Chapter: 26

393 25 0
                                    

Pagkatapos ko utuin si Karina nagsimula na ako mag gala. Nag ikot lang ako sa school. Naghahanap ng maangasan. Kaso mukhang walang mga balak makipag away ang mga estudyante ngayon.



Himala, wala mga war freak dito ah? Siguro narealize nilang hindi zoo ang school na 'to. Bagay kasi sila doon.



"Hoy! Alyssa, Ikaw ba 'yan?!" Sumulpot sa harapan ko si Clark. May dalang hatdog. Malawak ang ngiti nito na parang may balak na naman na kalokohan. "Tado ka, tinakasan mo Ang dapat tatapos sa second lead mo!" Pahabol niya.




"Hindi ako si Alyssa, hindi ako tanga!" Sagot ko. Sabay tago ng mukha ko gamit ang aking buhok. Narinig ko tuloy ang pag tawa niya dahil sa ginawa ko.



"Taena mo ha! Wala ka suot na ID, huhulihin ka namin." Tumingin ako sa ibaba napansin ko na wala nga akong suot na ID.



Tanginu?! Sila pala ang manghuhuli ngayon sa jail booth.



Ngumiti ako "Hehe, pwede naman natin 'to pag-usapan. Pamilya tayo dito." Naglalakad ako paatras, balak ko tumakas dahil pagbabayarin ako pag nasa presinto nila ako.



Ang mga huhulihin kasi dadalhin sa lumang classroom sa kabilang building. Mukhang ang malas ko today ah.



"Hoy, pare hulihin niyo na 'to" Tawag ni Clark sa mga alagad nito. Lumapit na sila sa gawi ko, sinubukan ko tumakbo kaso hinarangan ako ni Carl.



"Are you lost baby girl?" Sabay lapit ng mukha niya sa akin. Naka suot ito ng cap at ang nasa ibabaw nun ay ibon. Ang ibon na mukhang kinuha niya sa puno kasi akala niya walang magulang.



"Wah! Lumayo ka sa 'kin!" Nag pumiglas ako. Hinawakan nila parehas ang aking kamay. Hindi pa sila nakuntento nag tawag pa sila ng backer na maghahawak sa paa ko.



Mukha tuloy ako kakatayin sa posisyon ko ngayon.



"B-birdie!" Nabitawan ako ni Carl. Umipot kasi sa sumbrero niya ang alaga nitong ibon.



"Bro, blessings 'yan" binitawan na din ako ni Josh. Kaso si Clark bigla hinawakan ang dalawa kong kamay. Masyado siya malakas kaya hindi ako makaalis.



"Tado! Hawakan n'yo na 'to, pera din 'to!" Bulyaw ni Clark sa dalawang mukhang tanga.



"Wala kayo makukuha sa 'kin, wala akong pera."



"Nakaka-awa ka naman. Josh sampalin mo nga ng 10k 'to." Sabay siko ni Carl.



"Kaya nga ako sumama manghuli kasi kailangan ko rin ng pera." sagot nito kay Carl.



"Ay, Same!" Tumawa ang tatlong kumag. Napalibot tuloy ako ng paningin sa paligid. Pinagtitinginan na ako. Mga siraulo kasi 'tong kasama ko.



"Inaniyo! Bitawan niyo na ako o tutusukin ko kayo ng ice pick?!" Banta ko sa tatlo nang muli ako hawakan nina Carl.



"Paano mo magagawa 'yon e' hawak ka nga namin." Nakangisi na saad ni Clark.



"Humanda talaga kayo pag nakawala ako dito!" Singhal ko sakanila kaso hindi nila 'yon pinansin. Hinila na ako papunta sa lumang classroom at doon ipinasok.



"Behave kalang diyan ah!" Natatawang sabi ni Clark nang maiupo ako sa upuan.



Pinakyuhan ko lang siya at hindi pinansin. May ilang nakakulong din dito. Ang iba ay nag-uusap lang parang walang pakialam magsilabas.



Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon