sa tinatahak na daan niya. Natupad na ang pangarap ng Lola niya, pati rin ang pangarap niya.
Naging isang famous chef siya sa Australia. Ang dami niyang guesting, interview at minsan nga nakikita ko siya sa isang magazine sa sobrang dami nitong achievement.
Nakakaproud talaga.
"Nice," mahinang sabi ko bago inumin ang juice na aking hawak.
Natigilan si Creselia at agad ibinaba ang phone sa lamesa. "Satingin mo ba totoo ang balitang engaged sila ni Sunny?" Bakas sa boses nitong nag-aalala.
I just shrugged may shoulder. Kung ano man meron sakanila ni Sunny, labas na kami doon. Kung gusto nila mag pakasal, ayos lang dahil wala na akong karapatan magalit.
Hindi na ako umasa na babalik siya, sa sobrang layo ng narating niya, impossibleng makilala niya pa ako.
Isang sikat na chef rin si Sunny, sumunod siya kay Kevin. Actually magkasama nga sila minsan sa mga guesting, shiniship pa sila.
Nung una nasaktan ako, pero hanggang tumatagal natanggap ko narin, kasi nung una palang ako na ang nag udyok sakaniya umalis para matupad ang pangarap
Ang daming kumakalat sa balita na engaged daw sila. May singsing na daw kasing suot si Sunny noong lumabas sila ni Kevin sa isang reunion.
"Mukhang lubog ang loveteam niyo." Naiiling na sabi niya bago lantakin ang pagkaing nasa harapan namin.
"Matagal na lubog 'yon, Creselia. Wag kana umasa."
Magsasalita pa sana ito nang biglang mag vibrate ang phone ko. Nag chat si Clark sa gc naming mag tropa.
Clarkmapagmahal: @Alyssabog free kaba?
BINABASA MO ANG
Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)
Teen FictionNot An Angel Series # 4 (Completed) Alyssa Faye Perez was just born into this world to annoyed the people around her. Siya yung tipong babae na sobrang layo sa ibang babaeng hindi makabasag pinggan. But one guy came into her life who gave her a head...