Chapter: 58

710 22 0
                                        

"Ayoko nga sumama sa 'yo!" Namumungay ang mata kong tumingin sa gawi nila nang makalabas ako.


May lalaking humihila kay Hari kaya agad ako lumabas para makichismis. Nasa labas na talaga ako kanina pa kaso sinundan ko si Creselia sa loob nung pumasok ulit.


Kahit umiikot na ang paningin ko, tuloy parin ako sa paglalakad palapit sa pwesto nila. Pagewang gewang pa ako, nakainom kasi kami.


Kasal ni Sherel ngayon at pauwi na kami kaso, biglang sumulpot 'tong humihila kay Hari.


"Ano merons?" Lasing na tanong ko habang nakatingin sakanila.


Pero wala manlang sumagot kaya inis ko binato ang sapatos, parang mas maganda maupo sa sahig kesa mag tanong. Nahihilo na talaga ako, gusto ko na matulog.


"Hoy, Alyssa! Balak mo pa talaga matulog diyan!" Pilit ako hinihila ni Karina pero mas lalo ako nag pabigat.


"What happened to her, Mommy?" Rinig kong tanong ni Sachi.


"She's wasted." Boses ni Stever ang bebe boy ni Karina.


"Carl, hatid mo si Alyssa!" Sigaw ni Karina, halatang naiistress na. "At Ikaw Clark, Ikaw na bahala kay Creselia."


"Halika na Alyssa! Lasinggera amp!" Pilit ako itinayo ni Carl. "Pucha, ang big–"


"I will take care of her." Naputol ang sasabihin ni Carl nang may makisali.


Hindi ko na binigyan pansin, baka may naririnig lang ako na hindi naman talaga totoo sa sobrang kalasingan.


Mabilis ako nabuhat ni Carl papunta sa kotse niya, nakapikit lang ang mata ko habang nag mamaneho ito. Inaantok na kasi talaga ako.


Hanggang sa kalagitnaan ng biyahe ay nakatulog na ako.


Kinabukasan, nagising akong masakit ang ulo. Napatingin ako sa paligid, nandito na pala ako sa bahay. Tumingin ako sa side table, may gamot at tubig doon.


Mabuti nalang naisipan 'to gawin ni Carl, may mabuti rin pala nagawa ang lalaki na 'yon. Kinuha ko na agad ang gamot para mainom na, sobrang sakit ng ulo ko.


Kasalanan 'to ni Miracle, ang kulit kasi. Painom nang painom, pinilit kami kahit ayaw ko na.


Nang mahimasmasan ako, nagsimula na ako mag hilamos. Nagugutom na kasi ako.


Mabuti nalang talaga nag sarili ako ng bahay, kung hindi baka nasermunan na agad ako ni Kuya.


"What are you doing here?!" Gulat na tanong ko nang makapunta sa dining area.


Nakita ko kasi naka apron si Kevin pero wala siyang suot na t-shirt, tanging boxer lang. Hindi ko maiwasan mapatitig sa malaki niyang braso pati sa balikat niya. Halatang gym lover na rin siya ah.


Ngayon lang ulit kami nag kita, nung huling kita ko sakaniya ay nasampal ko siya sa sobrang pakialamera niya. Lagi kasi nakabuntot sa akin 'yan.


Simula nun dalawang araw ko siya hindi nakita, tinaboy ko na. Baka makita pa kami ng fiance niya tapos ako ang pag-initan ng Nanay ni Kevin.


Seryoso niya ako nilingon, may hawak na mangkok. Mukhang nagluto siya ng soup kasi naamoy ko.


"Higupin mo 'to, para mawala hangover mo." Hindi niya pinansin ang tanong ko, ipinatong niya ang mangkok sa lamesa.


Lumapit ako at tinaasan siya ng kilay. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, bakit ka nandito?"


Napabuntong hininga muna ito bago sumagot. "I brought you here last night. Carl couldn't take you, so I offered to take you to your house." Hinila niya ang isang upuan para doon ako maupo.


Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon