Chapter: 12

479 30 0
                                        

"Hoy, ano akala mo makakatakas ka?" Agad ko siya hinawakan sa leeg nang maabutan ko.

Ang kapal ng mukha, balak pa tumakas. Cleaners kami ngayon, napilitan nga lang ako mag linis, tapos tatakasan kami nitong siraulo na 'to?

"Hindi naman ako tumakas e," mabilis siya lumayo sa 'kin. "Sadyang ayoko lang nakikita kayong naglilinis."

Nanlaki ang mata ko rito. "Kapal ng mukha mo! Gagawa kapa ng palusot, nakakagago pa!" Hinila ko ang tenga nito pabalik sa classroom namin.

"Alyssa, may pupuntahan pa ako." Pilit niya inaalis ang kamay kong parang glue naka hawak sa Tenga niya.

"So, ako ba wala?!" Nilingon ko siya, masama ang tingin sa akin.

"Aba malay ko sa 'yo! Doon mo itanong sa second lead mo." Naalis niya ang kamay kong nakahawak sa kan'yang tenga at tinulak ako kay Pres na kakalabas lang ng classroom.

Nauntog ako sa matigas nitong dibdib. Pansin ko ang isang kamay niya ay nakahawak sa aking bewang.

Ano na naman 'to?! Shuta!

Mabilis ako lumayo, inirapan ko silang dalawa bago pumasok sa classroom. Nakakainis talaga.

No choice kundi maglinis. Nakita ko rin pumasok ang dalawang, nag simula na mag-ayos ng upuan. Halatang labas sa kalooban ni Clark, padabog kasi inaayos.

Nang matapos kami, nauna umalis ang nagmamadaling Clark. Nagulo pa nga ang ilang upuan doon, dahil sakan'ya.

Bago ako umalis, naglagay muna ako ng polbo. Sinunod ko ang Lipbalm pati narin ang pabango. Nang matapos ako sandali ko pa tinignan ang aking sarili sa maliit kong salamin bago lumabas.

Napaatras ako bigla nang sumulpot si Kevin nang makalabas ako. Teka, akala ko ba umalis na siya? Bakit nandito pa 'to?

"Bakit?" Kunot noo ako tumingala sa kan'ya.

Hindi siya nakapag salita agad, napadako tuloy ang tingin ko sa tenga nitong namumula ngayon.

Problema niya?

"Pres?" Tawag ko rito.

Parang bigla siya natauhan, napaayos siya nang tayo bago mag salita. "Sabay na tayo," kinuha niya ang aking bag at inilagay sa isang balikat nito.

Tumaas ang kilay ko bago kunin ang aking bag. "Anong balak mo sa bag ko ha?! Type mo siguro ang bag ko 'no?!" Pa akusa ko rito.

Ayaw bumili ng sarili amp. Kailangan pa kunin.

Mas lalo namula ang tenga niya. Confirm! Type nga!

"Alyssa.. I'm doing this, because.." Bigla siya natigilan.


Parang timang tuloy ako nag-iintay ng sagot. Dinilaan pa niya ang sariling labi, mukhang wala nang balak sundan ang sasabihin nito.

"Ano?!" Inis kong tanong.

Pucha, naiinip na ako.

Magsasalita sana siya kung hindi lang dumating si Vice president. Papunta siya ngayon sa gawi ni Kevin.

Bago siya makalapit agad ako kumapit sa braso ni Kevin. Subukan niya lumapit, itutusok ko ang ice pick ko rito.

Natigilan si Sunny. Napunta ang kan'yang mata sa kamay kong nakakapit sa braso ni Kevin.

"Yes, Sunny?" Kalmadong tanong niya rito.

"Pinapatawag tayo ni Sir, Dennis." Naging mahinhin ang boses niya, maski ang plastic niyang mukha ay naging maamo.

Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon