"Malapit na bakasyon, pero ako kinabahan pa sa grade ko sa practical research." Napahawak sa dibdib si Creselia, kinakabahan. "Jusko, ayoko bumagsak."
"Hindi 'yan." Tinatamad na sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana.
Wala na kami masyado ginagawa ngayon, bale gumagawa lang kami ng mga kulang namin kasi malapit na mag bakasyon.
Nag apply rin kami ni Creselia noong isang araw sa college na balak namin pasukan. Siya ang nag suggest nun, pati si Kevin doon rin mag-aaral. Sumama rin syempre ang tatlong bugok, gusto pa ata humabol.
"Dimo sure." Naiiling niyang sagot. "Kabado twenty ako."
"Hindi 'yan." Muling sabi ko bago napabuntong hininga.
Nahampas na ako ni Creselia, mukhang nairita na ata sa sagot ko. Nakakatamad kasi, kanina pa ako gumagawa ng kulang ko.
Wala ngayon si Kevin, wala kasi siya kulang. Mga may mga incomplete lang ang pwede pumasok.
Kaya si Kevin nag pa-alalay na ulit sa Kuya ko. Naawa na talaga ako don, ilang linggo na siya pinapahirapan. Mag babakasyon na pero pinapahirapan parin siya.
Sa totoo niyan ako dapat ang pinapahirapan kasi ako naman talaga ang una nanakit. Kaso nakita kasi ni Kuya kung paano ko iniyakan si Kevin noon, kaya siguro gumanti. Sinabihan ko na sila pero ayaw mag patinag.
"Masakit 'yon, ah!" Hinampas ko siya pabalik, makaganti manlang. Masyado malakas kasi.
"Ang pangit mo kausap!" Bulyaw nito sa akin. Magkatabi kami, kakaunti lang kasi kami.
Ang tatlong bugok, kanina pa nakatapos. Dalawa lang kasi kulang nila. E' ako anim kulang ko kasi nagkaroon ako ng absent, pati 'yung ibang hindi ko nagawa.
"Hoy, malakas 'yon ah!" Akmang gaganti siya kaso bigla na ako umiwas.
Kaya lang naman ako walang sa mood kasi katatapos ko lang gawin lahat, mapapatulala ka nalang talaga. Tapos na rin si Creselia, kaya nga iba na iniisip. Buti nga hindi pagkain ang nasa isip ngayon.
"Tama na! Ikaw naman nauna." Inirapan ko siya.
"Tara na, Ayoko na dito." Aya nito, hinihila ako patayo.
Tumango ako at inayos ko ang mga papel ko at inilagay sa aking bag. Palabas palang kami nang makita namin sina Miracle.
Kumakaway si Miracle, malapad ang ngiti. Nakasuot sila ng pang formal attire mukhang kakagaling lang sa final defense nila sa research.
"Saan ang lamay?" Biro ni Creselia, tumatawa.
Agad napasimangot ang tatlo. Paano hindi a-asarin e ang itim ng ilalim ng mata nila, halatang puyat pa. Parang mga pagod pa ata ang mga 'to. Isama mo pa 'yung suot nila, nakaitim.
"Sa bahay niyo, ikaw pag lalamayan namin mamaya." Hinila pabiro ni Miracle ang buhok nito. "Ang ganda ng outfit ko tapos sisirain mo!"
"'Yung outfit lang maganda, pero 'yung may suot, no comment." Singit ko.
Napaawang ang labi niyang tumingin sa akin. Ang sama ng tingin, parang mga anong oras ay susugudin niya ako.
"Demonyita ka talaga." Sabay dakma niya sa leeg ko. Medyo madiin, masakit 'yon ah.
"May nakakakita ng pagiging sadista mo, kaya itigil mo 'yan." Saway ni Karina saka hinila palayo si Miracle.
"Tara videoke sa rob!" Aya ni Hari, hinihila kami palabas. "Makapag-enjoy manlang, ilang araw rin tayo hindi nag kita." Sabi nito sa amin.
BINABASA MO ANG
Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)
Novela JuvenilNot An Angel Series # 4 (Completed) Alyssa Faye Perez was just born into this world to annoyed the people around her. Siya yung tipong babae na sobrang layo sa ibang babaeng hindi makabasag pinggan. But one guy came into her life who gave her a head...
